Aki's POV
"Bakit ka ba natapilok?"
Nakita kasi kita, biglang bumilis tibok ng puso ko. GATHER YOUR FCKING SENSES, AKI!
"It happens all the time. Tao lang naman ako kahit mag practice ako ng mag practice, di maiwasang matapilok."
CONGRATULATIONS AKI! FOR NOT STUTERRING!
"Tunog defensive ka naman masyado!"
Damn you and your brains Terrence! "Uwi na tayo. I don't think I can push through with my situation."
"Hindi ko alam kung bakit pero, sorry. Sorry for what happen."
"Ok lang..."
"Jack! Pakilala mo naman sa amin yang si totoy!"
Nagsilapitan sa amin ni Terrence ang mga unggoy.
"Terrence ang pangalan ko." I'm so glad that Terrence was able to control his emotions.
Walang kasing kisig ni Terrence ang bagay na tawaging totoy. Err, did I just say kisig? Saan naman nanggaling yun?
"Ano mo si Jack?"
"Manliligaw."
"Syota ko."
Sabay kaming sumagot. Kung bakit syota ang sinabi ko, I don't have an idea.
"Ha? Manliligaw o syota?"
"Nililigawan niya ako pero sinasagot ko na siya kaya technically speaking, syota ko na siya ngayon. So if you'll excuse us. You're ruining our date."
Hinawakan ko ang kamay ni Terrence at mabilis ko siyang kinaladkad.
"Sugarpie naman, dahan-dahan ka naman. Halata tuloy na atat kang makasama ako."
I stopped and out of nowhere, I hugged him. And cried at his chest.
Pagod na kasi akong magtago. Magkunwari. Magpanggap. I'm sick of everything.
"Sssssh. Ok lang yan. Andito lang ako. Bibili tayo ng ice cream, anong flavor ang sa'yo?"
Kahit tumutulo pa ang luha ko di ko napigilang tumawa. "Peste ka talaga."
"Ayaw mo? Sige lollipop na lang."
"Terrence naman. Sana pinatapos mo ako sa pag-eemote ko." Humiwalay na ako sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami. "Syempre, ayokong makitang umiiyak ang syota ko. Kaya smile na Sugarpie."
Namula ako sa sinabi niya. "Terrence, pasensya na..."
"Ok lang. Single naman ako at available. Lubusin mo na habang sariwa pa."
"Baliw ka talaga ee noh? Anyway, wag kang mag-alala di naman na tayo magkikita nung mga ugok na yun kaya di ka na matatali sa akin. Atsaka, baka kasi tantanan na ako ni Margarette. Sasabihin ko na lang na binasted kita."
Hinawakan nito ang dibdib at anyong nasasaktan. "Ouch. Para ka namang nagdidismiss ng prostitute o di kaya ng kabit."
Nakonsensya naman ako. "Terrence, pasensya ka na talaga. Ang akin lang naman kasi baka naiistorbo na kita o di kaya may gusto kang babae pero di mo maligawan."
"Basted na nga ee."
"May gana ka pang magbiro. Sige na. Sorry na talaga. Salamat sa 'date'. Makakadiskarte ka na sa gusto mong babae ngayon."
"Tama ka. Panahon na nga siguro."
So may nagugustuhan na talaga siya?

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?