"Aray nako!"
"Anong tinitingnan mo? Ang bastos mo! Nakakagigil ka!"
"Basa ee kaya bakat."
Yumuko ako at kitang-kita ang pagbakat ng bra ko sa suot kong damit. Dali-dali kong kinuha ang comforter. "Perv! Walanghiya ka! Bakit ka andito ha? May masama kang binabalak noh? Bwesit ka! Mali pala ang pagkakilala ko sa iyo! Maitim ang budhi mo Terrence! I trusted you!" Pinaghahampas ko siya ng unan.
"Aray! Aray! Teka lang! Aray! Ano ba oy! Masakit yan!"
Nagawa niya akong pigilan ng mahawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Wag kang titingin sa baba. Binabalaan kita Terrence!"
"Oo na! Pasensya na! Para bra lang ee!"
"TERRENCE! ISA! Pakawalan mo ko! Bubugbugin kita!" Nagpupumiglas ako sa hawak niya.
"Hmm, tempting but I won't let you go. Pero teka nga muna, sigaw ka ng sigaw jan eh ikaw nga ang andito sa kwarto ko."
"Kapal mo! For your information kwarto ko 'to! Sino namang ulol ang nagsabi sa iyo niyan?!"
"Si... Shit! Lagot sa akin yun."
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo. Tumayo na din ako, dala-dala ang comforter.
"Hoy! Saan ka pupunta? Nag-uusap pa tayo!"
"Si Drake! Bwesit yun! Sabi niya ito ang room number ko..."
"Teka lang, may plano kang pumunta dito?" putol ko sa sinabi niya.
"Ha? Syempre kasi... Ano.. Oo." Nagkamot siya nga batok at naghagod ng buhok gamit ang kamay niya. And I find that very sexy.
"Ang gulo ng sagot mo, oo lang pala. Ang sabi ni Drake ayaw mong pumunta dito. Lalo pa nung nalaman mong may agenda pala ang bakasyong ito."
"Anong agenda?"
"Ang sabi ni Drake, sinabihan ka daw niya... Letseng Drake yun ah! Wala ba siyang sinabi sayo?"
"Wala. Bakit?"
"Wala din! Umalis ka na!"
"Teka lang, ngayong malinaw na sa atin lahat, kahit di ko alam kung bakit parang may kinalaman si Drake, dito muna ako sa kwarto mo. Inaantok pa talaga ako eh." At humiga siya ulit sa kama.
"Ano ba? Bababa na ako! Terrence!" Hinila ko ang paa niya pero wa epek. Sumampa ako sa kama.
"Ano ba? Bumangon ka jan! Baka hinahanap na ako ni Dad... Ayy!" Bigla niya akong hinila at niyakap.
"Hoy te-teka! Anong gagawin mo?" Ka lips-to-lips ko na ang leeg niya. "Terrence! Amoy pawis ang leeg mo!" Kahit ang totoo wala siyang pawis at amoy downy siya.
"Naglalambing lang. Atsaka antok pa ako."
Shet! Paasa niya! "Sa pagkakaalam ko 'break' na tayo. Di ba galit ka sa akin? Dun ka sa Peony maglambing."
"Kailan naman ako nagalit sayo? At yung kay Peony? Group date yun. Kaya wag ka ng magselos Sugarpie."
"Terrence, kung gusto mo pang matulog, maghanap ka ng sarili mong kwarto. Baba na ako, baka mamaya niyan naghahanap na si Daddy sa akin." I summoned all my willpower to sound serious.
"Kahit one minute lang Aki? Na miss kasi kita."
Sa sinabi niya bumigay na ang defenses ko. I let him hug me. He in return, massage my head. "Anong shampoo mo Sugarpie? Amoy candy ka kasi."
"Hmmm." Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Pero dagli ding nawala nang...
"JACQUILINE!"
Napatayo ako agad sa gulat, syempre dala-dala ang comforter.
"DAD?!"

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?