Twenty One

122 3 0
                                    

      "Aki, ok ka lang? Gusto mo mag malling tayo? O di kaya sine?" Betty's head pop-out from my door.

      "Parang ang sarap mag suicide Betty," sabi ko sabay harap kay Betty. Lumapit naman siya at umupo sa kama ko. "This is worse than dying!"

    "Aki ha! Wag kang magsalita ng ganyan!"

    "Kinulong nila dito ako sa mansyon Betty. Para akong ibon! Ang daming nagbago. Hindi ko na nagagawa ang mga hilig ko. Ano bang ginawa kong kasalanan? Pumatay ba ako? Nagnakaw ba ako? All I want is to be me pero dahil sa letseng pagpapanggap na yan ito nangyari!"

   "Hindi ba pinagsabihan ng Daddy mo si Margarette? Siguro naman na..."

   "Akala ko din Betty," putol ko sa sasabihin niya.  "Akala ko... Akala ko kasi kakampihan ako ni Daddy pero anong ginawa niya? Pumuntang Thailand for that fcking business trip of his! Iniwan niya ako na kasama si Margarette who is now taking care of my debut!" Napaluha na naman ako sa sakit. Pati ba naman Daddy ko inayawan ako.

   "Aki, you still have me. Lahat pwede mong sabihin sa akin. Wag mo ng isipin ang bagay na yun. In a week's time matatapos din 'to."

   "Yun na nga Betty eh, one week na lang debut ko na!"

   "Bakit? Ayaw mo bang mag debut?"

   "Betty, engagement party ko rin yun! Biruin mo naman Betty! ENGAGEMENT!"

    "Ano ba talagang nangyari at kinulong ka ni Margarette dito at bigla-biglang may fiance to be ka na? May boyfriend ka ba?"

    Umiling ako at sinabi ko lahat kay Betty, simula sa party hanggang sa Baguio. Leaving out the details about me being attracted to Terrence.

    "Sino ba yang lalaking yan? At ganun na lang ang pagkahumaling ni Margarette na ipakasal ka?"

    Right on cue, biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Terrence. "Go to hell! Bastard!" I ended the call.

    Alam kong masakit marinig ang salitang bastardo siya pero naisip din niya bang nasasaktan ako ngayon dahil sa sinabi niya. Dahil sa kanya may puchang engagement na yan!

    Alam ko namang nagbibiro siya nung mga panahong yun pero the adults take it way too seriously and now I'm bound to lose the little freedom I have.

    "Sino yun?"

   "Yun si Terrence. Anak ni Mr.Valderrama. I hate how business works," puno ng disgusto ang tinig ko.

   "Walang stir? Magagawa ba talaga ni Margarette yun? Alang-alang sa pera at pangalan?"

   I nodded silently.

  "Walang puso talaga yang si Margarette noh?! Why don't we take off your mind about all these? Ano? Cafe hopping tayo? O di kaya foodtrip? Just like the before? Syempre, treat mo."

   Napangiti ako sa sinabi niya. "Ayoko Betty, parang wala namang pinagkaiba yun dito sa bahay. May kasama ka pang mga naka barong, nakakasakal."

   Nag hire kasi si Margarette ng bodyguards dahil minsan na akong tumakas at nauwi sa isang aksidente, minor lang naman. Nahiling ko nun na sana natuluyan na ako.

   "Ano ng plano mo ngayon?"

   "Nasa sa'yo ba lahat ng mga trophies ko Betty? At yung mga pictures?"

    "Oo naman! Bakit? Anong gagawin ko dun?"

   "Linisin natin. Malaki ang maitutulong ng mga yun in a week's time."

    Nanlaki ang mga mata ni Betty. "You're really doing it? As in?"

    "Yup, bago nila ako itali sa pesteng engagement na yan gusto kong kumawala muna."

   "Mag exhibit kaya tayo?" pilya niyang tanong.

   "Nasa sa iyo pa? Highschool pa ako nun ah!" I used to paint but when Margarette found out pinatapon niya lahat ng gawa ko and she enrolled me in a ballet school.

   "Oo. Ang gaganda kaya ng mga nun."

   I hugged her. "Thanks for everything Betty."

   "Enebeyen! Drama naman Aki!"

   Natawa ako at kumalas na sa kanya. "Sige na tama na 'to. Mag movie marathon na lang tayo. Magluluto ako para sa'yo."

   "Paano yung... plano?"

   "We still have time pero sa ngayon, I want to relax."

  "Ok game!"

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon