Chapter Forty Three

3K 64 0
                                    

Sophie's POV

Pagdilat ko halos malaglag ako sa kama ko kasi naman si Ate Krista eh nakatitig sakin "Hi baby Sophie Goodmorning!!!" sabi niya "Hi Ate ehe morning" sabi ko "Ano ginagawa mo dito sa room ko?" tanong ko sa kanya "Ah aayain kita magshopping tayo di na tayo nakakapag bonding little Sister" sabi nito "shopping?" tanong ko at parang nagning-ning ang aking mata sa narinig "Sige" nagmamadali ako bumangon at naligo "Tara na Ate" sabi ko.

Habang nasa mall kami ngayon at nagshoshopping kami ito ang aking stress reliever shopping!!. Nang napagod kami kumain kami at isa sa mga trip namin ni Ate ang kumain ng ice cream "Sophie kausapin mo naman ang brother ko baka mabaliw na yun" sabi nito para tuloy akong nabulunan "Ahe Ate kasi...." di ko na natuloy kasi pinigil ako ni Ate "Okey lang" tapos nagsmile at nagwink ano ba tong Ate ko mga trip sa buhay masama ba ang epekto ni Kuya sa kanya? "Tara na" aya niya tapos hinila pa ako pag labas "San tayo pupunta?" tanong ko "Sa bahay Miss ka ni Dad ang Lolo dalhin daw kita eh" sabi niya "H-ha ngayon na agad agad?" tanong ko ngumiti lang siya "Holo!!! What will I do shocks sana wala si Drei dun sana wala.

"Dad, Lolo i'm with Sophie" tawag ni Ate naupo lang ako sa sofa nila "Hello Apo" tawag ni Lolo kaya lumapit ako at kumiss "Hello hija" sabi ni Tito "Hi po Tito" at ganun din "Ba't ngayon ka lang dumalaw ulit?" tanong nila "Ay naku sorry po medyo busy" sabi ko "Oh apo Drei halika dito join us" tawag ni Lolo natuyuan ako ng laway at halos malaglag ang puso ko kasi sa tabi ko siya naupo.

Di ako makakilos ng normal dahil nasa tabi ko siya, feeling ko pati paghinga ko di normal dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ng naiwan kami dalawa ang tahimik lang namin di man lang kami naguusap or kumikibo pero siya ang unang bumasag ng katahimikan "Can we talk?" tanong niya pero di ko siya sinagot "Not now Drei please" sabi ko "Kelan ba?" tanong niya "I don't know" at tumayo ako "Alright i will give you more time, pero di ako titigil hangga't di tayo bumabalik sa dati" sabi nito at nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa noo.

**************

Nasa bakeshop ako ngayon at busy, nagulat ako kasi may dumating na deliver ng bulaklak at balak yatang gawing flower shop ang bakeshop namin 5 bouquet of roses at kada bouquet may note na nakalagay "PLEASE, let's talk! I miss you!" at halos ikabingi ko kasi tong dalawang bruha di ba naman timang eh sa magkabilang tenga ko pa tumili "Ohmy wag kang umarte baka masipa kita kausapin mo na yan" sabi ni Nikki "Oo nga girl kausapin mo na" si Ella naman tss, tss ewan ko sa kanila.

"Bye ingat sa pag uwi maulan" paalam ko sa kanila kanya kanyang uwi kami maulan kasi. Habang nagdadrive ako may isang itim na kotse ang humarang sakin holo!!! shete kidnap waaah di kami mayaman "Sumama ka samin ng maayos para walang ng masaktan pa" sabi nun lalaking nakabonnet at nilipat ako sa kabilang sasakyan, hala shete wait di pa ako ready mamatay di pa ako nakakaron ng sariling pamilya, di pa ako nagkaka apo! apo agad?! "Hoy mga pangit sino kayo sira ba kayo di ako mayaman bakit ako kinikidnap niyo pakawalan niyo ko" at pinaghahampas ko yung mga impakto na dumukot sakin. Takpan niyo nga bibig niyan ingay ingay pero di ako pumayag sinabunutan at pinaghahampas ko sila.

"Nandito na tayo" rinig kong sabi nila "Buhatin yan papasok sa loob" sabi pa ng isa kaya binuhat ako parang sako ng bigas at pinaupo ako sa silya. Tinaggal ang piring ko at nagulat ako at halos kalbuhin ko sila pano yung buong barkada lalaki lang namin "Mga letche kayo papatayin niyo ko sa nerbiyos ano trip niyo" pinaghahampas ko sa kanila "Aray ano ba tam...aray!!!" kanya kanya nilang reklamo.

"Putcha tol ba't ngayon ka lang ikaw na kumausap dito amazona to ang liit na tao ang lakas lakas manghampas" reklamo ni Tristan "Usap na kayo" sabi nila at dinaanan ako at kanya kanya silang gulo ng buhok ko at sila dinaanan si Drei at kanya kanya batok sa kanya, nagulat ako kasi sumulpot si Kuya "Ikaw ang mag uwi sa baby ko, iuwi mo ng walang labis at walang kulang yan bro patay ka sakin pag di mo inuwi yan ngayon gabi" sabay tap sa balikat ni Drei si Kuya naman tumingin sakin "Magusap na kayo baby ha! be good" sabi nito at talikod "Kuyaaaaaahhh!!!!!!" sigaw ko "KUYA COME BACK HERE!!! IHATECHU!!! sigaw ko "I know, I love you more baby" sabi niya at tumatawang lumabas.

Si Drei naman lumapit sakin pero di pa talaga ako nakakamove on, pinaghahampas ko siya sa braso "Sira ka ba papatayin niyo ba ako ha!" sabi ko na nagagalaiti sa inis sa mga impaktong to "Aray...ayaw mo.. aray..kasing makipagusap...sa..aray..sakin eh!!" sabi niya kasi panaghahampas ko siya. Tumigil ako kasi nakakapagod palang mangbugbog kaya napaupo ako dun sa silya malapit sakin.

Siya naman umupo sa harap ko yung parang nakaluhod sa harap ko pero naiinis ako kaya di ko siya pinansin at iniwas ang tingin ko "Okey I'm Sorry di ko na lang talaga alam pano kita makakausap iniiwasan mo kasi ako. Tumayo siya at lumapit sakin hinila niya ako patayo tapos bigla niya akong niyakap at sabi "I'm sorry and... I miss... really miss you"

Enjoy reading guys ;)

LOVE LOVE LOVE

A/N: Pa'comment and pa'vote na din, hihi tenchu:) ♥♥♥

My Destiny (COMPLETED) Major Editing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon