Chapter 1: New Challenges

3.5K 79 15
                                        

Nagising ako ng mag aalas-dose ng umaga at sa tingin ko ay kulang pa ang tulog ko.

Umupo ako sa aking kama at nagdasal dahil muli akong ginising ng panginoon.

Lumabas ako sa kwarto ko ng makita kong walang tao ay nagtaka ako bigla dahil dati rati ay nandito ang mga magulang ko para bumati saakin at tanungin kung maayos ba ang tulog ko at iba pa.. Ngunit hindi ko alam kung nasaan sila ngayon dahil wala naman silang nabanggit na aalis sila.

Ako nga pala si Elisha Allaixa D. Anunciacion, ako ay 13 years old at may kambal ako, siya ay si Elija Allaixis D. Anunciacion. Siya ay dalawang minutong mas matanda saaken. Bakit dalawa? Ewan, malaki siguro ulo ni gago kaya natagalan. Pinanganak kami ika-2 ng Hunyo.


Si Kuya ay sikat sa University namen, hindi siya gwapo para saken pero dahil kambal kami ay sikat kami. Siya ay habulin ng mga babae mapa bakla pa. At ako? Habulin ng mga lalaki? Hell no, habulin ako ng mga teachers dahil kapag sila mismo ay hindi naiintindihan ang lessons nila ay ako ang tinatawag. Section 1 kami pareho out of section 22. Lamang si kuya ng katalinuhan saaken pero ako ang kinakausap ng teachers dahil si kuya ay masyadong mabilis makipag-usap lalo na kapag hindi siya interesado.

Si kuya ay matangkad ng kaunti saaken, maputi, emo ang buhok niya at maraming bracelets na kung ano ano sa kamay. Kahit ganiyan siya ay hindi niya pinapabayaan ang pag aaral siya ang top 1 sa klase namen ,best in Math at valedictorian ever since kaya kilala siya. Okay fine, aaminin ko gwapo siya kaya habulin ng babae okay? May 2 siyang adam's apple at halatang halata ang pangil niya, oh diba bampira epek! Seryoso siya sa lahat ng bagay pero palatawa, malambing siya, loyal,magaling magluto at mapagkakatiwalaan.

Ako naman ay antukin, masipag naman. Maputi din at ang buhok ko ay kulay brown na aabot hanggang pwetan ko. Mahilig akong tumambay sa library at pala kaibigan ako. Mayroon akong mga tropang lalaki pero ni-isa sakanila ay wala akong karelasyon at ako ay tinuturing nilang prinsesa. Ako ay maliit ng kaunti kay kuya. Top 2 naman ako sa klase namen dahil siya nga ang nangunguna kaya kilala din ako sa unibersidad. Wala akong alam sa gawain bahay kaya si kuya ang mas inaasahan saaming dalawa pero hindi ako nagseselos dahil alam kong mas lalamang ang kagandahan ko sakanya. HAHAHA charot.


Ang nanay namen ay si Amanda Anunciacion siya ay isang Doctor sa hospital. Oo, sa hospital hindi sa kanto. Ang tatay naman namen ay si Fernando Anunciacion Business Manager sa isang kumpanya at kami ay may lahing Espanyol.

Nakatira kami sa Pampanga at marunong din kaming magkapampangan pero hindi namin inaalis saamin ang lahi naming Espanyol.

Isa akong babae, malamang diba.

Babaeng antukin, halata ba?

Ako ay grade 8 ngayong pasukan at gusto ko ng matapos ewan ko na leche na ako eh.

Daig ko pa and baliw ewan baka baliw nga ako since birth dahil ang hilig ko sa yelo

Oo yelo as in ICE yung malamig na malamig na nag uusok na. Basta pag malamig kakainin ko agad

At ang ngipin at buong katawan ko ay manginig na sa sobrang lamig AHHAHHAH. Buang diba.

"Mama, Papa.... Kuya?" pagsabi ko nang may katamtamang lakas..

Mayroon kasi akong Nyctophobia, oo inaamin ko kaya pag ako ay matutulog sisiguraduhin kong nakabukas ang ilaw at kung wala namang kuryente ay sisiguraduhin kong katabi ko si kuya matutulog kahit labag sa kaloob-looban ng dignidad ko.

Kabaligtaran ko naman si kuya na malikot matulog, sakop niya lahat ng lugar at gusto niya ay madilim at isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi kami pinagsasama sa iisang kwarto. Bampira yata si gago.

"Ma,Pa bakit hindi niyo sinabi saakin na aalis kayo eh takot pa na--------" napaputol ang aking pagsasalita ng biglang sumigaw sina mama, papa at kuya ng...

"HAPPY BIRTHDAY!!!!" sabay sabay nilang sabi at may pa disco light pang biglang bumukas, dahil doon ay nabawasan ang pag-sumpong ng aking Nyctophobia.

Oo nga at kaarawan pala namin ni Kuya kaya 13 na kaming dalawa.. Sa sobrang stress sa bakasyon ay nagawa kong kalimutan ang sarili naming kaarawan. Stress kakatulog.

Aba malamang at nagulat ako dahil may pa cake na chocolate flavor na siya namang paborito ko at syempre may timang sa tabi na may hawak na balloons at mukang killer clown.

"Happy Birthday bunso!! Mahal na mahal kita!" sabi ni kuya at kasabay non ay ang paghalik niya sa noo ko. Syempre nailang ako di ko siya lab eh, charot! Inyo na siya. 

Lumapit ako sakaniya at tumingkad upang maabot ang tenga niya sabay sabi ng

"Happy birthday kuya, mas mahal kitang abnormal ka."

Pagkatapos ay bumalik ako sa harap nina mama at papa..

"Thank you mama, Thank you papa." pagkasabi ko non na nakangiti sabay niyakap ko silang dalawa.

Akin ipinagtaka ay kung bakit nakasimangot si mama sabay siyang tumingin saaken..

"Nako, Elisha anak bakit parang malungkot ka yata? Kaarawan mo pa naman ngayon kayo ng kuya mo dapat masaya ka." sabi ni mama.

At siya namang ikinasama ko ng tingin kay kuya..

"Eh kasi naman mama, itong si Kuya EJ eh kagigising ko palang tapos hinalikan na noo ko at nadumihan kaagad, tsk tsk!" pagkasabiko ng may pagtatampo. PABEBE eme eme AHHAHA.

Oo, EJ ang tawag ko sakanya. Kuya EJ dahil EliJA wala trip ko eh magagawa niyo? 

Lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko..

"Excuse me Ella, pink ang labi ko at malinis to. Never been kissed, never been touched. Kahit hindi ko halikan iyang noo mo ay madumi na talaga yang muka mo!" pagkasabi niya kasabay ng pagpisil niya sa aking ilong.

Oo, Ella... ELisha AlLAixa... pangit te! Hayaan mo pangit din naman nag imbento si Kuya EJ HAHAHA!

"Nako kayong dalawa parang aso't pusa pero 2 minuto lang naman ang agwat niyo." ani ni papa

"Aba beh? Anong konek ng aso't pusa sa dalawang minuto?" takang tanong ni mama.

"Ah.. Eh.. Kasi.. Beh.. Konek mo nalang sa extension heheh.." nauutal na sagot ni papa na napakamot pa sa ulo.

Ito talagang mga magulang ko parang bata. Dinaig pa kami ng tukmol kong kambal..

"Kain na Anunciacion Family!!" sabi ni kuya at nagsimula na kaming kumain.

Sayang talaga at wala sina Manang Fe, Manang Roxi, Manang Julie, Manang Fatima at Manong Robert. Nag leave kasi sila para umuwi sakanila baka siguro gusto kami masolo nina mama at papa ehhe Jowk lang po! Na mimiss kona sila dahil nakaka awa si kuya siya lagi nagluluto at lahat lahat.

This is it.. The new beginning of my life, New things will come and new friends will come.

New teachers

New roles 

New everything.. 

New... Challenges.



__________End of Chapter 1__________ 

Highschool MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon