Nandito ako ngayon sa music room namin ni Kuya at nag papractice siya ng gitara, samantalang ako pinapanood siya habang nag ce-cellphone dahil iyong lamang ang alam kong gawin ngayong bakasyon.
Habang nag s-scroll ako sa FB ko ay biglang kumatok si Mama at siya namang ikinatigil ni kuya sa pag gi-gitara upang buksan ang pintuan.
"Mga anak, mag bihis kayo at aalis tayo" sabi ni mama saamen na para bang nagmamadali.
"Bakit po mama? Saan tayo pupunta?" sabi naman ni kuya.
"Nako, bukas na ang pasukan niyo ika-13 ng Hunyo. Kailangan nating mamili ng mga gamit niyo at sunduin na sina Manang at Manong upang bumalik na sila sa kanilang trabaho dahil tapos na ang kanilang day-off na dalawang linggo." mahinahong pagpapahayag ni mama.
"Sige po ma, magbibihis lang kami ni Kuya." sabi ko at niligpit na ang mga kalat sa music room.
Pagkatapos kong magligpit ay dumaretso agad ako sa kwarto ni Kuya at nakita ko sa orasan niya ay 10:00 am na pala.
Habang hinihintay ko si kuya na maligo ay napa-upo muna ako sakanyang kama.. Oo, doon ako sa banyo niya maliligo dahil ang banyo ko ay pinapa-ayos ni mama,pinapalinis at pinapaganda pa.
Ano kayang mangyayari bukas? Kakakita ko sa listahan ng mga section 1 sa website ng aming skwelahan ay nandoon ang pangalan namin ni Kuya...
Pinapanalangin ko na sana ay mabait ang mga teacher namen, lalo na ang adviser namin. 20 minuto na akong nakahiga at nag ce-cellphone ay hindi pa din tapos si kuya kaya ako ay tumayo at kinatok siya..
"Kuya, antagal mo naman? Nami-miss na kita labas kana diyan." sabi ko ng may pagka-lambing para dalian niyang maligo dahil inip na inip na ako.
"Nako Ella! Kung namimiss moko edi sabay na tayo maligo." kasabay non ay ang pagtawa niya ng malakas
Nainis ako at umalis na sa kwarto niya, kina mama na lang ako maliligo. Siguradong nasa garahe na sila at hinihintay nalang kami ni Kuya kaya naman pumunta ako sa garahe.
"Mama, pwedeng sa banyo niyo nalang po ako maligo? Napakatagal kasi maligo ni kuya at baka ma late tayo." sabi ko kay mama.
"Oo, basta bago ka lumabas sa banyo ay punasan mo sa buhok mo ang towel upang hindi mabasa ang tiles sa kwarto namin at madulas pa ang susunod na papasok don." sabi ni mama habang tinitignan si papa na inaayos ang sasakyan.
Dali dali akong pumunta sa banyo nina mama at naligo na ako.. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko si papa na sumisigaw.
"Mga anak dalian niyo na diyan at aalis na tayo mag aalas-onse na!" pasigaw na sinabi ni papa upang marinig namin ni kuya.
Dali dali akong umalis sa banyo na nakabihis na at ng nasa pintuan na ako ay naisipan kong sa kwarto nalang ako nina mama magsuklay dahil sanay akong sa labas nagsusuklay.
Habang nagsusuklay ako ay biglang bumukas ang pinto at nakita kong si kuya yonna papalapit saaken.
"Nako alam mo ba Ella napakatagal mong mali------" napatigil siya ng madulas siya at bumagsak sa sahig.
"Anak ng kamote naman Elija napaka lampa mo!" sabi ko habang nagpipigil ng tawa at dali daling tumakbo papunta sakanya at tinulungan siya. Nakalimutan kong punasan ang mga patak na tubig sa sahig dahilan ng basa kong buhok kya pinunasan ko agad.
"Tara na nga, alis na tayo kahit wag ka ng magsuklay dahil maganda ka naman at matutuyo din iyan." sabi ni kuya.
Sumunod ako sakanya patungong garahe at kami ay umalis na.
Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan at pagkagising ko ay nasa dibdib na ako ni Kuya.
Laking gulat ko ng makita kong nandito na sina Manang Fe at iba pang mga manang at lalo na si Manong Robert.
"Mama, saan tayo papunta?" tanong ko kay mama
"Nako, papuntang mall at bibili ng mga kailangan niyo sa paaralan." mahinahon niyang pagkakasabi.
"Matulog ka muna Ella, cute mo matulog eh. Sarap titigan tulo laway HAHAHAHA." sabi ni Kuya na parang nang-aasar pa.
"Nako naman Ej, inaasar mo nanaman ang kapatid mo, hindi ka pa rin nagbabago eh kaka birthday nyo lang." sabi ni Manang Julie ang da best magluto.
"Totoo naman huh, cute siya. Diba dad." ani ni kuya na animo'y nagpapa-cool.
"HA? Eh oo naman noh, manang-mana sa nanay mo." sabi ni papa. kasabay noon ay ang pagpalo ni mama sa binti ni papa na animo'y kinikilig.
Habang kami ay nagtatawanan ay sa wakas at nandito na kami sa mall ng biglang..
"Uhmm.. Mga anak, pwedeng kayo na munang dalawa ang mamili.." naka-ngiting sabi ni mama.
"Why ma?" tanong ko.
"Iuuwi na muna sana namen sina Manang Fe,Roxy,Julie,Fatima at si manong robert." sabi ni papa.
"Yeah, ako na bahala dito." sabi ni kuya at inakbayan niya ako.
Binigyan siyang 10 libo ni mama at andito kami ngayon sa National Bookstore.. Ako ay nakasunod lang lagi sakanya dahil alam niya na naman ang bibilhin.
Ilang saglit lang ay tapos na siyang mamili dahil may listahan siyang dala sa cellphone nya at kami ngayon at naglalakad na.
"Ella, saan mo gusto kumain?" tanong ni kuya.
"Uhm.. Kahit saan." sabi ko.
"Ano ba gusto mong kainin?" tanong niya.
"Ikaw." sabi ko ng wala sa sarili dahil nag ce-cellphone ako.
"Ano? Alam ko masarap ako pero pagkain ang kelangan mo hindi ang katawan ko." sabi niya na nakangiti.
"Ha? Sabi ko ikaw anong gusto mong kainin?" pagka-klaro ko.
"Basta, tara na." kasabay non ay ang paghila niya sa kamay ko.
Ilang saglit lang ay napadpad kami sa Mang-Inasal. Malamang siya na tong nag order dahil halo-halo lang naman ang gusto ko.
At sawakas matapos ang ilang minuto ay bumalik na din siya na may dalang mga pagkain and wtf... Nag extra-rice si kuya? Matakaw.
Habang hinahalo ko ang aking halo-halo ay tinititigan ko lng si kuya na takam na takam sa kanyang inorder. Actually ang dami nga dahil punong puno ng pagkain ang lamesa namin na siya namang kakain pero na me-maintain niya ang katawan nya. Hmmm how was that.
"Tapos nako Ella, uwi na tayo susunduin tayo ni papa." kasabay neto ang pag burp niya.
"Excuse me!" sabi niya.
Tumango na lamang ako at sumunod sakanya at kitang kita ko na paglabas pa lang sa mall ang kotse ni papa.
Pumwesto kami sa likod ni Kuya at ang mga pinamili namin ay nasa likod namin.
Kauwi namin sa bahay ay sinalubong kami nina Manang at ni mama. Niyakap ko sila at dali dali akong pumunta sa kwarto ni kuya dahil mas malapit iyon kumpara sa kwarto ko dito nalang ako matutulog dahil pagod na pagod na ako...
Ano kayang mangyayari bukas dahil first day of school.. Hmmm sana maging masaya.
Pagod na pagod ako at di ko namalayang nakatulog na ako...
__________END OF CHAPTER 2__________

BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Misteri / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...