LYDOCIUS' POV
Nag-iisip ako kung papaano ko sisirain ang relasyon ng dalawang mag-amang bampira.
Pumunta ako sa isang kwarto para tignan ang ama ni Lysander o kilala niyo bilang Elija ang ama niya na si Abigor.
"Kamusta aking kaibigang taksil?" tanong ko at kitang kita ang panghihina niya dahil ilang taon na siya dito sa kulungan niya.
"Pakawalan mo ako dito taksil!" sigaw niya saakin dahil hindi siya makawala sa kaniyang kulungan na may maliliit na butas dati alam kong kapag malalaki ang butas neto ay makakalusot siya dahil mag-aanyong paniki siya.
"Ano kayang magandang gawin sa anak mo na si Lydsander? Paslangin o pahirapan?" tanong ko.
"Ako na lang ang patayin mong hayop ka!" sigaw niya saakin.
"Paano kita papatayin? Eh immortal ka?" sarkastiko kong tanong.
"Oh? Sinong bobo saatin taksil!" aniya.
"Ohh.. Alam ko na.. Maghahanap ako ng taong magpapanggap katulad mo." saad ko
Nagtataka kayo kung bakit hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya? Inalis ko, magaling ako lalo na kapag umiiral ang aking pagiging mainggitin.
"Mga kawal!" pagtawag ko.
Dali dali silang lumapit saaken.
"Sino ang gustong magpanggap bilang bampira at paniwalaan ang anak ng hinayupak na to na wala ng pake ang ama niya sakaniya?" tanong ko dahil kaya kong gawing ibang anyo ang isang tao.
"Ako nalang po." ani ng isa sa mga kawal.
Pumunta kami sa isang kwarto at isinagawa ang isang ritwal upang maging kamuka neto ang ama ni Lysander.
ELIJA'S POV
"Hala hindi noh! Si kuya kaya yung palaging bossy dati!" sabi ni Elisha.
"Hoy! Nakakainis kaya itong jowa mo noh! Nakaka-asar pa." ani ko.
"Kaya naman pala hindi maiiwasang hindi matawag nabakla toh dahil pikon." ani ni Brandon.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Elisha at nagtatawanan at nag-aasaran.
"Naalala ko pa dati nung pinalipad mo ako dahil lang sa binulong ko kay Elisha na layuan ka niya AHHAHAHAHA" pagsasaad ni Brandon.
"Eh kasi naman noh ang over protective ni kuya akalain mo iyon napakasungit niya pa dati." sabi ni Elisha.
Ito talagang dalawang magkasintahan na to ay pinagkakaisahan ako palagi.
"Tapos alam mo pa after nong unang araw ng klase ay nasa study room kami tapos sabi ko ang gwapo mo tapos biglang nag walk out si kuya HAHAHAHA!" tawang tawang sabi ni Elisha kasunod non ay ang pagyakap niya kay Brandon.
"So ano? Pagkatapos ng kwentuhan at asaran ay maglalandian? Aba sino naman ang lalandiin ko?" tanong ko at nag pout dahil nakaka-inggit sila.
Lumapit saakin si Brandon at..
"Ako nalang Babe.." bulong niya sakin na animo'y hahalikan pa ako.
"Mahal!" pagtawag ni lil cupcake kay Brandon.
"Sus, ito naman hindi mabiro." sambit ni Brandon at bumalik na kay lil cupcake.
"Naalala ko nung ika-20 ng disyembre ay nahalikan mo ako imbes na si lil cupcake." sabi ko at nainis naman si Brandon doon pero si Ella ay patuloy pa din sa pagtawa.

BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mystery / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...