ELISHA'S POV
December na, oo December na at lumalayo ako kay Brandon pero minsan ay sinasamahan niya ako sa lalo na kapag wala si kuya.
Hanggang ngayon ay suot ko pa din ang kwintas na binigay ni kuya saaken namay nakasulat sa likod "Vampiro te protege". Ibig sabihin ay pinoprotektahan ako ng bampira o kung sino man iyon.
Nasa library ako ngayon hinihintay ko si kuya dahil uwian na kaya napagisipan kong tumambay dito. Si kuya ay nasa Faculty Room dahil president siya at ako naman itong vice president.
President siya at kailangan niyang kunin ang mga papers na ipapabigay ni Ma'am Emilia, ang Science teacher namin dahil next meeting ay may gagawin kaming activity.
May namukaan ako bigla, si Brandon.. Oo si Brandon nga at mayroon siyang kwintas na ngayon ko lang napansin dahil lagi itong nasa loob ng uniporme niya.
Napansin ko agad ito dahil hugis .... parang werewolf na ulo na mayroong kulay dilaw na mata.. Weird
"Hi babe." maangas niyang pagkakasabi at kitang kita ko ang pangil niya..
Oo, pareho silang may pangil ni kuya na halata pero bakit may kwintas siya na ngayon ko lang nakita..
"Hello, Brandon." sabi ko at ngumiti..
Tumabi siya saaken at nakita kong nakatingin siya sa dibdib ko.
"Saan mo galing iyan?" Tanong niya saaken dahil ngayon ko lang din pinakita sakanya ito dahil sabi ni Kuya ay huwag ko daw ipapakita sa iba.
"Ah.. Ito ba.. Sa Kuya ko.. Bakit?" pagsagot ko at ikinalaki ito ng mata niya.
"Ano ba ang kuya mo?" tanong niya saaken na para bang natatakot.
"Tao siya, bakit?" seryoso kong pagkasabi.
"Seryoso? Wala ka bang napapansin sakanya?" tanong niya saakin at nakakunot ang noo.
"Wala naman, at isa pa kung sasabihin mong masama ang kuya ko ay hindi ako maniniwala sayo." sabi ko na pinagtatanggol si kuya dahil sa lahat ng bagay ay ipinagtanggol niya ako kaya sisiguraduhin kong ipagtatanggol ko din siya kahit pa nakatalikod siya.
Dali dali akong lumabas sa library at doon nalang maghihintay kay kuya.
ELIJA'S POV
Nandito ako ngayon sa Faculty Room at hinihintay ko si Ma'am Emilia para ibigay ang mga papel na activity namin para sa next meeting dahil hindi siya makakapasok next meeting kaya ako muna ang maghahari ng klase.
"Hi Babe." Rinig na rinig ko mula sa unang palapag ng building hanggang sa second floor ang boses ni Brandon.
"Hello, Brandon." Rinig kong sabi ni Ella.
"Ito na ang mga activity niyo para sa next meeting o siya uuwi na ako." sabi ni Ma'am Emilia na animo'y nagmamadali.
"Saan mo galing iyan?" Rinig ko ang natatakot na boses ni Brandon.
Dali Dali akong nag tumakbo na napakabilis upang marating ang second floor.
"Ah.. Ito ba.. Sa Kuya ko.. Bakit?" sabi ni lil cupcake.
Nandito na ako sa harap ng library naghihintay na lumabas si lil cupcake.
"Ano ba ang kuya mo?" tanong ni Brandon
"Tao siya, bakit?" pilosopong sagot ni Ella na siyang ikinatawa ko at biglang tumingin saakin ang mga tao na dumadaan.
"Seryoso? Wala ka bang napapansin sakaniya?" Tanong ni Brandon na siya namang ikinahalakhak ko ng sobra dahil kung meron man alam kong hindi ito sasabihin ni lil cupcake.
BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Misterio / SuspensoSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...
