ELISHA'S POV
Ang saya ng First day of class kanina. Habang si Kuya ay nabobored ewan ko napano siya.
Nandito kami ngayon sa study room at nag aadvance reading..
Habang nasa-kalagitnaan ako ng pagbabasa ay naalala ko ang mga nag introduce kanina.
Ang triplets na Salonga sisters ay naka close ko na at nakipagtawanan ako. Ang babait nila at ang saya nila kausap lalo na si Zara na siyang bunso at kulay green ang mata. Si Zayyan naman ang panganay na napaka matured at kulay brown ang mata. Si Zachary ang gitna na nakikiride sa mga ate niya at kulay blue ang mata.
Bago ko pala sila naging ka close ay nag introduce kami sa first day of class at ako ang unang nag-introdce at nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Kuya is next at he acts so cool.
Pagkatapos niya ay ang Salonga sisters na iba iba ang kulay ng mata. Simula ng makita ko ay nakangiti na sila saaken kaya hindi nagtagal noong free time ay naging close ko sila agad.
Pagkatapos mag intro ay ang mga Schmidt brothers naman na iba iba ang buhok. Si Bruce ay napakaseryoso kausap na para bang professional ang kausap niya at siya ang panganay na blonde ang buhok. Si Peter ay napaka nature lover at mahal niya lahat ng nasa paligid niya at siya ang gitna sa kanilang tatlo na curly ang buhok. Si Clark naman ay "Free Spirit" dahil siya ang bunso nagagawa niya lahat ng gusto niya at lahat ng nakikita niya sa mga kuya niya ay ginagawa niya, siya naman ang may kulay asul na buhok.
Hindi pa huli ang lahat at nahagip ko ang gwapong si Brandon na medyo mahangin sa pag iintroduce niya ngunit totoong gwapo siya. Habang nag iintroduce sya ay biglang naubo si Kuya na para bang may sakit.
"Is there any problem?" tanong ni Sir Jan Yeen na adviser namin.
"None sir." sabi ni Kuya.
At pinagpatuloy na nga ni Brandon ang pag I-introduce at ang cool niya din, I like him.
Hindi nagtagal habang nag kukwentuhan kami kanina sa room ng Salonga sisters ay napag alaman kong gusto nila ang Schmidt brothers. Si Zayyan ay gusto si Bruce, si Zachary ay gusto si Peter at ang mga natirang bunso ay gusto ang isa't isa.. Presenting, sina Zara and Clark... How cute diba!
Hindi ko alam pero habang nasa klase ay napapansin kong iritadong iritado si kuya at ng nag basbas ng holy water ang adviser namin at napatakan siya ay namula ang parte na iyong bigla. Kaya naman tinanong ko kung ayos lang siya at ang sabi niya ay okay lang daw siya.
Samantalang ako napatakan ng holy water na mas madami kesa sakanya ay hindi naman namula.. Hmmm..
Hindi nagtagal ay naalala ko ulit si Brandon habang nagbabasa kami ng libro kaya naman
"Kuya ang pogi nung Brandon noh?" pagkasabi ko na animo'y kinikilig
Hindi tumingin saakin si kuya at biglang lumabas sa study room patungo sa kanyang kwarto.
Agad agad ko siyang sinundan at iniwan ang libro sa study room.
Naglock siya ng pinto.
"Kuya buksan mo pinto.." sabi ko habang kinakatok siya.
Binuksan niya ang pinto at agad naman akong tumabi sakanya sa kama.
"Kuya bakit ka galit saaken?" tanong ko.
Hindi siya kumibo at dahil madilim sa kwarto niya ay nasa tabi niya lang ako dahil kulay black ang kwarto niya. Nakatingin ako sakanya at ang nasa likod niya ay ang sliding glass door na patungong garden.
BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mistero / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...
