Chapter 22: Doppelganger

562 21 0
                                        

ELIJA'S POV

Nandito kami ngayon sa gitnang bahagi ng kagubatan kung saan mayroong pabilog na parte dito na walang puno.

Simbolo ito na ito ang lugar para sa mga gera.

Sinabi ko kay lolo na dito kami pupunta dahil ayon sa aking panaginip ay may gera kaya ito kami ngayon naghihintay.

"Sigurado ka bang dito tayo?" tanong ni mom.

"Opo,dito po kasi ang tinutukoy ng panaginip ko, Nasaan nga pala si papa?" tanong ko dahil napapansin kong lagi itong wala.

"Aba, hindi ko alam ang sabi niya ay iwanan nalang daw natin siya bahay para siya na ang magbabantay." saad niya at tumango nalang kami.

Naghintay kami ng ilang oras at dumating na nga sila.

"Nako, napaka-aga niyo naman yata." sabi ng lalaking nakatakip ang muka.

Sa pagkakasabi niyang iyon ay bigla akong lumipad, kami ni lolo at ni tito Astrid.

Kitang kita ko mula sa taas ang mga asong lobo na nakatago sa bawat puno na susugurin ang mga kakampi namin.

"SUGODDD!!!" sigaw ng lalaking nakatakip ang muka.

Sinunog ko ang mga puno at ang ibang mga asong lobo ay namatay ang mga iba naman ay nabaril ng silver bullet.

Ang mga bata na kasapi namin ay naging paniki at ginulo gulo ang iilan sa mga asong lobo at nag-apir sila ng makapaslang sila ng isang asong lobo.

Ilang oras ang patayan at nanalo kami dahil kahit anong gawin ng mga asong lobo ay napapatay namin ito ay nag aanyong tao na naglalaho.

"Papano ba yan, natalo namin kayo?" tanong ni lolo Oliver sa lalaking nakatakip ang muka.

"Papano din ba yan, nasa amin ang alas." saad ng lalaking naka-itim.

"Alas?" tanong ko at nakita ko ang isang lalaking nakakulong na puno ng kadena.. Ama?

"Nasa amin ang ama mo, Demetrius Lysander Fertuitus Dracula." saad ng lalaking nakaitim.

Oo, binanggit niya ng buo ang aking tunay na pangalan.

"Anak.. Umalis kana diyan at sumama ka saamin.." sambit ni ama.

'Huwag basta-basta maniniwala sa mga sasabihin nila'

'Huwag basta-basta maniniwala sa mga sasabihin nila'

'Huwag basta-basta maniniwala sa mga sasabihin nila'

Ulit ulit ko iyong narinig sa utak ko. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ikaw ang ama ko kaya naman naghanap ako ng paraan..

BRANDON'S POV

Habang nag-gegera sila ay pumunta ako sa aming kaharian at pinapasok ako ng mga iilang kawal dahil hindi yata ito nasabihan ng kanilang hari na hindi na ako pwedeng pumasok ulit dito.

Pumunta ako sa kwarto ni Ama at hinanap ang susi.

Nang makita ko ang susi ay pumunta ako sa kwarto kung saan nandoon ang ama ng aking kaibigan.

"Tito! Tutulungan kita huwag kang maingay tito hindi kita papaslangin!" mahina kong sambit.

"Nako, maraming salamat.." saad niya

"Matatawag niyo man po akong taksil pero hindi ako taksil gaya ng tatay ko na masama pero taksil po ako sa mabuting paraan." sabi ko habang inaalis ang mga kadena na nakapalupot rito.

Highschool MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon