ELISHA'S POV
Andito kami ngayon sa Seoul..
"Mama! Lipop please!" ani ni Minguk, ang gitna sa triplets kong anak.
Hindi ko ito binigyan dahil hindi pa neto kinakain ang broccoli na nasa lamesa.
4 years old na ang tatlo kong supling.
Jusko, nagkaroon kami ng 3 yaya para sa mga bata ng wala sa oras dahil marami kaming inaasikaso sa kumpanya at hindi namin ito maalagaan noon.
Nahirapan rin akong manganak sa tatlong ito. Sabay sabay rin kaming nanganak ni Andrea, nice isn't?
"MAMA!!! MANSE HIT MEE!!" sigaw naman ni Daehan ang panganay sakanilang lahat.
"Ssshh.. It's okay honey.." I said and I kissed Daehan's forehead then he pouted.
"Stop hurting your brother,Manse." saad ni Elija at hinalikan sa noo si Manse na siyang bunso.
Ilang taon rin ang nakalipas bago kami lahat pumunta rito, pero nagpakasal naman kami sa Pilipinas.
Andito na rin ang aking mga Highschool friends na Salonga sisters at Schmidt brothers na may anak at magkakamuka ang anak nila, well magkakamuka kasi silang 6 eh, so expect na magkakamuka ang kanilang tig-iisang supling at napagkakamalan pa itong triplets.
Sina Brandon at Andrea naman, naiwan sa Pilipinas at mayroon rin silang isang supling pero sila na ang namamahal sa kumpanya namin sa Pinas.
Samantalang sina Mama Amanda at Papa Abigor, ay nasa Dubai, doon nila balak magpatayo ulit.
Andito kami ngayon sa Mansion na ipinagawa nina Mama Amanda at Papa Abigor noong mga panahon na bata pa kami.
Sina Asmodeus at Lolo Oliver,sina Tito Astrid at Zagan ay andun pa rin sa Kaharian namin.
Sina Manang Fe, Julie at si Manong Robert ay kasama si Mama.
Kilala kami ng lahat rito sa Korea dahil nga sa business at sikat rin ang tatlo kong supling.
Dingdong~
Narinig ko at pinapasok naman ito nina Manang Yui.
"ELISHAAA!!" rinig kong sigaw ng Salonga sister.
"ELIJAAA!!" rinig kong sigaw naman ng Schmidt brothers.
Parang ganto ang nangyari ilang taon lang ang nakararaan, noong nasa park kami.
Dala nina Zayyan at Bruce ang anak nila na si Zuce.
Dala nina Zachary at Peter ang anak nila na si Zater.
Dala nina Zara at Clark ang anak nila na si Zark.
5 years old na sila at matanda ng isang taon sa aking tatlong supling.
"Zuce, Zater and Zark.. Bless kay ninang at ninong.." ani ni Zayyan at sumunod naman ang mga ito.
"Nako! Ang daming tao sa harap ng Mansion niyo sis! Kaloka nakakabaliw! Nakisingit pa kami!Eh, paano ba naman itong tatlong supling mo sikat na sikat." saad ni Zachary at halata sakaniya ang pagod.
"Yeah, may shooting nga tong tatlong to mamaya." saad naman ni Elija na karga karga si Manse at Daehan na kakabati lang samantalang itong si Minguk tinititigan lang ang broccoli.
"Nako, Minguk kainin mo yan or else I'll be the one who'll it those." ani ni Peter pero nakabusangot pa rin si Minguk.
"Eat it so mom give me lipops." ani ni Minguk pero umiling lang si Peter.
Dahil ayaw netong kainin ang broccoli ay dali daling bumaba si Manse mula kay Elija at kinuha ang broccoli ni Minguk at kinain ang mga ito.
"That's my Manse! Free spirit child huh!" ani ni Clark at nag-apir sila ni Manse.
"Darling.. Akyat ko lang itong 6 na to.." ani ni Elija at tinuro sina Zuce, Zater and Zark.
"Bring them sa play room." saad ko at tumango naman ito. Kitang kita sa mata ng mga bata ang saya kaya dali dali silang naghawak kamay at tumakbo patungo sa play room.
Nakita namin si Clark na naka tayo na para bang gustong sumama.
"Join them, by." ani ni Zara na ikinasaya ni Clark..
Biglang umakyat si Clark at nakita ko naman na pababa si Elija.
"Potcha ang isip bata talaga ni Clark, ano bang nagustuhan mo sa bunso namin?" tanong ni Peter.
"Eh ikaw, Ate Zachary anong nagustuhan mo kay Peter? Eh basagulero lang naman yan." saad ni Zara.
"HOY HINDI A---" pinutol ni Bruce ang pagsasalita ni Peter.
"Peter cut it." seryosong saad ni Bruce habang inaayos ang Gamit ng mga anak nila na si Zuce.
Oo, mag oovernight sila rito saamin kaya tiyak na magiging masaya ang mga bata.
Nagkwentuhan kami patungkol sa mga business namin.
"Nako! Alam mo ba si Andrea? Yung asawa ng ex mo? Nabunggo nung isang araw balita ko." saad ni Zara.
"Huh? Bakit naman nabunggo?" tanong ko sakaniya.
"Eh kasi, nagmamaneho daw siya galing sa Zamboanga tapos nung pauwi na siya may nakita raw siyang lalaki na naglalakad tapos muntik niyana ito nabunggo pero naka-ilag yung kotse ni Andrea at nabunggo sa poste." kwento ni Zayyan.
Damn, nakakakaba nakita ko ang pagtingin saakin ni Elija..
"Damn.. Tapos noong tinignan nila yung cctv sa isang poste, wala namang lalaki na muntikan niya na mabunggo, siya mismo ang bumunggo sa poste pero kwento ni Andrea saakin sa Text na okay na raw siya pero totoo daw na may nakita siyang lalaki na muntikan niya nang mabangga." tuloy naman ni Zachary at tumango tango ang lahat.
"Fucking.. Impossible.." sambit ni Elija kaya napatingin kami sakaniya.
Habang nag-uusap kami ay bigla naming narinig si Clark na sumigaw mula sa play room.
Kaya naman dali dali kaming pumunta roon.
"What happened Clark?" tanong ni Elija.
"Ito kasing si Minguk na gitna niyo, nagsasalita mag-isa and it creeps me out." saad ni Clark at kita pa rin ang kaba sa muka niya.
Nakita namin ang iba na naglalaro tabi tabi sila samantalang si Minguk ay nasa sulok ng play room na para bang may kinakausap.. Damn..
Lumapit kami ni Elija kay Minguk habang ang iba ay pinapakalma si Clark.
"Mingukie.. " tawag ko rito pero hindi pa rin ito sumasagot.
"Are you okay?" tanong ni Elija pero hindi pa rin ito tumitingin saamin.
"Minguk.. Talk to mama.." saad ko at tumingin siya saakin.
"Sinong kausap mo?" tanong ko naman.
"My new friend." aniya at ngumiti saakin.
"Woah... nasaan siya?" tanong ko at tinuro niya iyon pero wala naman kaming makita ni Elija.
"Wala naman eh, ano ba name niya?" tanong ni Elija habang hinahaplos ang buhok ni Minguk.
"R---r..." nauutal na sagot neto.
"Spill it.. Minguk.." ani ni Elija at kita ang takot ni Minguk na nakatingin sa kawalan.
"R...re--mus.." Ani ni Minguk.
_____THE END_____
![](https://img.wattpad.com/cover/177516779-288-k557745.jpg)
BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mystery / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...