Chapter 20: Predictable Spy

644 23 0
                                    

ELIJA'S POV

Nakapag celebrate naman kami ng kaarawan ni lil cupcake kahapon.

At oo, magkasintahan na sila ni Brandon kahit labag sa aking kalooban.

Nasa kwarto ako ngayon at ng mabalitaan ko ang mangyayari ay naghahanda na kami.

-----YESTERDAY-----

"Sigurado ka bang hindi spy yang kaibigan mo?" tanong ni lolo Oliver

"Kung spy man siya, edi sana dati niya pa tayo trinaydor." sambit ko

"Pero---"

"Huwag kang sumabat Astrid." sabi ko dahil epal lagi itong si Astrid.

"Siguraduhin mo lang at nagpapahanda na ako ng mga kawal sa darating na gera na sinabi ni Elizabeth." ani ni lolo.

-----END OF FLASHBACK----

"Bro.. hindi ko talaga alam ang nangyayari.." sabi ni Brandon

"It's all predicted."

"Predicted?" tanong niya

"Oo, alam na mangyayari din to." sagot ko.

"Paano kung ayawan na ako ng lolo mo? Baka ipapatay pa ako,ang bampirang katulad niyo ay hindi namamatay hindi katulad namin na may katapusan." pagpapaliwanag niya bakas sa boses niya ang takot.

"All you just need to do is to make sure that you are not spy." sabi ko na lamang

"Oh.. okay.." sambit niya.

BRANDON'S POV

Paano nalamang ng Elizabeth na iyon na magkakaroon ng gera?

At ano ang sinasabi nila na spy? Ako spy? Sa gwapo kong to magtatraydor ako sa kaibigan ko?

5 taon na ang nakalipas at andito pa din ako sa kwarto ni Elija natutulog.

Ayaw kaming ipagtabi dahil baka may mangyari saamin ni Elisha ang aking sinta.

Nanligaw ako sakanya ng 2 taon at sinagot niya ako kaya 3 taon na kami ngayon.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos ng pag-uusap namin ni Elija at pumunta sa kaharian ng aking lahi.

"Oh! Mahal na anak Lydicas, ano ang ipinunta mo dito?" tanong saakin ni Ama na si Lydocius.

-----FLASH BACK-----

Nandito ako ngayon sa hardin kung saan tulog na ang lahat at may nakita akong asong lobo na malapit sa puno kaya nilapitan ko ito.

"Hoy asong lobo anong ginagawa mo dito?" tanong ko kahit alam kong hindi ito sasagot pero sumagot ito na ikinagulat ko.

"Ako ang iyong ama at matagal na kitang hinahanap pero hindi mo maaaring sabihin sa iyong mga kasamahan kung sino at saan ako dahil kung hindi kapalit ito ng buhay mo, tandaan mo iyan." sambit niya at sumunod ako sakaniya at nakita ko ang aming kaharian.

Mayroon rin siyang kwintas na kagaya ng akin kaya ng ibinalik niya ang kwintas niya ay naging tao ito.

Inisplika niya saakin ang Kaharian namin, gusto niya akong gawin isang spy at kapag napagtagumpayan ko ito ay ako ang maghahari ng kaharian at maaari na maging reyna neto ang aking mapapangasawa.

"Binabalak kaming sakupin ng Oliver na iyon at hindi ako papayag na matalo tayo kahit alam nating immortal sila. Mayroon silang isang ritwal na ginagawa upang hindi sila talaban ng bawang." aniya at naalala ko ang katarantaduhan ko noon kaya pala hindi siya tinablan ng bawang.

Highschool MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon