Chapter 19: Debut

633 24 0
                                    

ELISHA'S POV

-----5 years later-----

Nasanay akong mabuhay dito at nasanay na rin ako na walang pasko, bagong taon, Valentine's o iba iba pang selebrasyon.

Maliban nalang sa aking kaarawan.. Ang kaarawan ng akin kuya at ni Brandon ang maaaring ipagdiwang o ang kaarawan ng mga nandito.

Napagtanto ko din na hindi lang ang mansion namin ang nandito kung hindi may mga kalaban din kami at para itong totoong mundo dahil may mga bahay ngunit lagi nga lang gabi.

Napakatagal na ng makita ko ang liwanag o sikat ng araw.

Nasanay na rin ako sa madilim dahil sinanay ako ni Brandon rito at magkasintahan na nga pala kami ni Brandon ngayon at 3 taon na kami.

Lumabas ako ng kwarto ko dahil gutom na ako pero walang tao.. Ano nanaman to? Wala na akong Nyctophobia ko madalang na lang ito sumumpong.

"Mama, Papa, Kuya, Lolo, Mahal ko nasaan kayo?" tanong ko mula sa pangalawang palapag at tumingin sa salas..

"HAPPY 18th BIRTHDAY!!" sabay sabay nilang sigaw at nakita ko si Brandon na papalapit saakin na naka tuxedo at inalalayan ako bumaba papunta sa salas.

"Happy 18th Birthday!!" sigaw ni mom ang kitang kita ko ang saya sa muka niya na para bang siya ang may kaarawan.

"Thank you.." sabi ko na lamang dahil ang daming handa na nakahain galing sa mga nasasakupan namin at inihanda ito nina Manang Fe, Manang Julie at si Manong Robert na din.

"So ano mag bibirthday ka ng naka-ganyan lil cupcake?" tanong saakin ni kuya na naka tuxedo din pero may cape sa likod na itim.

Oo nga pala, naka pajamas pa din ako.

"Haha, pasensya na po kayo. Sige magpapalit lang po ako." sabi ko at dali daling pumunta sa aking kwarto at sinamahan naman ako ni Brandon.

"Pano ba yan Mahal.. 18 kana.." saad ni Brandon.

"Oh, ano naman ngayon?"tanong ko habang naghahanap ng aking isusuot.

"So.. pwede na tayong mag talik..?" tanong niya na ikinagulat ko

"Nako! Pag 21 kana sige. HAAHAHA" pang-aasar ko na ikinasimangot naman niya.

"Pano kaya iyon.. Ano kaya magiging anak natin.."  tanong niya

"Edi maganda kagaya ko at gwapo katulad mo." sagot ko na lamang dahil wala pa sa utak ko ang pagtatalik.

Tumawa na lamang siya at nakakita na ako ng aking isusuot.. Ang itim na gown.. na may mga diyamante at kumikintab pa. May kaparis rin itong alahas at ang sapatos na gawa sa pilak..

Dali-dali akong pumasok sa banyo at isinuot ito.. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako at..

"Yan yata yung pangkasal mo eh excited ka nang ikasal tayo noh?" tanong ni Brandon.

"Hala, hindi ah! Bigay kaya saakin ito ni Mama noong nakaraang Buwan." sagot ko

"Tara na labas na tayo at ipapasyal daw tayo ni lolo." saad niya kaya tumango ako at lumabas na nga kami na magkahawak ang kamay..

Nakita ko si Kuya na papalapit saamin at maydala siyang kwintas na pinagsama ang simbolo ng werewolf at ng bampira..

Nakita ko si Kuya na papalapit saamin at maydala siyang kwintas na pinagsama ang simbolo ng werewolf at ng bampira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ito na ba iyon bro?" tanong ni Brandon kay kuya.

"Oo, ito ang papasuot natin sakaniya hangga't wala pa ang tunay na sagot kung ano siya." sambit ni kuya

"Tao ako diba.." sabi ko at nagtinginan silang dalawa.

"HAHAHHAAHA OO TAO KA." sagot ni kuya at hinalikan ang noo ko.

"Ano, ready kana makita ang mga nasasakupan natin?" tanong ni kuya saakin at tumango ako kaya sumunod si Brandon.

Pumunta kami sa labas ng mansion at nakahanda na ang sasakyan namin.

"Napakaganda naman ng apo ko.." sabi ni lolo at nagmano ako sakaniya bilang respeto.

Sumakay na kami at nasa likod kaming tatlo. Si kuya ako at si Brandon.

Sina mama at papa ay nasa bahay dahil nakita na nila ang aming nasasakupan dati pa.

Habang bumabyahe ay nakikita ko ang mga vampire na katulad nila kuya, ang iba ay nagtatrabaho ang iba ay nagsasagawa ng ritwal at ang iba naman ay may inaatupag na iba.

"Kailan niyo balak magpakasal?" tanong ni lolo saamin.

"Tss.." rinig ko si kuya.

Sumagot si Brandon at ang sabi niya ay kapag handa na kami kaya naman ng makarating kami sa isang abandonadong bahay ay bumaba kami.

Hindi pala ito abandonado dahil ito ang nagsisilbing Museum namin.

Nakita ko nanaman ang paniki na 5 taon ko ng hindi nakikita dahil nasa loob lamang ako ng Mansyon.

"Lolo, ano iyon bakit lagi ko iyong nasisilayan dati pa?" tanong ko kay lolo at tumingin naman siya doon pero nawala ito agad.

"Ang ano hija?" tanong niya.

"Ah.. wala po.. namamalikmata lang siguro ako.

Naglakad lakad kami sa museum at inisplika saamin ni lolo ang mga nandoon. Mayroon pala kaming maala magkukulam dito at ito ay pwede ring manggamot.

Kaya naman pumunta kami doon..kina Aling Elizabeth. Pinaniniwalaan na umiinom ito ng dugo upang mapanatili ang kaniyang kagandahan dahil ganoon naman talaga ang mga bampira.

Pero bakit si Lolo Oliver ay kumulubot ang muka? Iba siguro ang dugo na iniinom ni Aling Elizabeth.

Nang makarating kami sa bahay neto ay sumalubong siya agad saamin.

"Magandang gabi Mahal na Prinsipe mabuti na lamang at nagpunta kayo dito dahil may masama akong ibabalita sainyo na kailangan nating paghandaan." sabi ni Aling Elizabeth na siya namang ikinagulat ni kuya at ni lolo.

"Maaari ko bang malaman kung ano iyon?" tanong ni kuya.

Bago ito sumagot ay tinignan niya muna si Brandon at ang kwintas neto.

"Ito na ba ang nabalitaan kong asong lobo? Bakit may asong lobo rito sa ating kahar---" pinutol ni kuya ang pagsasalita niya

"Hindi na siya iba saamin at kung maaari ay sabihin mo nalang ang karapat dapat naming malaman." sabi ni kuya kaya tumango na lamang ito at hinatid kami sa salas neto.

"Ang kaharian ng mga asong lobo ay binabalak tayong sugurin at binabalak tayong paslangin para masakop nila ta---" pinutol ni kuya ang pagsasalita ni Aling Elizabeth

"Hindi maaari iyon! Halika na lolo, Brandon sumama ka saakin." utos ni kuya at dali dali silang umalis kaya naiwan ako.

"Hija.. Ikaw na ba si Thalia?" tanong niya saakin.

"Ha? Ako po si Elisha.." sagot ko

"Nako, baka kapag nangyari na ang aking nararamdaman ay malaman mo ang totoo." kinakabahang sagot niya.

"Ang ano po?" tanong ko

"Ang iyong pagkatao, lumayo layo ka sa kasamahan mong may asong lobong kwintas dahil hindi maganda ang kutob ko sakaniya." pagsasalaysay niya.

"Pero kasintahan ko po siya--" pinutol niya ang aking pagsasalita

"Nako!? Kasintahan mo ang isang asong lobo?! Hindi maaari iyan!" sabi niya na animo'y hindi makapaniwala.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya at sabi niya na mag-iingat na lamang ako at dali dali akong pumunta kina kuya upang umuwi na sa aming tahanan.


_____END OF CHAPTER 19_____


Highschool MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon