ELISHA'S POV
Pagod na pagod ako kahapon dahil sa Christmas Party at busog na busog ako. 6:00 na pala ng magising ako.. Hindi naman ako gantong oras gumigising pero dahil siguro excited ako ngayong araw na to..
Tok! Tok! Tok!
"Oi, labas kana dyan panget." boses ni kuya
"Panget man ako sayong paningin wag kang mag-alala mas pangit ang naunang pinanganak saken!!" sigaw ko para marinig niya.
Nagsuklay ako at balak kong magpagupit sa salon mamaya. Ang haba na kasi pati si kuya ay magpupugupit dahil gusto niya ay Blonde Faux Hawk para daw magmuka siyang lalaki kahit paano dahil mahaba na ang emo niyang buhok at nasisita siya ng mga Teachers dahil bawal iyon sa school.
Pagkatapos magsuklay ay Lumabas na ako at kitang kita ko mula sa itaas na nasa sala si kuya at nag p-ps4 nanaman.
Bumaba ako at dali dali iyong pinatay ..
"Ano ba?!" galit na tanong niya.
"Tara na kasi hinihintay tayo nina tita sa salon." sabi ko habang nakangiti.
"K." usta niya.
Pumunta na kami sa sasakyan at dali-daling ipinatakbo ito ni Manong Robert.
"Bat ang sungit mo?"tanong ko kay kuya dahil nakabusangot siya.
"Ewan ko sayo." usta niya.
Ilang minuto lang ay nandito na kami sa mall at pumunta kami agad sa Salon ni tita.
"Hello mga kambal ng Anunciacion!" salubong saamin ni tita.
"Hi tita!" sabi ko at yinakap siya.
"Please fix my hair as soon as possible." utos ni kuya at naka-upo na pala siya.
"Hihi! Ay sige sige.." sabi ni tita at dali dali niyang inayos ang buhok ni kuya.
Ilang minuto lang ay tapos na ito at ako naman ang susunod dahil ang bilin ni mama ay si tita lang ang pwedeng gumalaw o mag-ayos ng buhok namin sa salon.
"Ang haba na ng buhok mo.." ani ni tita at hinahaplos ito.
Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon bilang pasasalamat.
"Please stop talking and fix her hair also as soon as possible we have something to catch up." pagmamadali ni kuya habang nakatingin sa salamin na walang ekspresyon.
"You weirdo." I said then he gave me a smirk.
Ilang minuto lang din ang nakalipas ay natapos na ang akin at kitang kita ko ang iniksi ng aking buhok.
"Dora." sabi ni kuya at alam kong inaasar niyako.
"Bye tita!!" sabi ko naman at niyakap siya ulit.
"Oo sige, basta ingat kayo doon sa pupuntahan niyo ah." paalala ni tita at tumango naman ako.
Dali daling binigay ni kuya ang isang libo at hinila ang kamay ko para umalis.
"Elija yung suk-----" hindi kona narinig pa ang sinabi ni tita dahil nasa labas na kami at biglang nagsarado ang pinto.
Kitang kita ko kung gaano tignan at pagtilian ng mga babae si kuya ng palabas na kami. Pero hindi niya iyong pinansin at dare daretsong pumunta sa parking lot habang hinihila ako.
"In." utos niya.
"Out." pag-aasar ko pero wala siya sa mood at sumimangot bigla.
Nandito kami ngayon sa magubat na lugar at bigla kaming tumigil at dali dali akong bumaba dahil utos iyon ni kuya at sabi niya na sa kanto nalang kami hintayin ni Manong Robert.
Nasa medyo loob na kami ng gubat...
"Kuya.. Ano to..?" tanong ko.
"Just wait." aniya at pumasok pa kami lalo sa gubat kaya naman dumilim ng kaunti dahil sa dami ng puno.
Mayroong isang malaking bato na nilapitan ni kuya.. Hindi lang ito bato dahil may mga naka-ukit dito.
Lumapit nga siya doon at hinawakan ang parang pintuan neto at biglang nagbukas.
"Wanna come with me?" tanong niya.
"Sure." sabi ko at lumapit doon
Mayroong underground stairs na napakahaba at bumaba nga kami doon. As always ay pula ang mga nakikita ko. May mga kwintas na nasa lamesa, may mga kandila sa sahig at mga Espanyol na hindi ko maintindihan dahil napakalabo neto at inaalikabukan na.
Mayroong isang bagay na naka-agaw ng atensyon ko..
Ang kwintas na nasa lamesa na nasa gitna at naka palibot ang mga salamin dito kaya hindi ko ito makuha o mahawakan lang man.
"Kuya.. Bakit kapareho neto ang ibinigay mo saken?" tanong ko kay kuya.
"Naaalala mo na ba?" tanong ni kuya
"Huh? Ang ano? Tsaka nakakatakot naman dito puro agiw pa." sabi ko habang nililibot ang paningin.
"Hayst.. Baka nga hindi pa ito ang tamang panahon.." aniya.
"Panahon saan?" takang tanong ko
"Nothing, let's go." aniya at dali dali kaming lumabas doon.
Papunta na kami sa kanto at nakita na kami ni Manong Robert kaya minaneho niya ang sasakyan at siya na mismo ang lumapit saamen.
Sumakay kami at dali-daling umuwi dahil darating nga pala ngayon ang mga kaklase namen.. at si Brandon..
"Tell your friends they can't go to my room specially Brandon." ani ni kuya at tumango nalang ako at pumasok na siya sa kwarto niya
Nasa kusina ako ngayon dahil kukuuha sana ako ng ice cream ng...
Dingdong~~
_____END OF CHAPTER 9_____
BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mystery / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...