"Ano ang iyong pangalan..?" tanong ni kuya Zagan kay Demetrius.
"Demetrius Lysander Fertuitus Dracula.." sagot ng aking panganay na naunang ipinanganak nang isang minuto lamang.
"At ikaw naman..?" tanong ni Kuya Astrid kay Kristoph..
"Kristoph Lydicas Zadimus Dracula.." sagot ng aking bunsong anak..
Nagkwentuhan kami at nagkapatawaran na kami nina Kuya sa isa't-isa.
"Abigor.. Ang iyong kaibigan na si Remus.." pagtawag saakin ni ama
"Napano po siya?" tanong ko
"Pumunta siya sa mundo ng mga tao upang sundan ka kaso nauna ka nga lang bumalik rito.." sagot naman ni Ama at tumango ako.
Nagpaalam ako kay Ama na pupunta lang ako sa palasyo nina Remus at pinayagan niya rin akong dalin ang kambal.
Nagtaka ako nang matagpuan ko si Remus sakaniyang trono na nakaupo..
"Ohh.. Aking kaibigan.." pagtawag niya saakin.
"Ito nga pala ang dalawa kong anak.. Kambal sila.. Sina D----" pinutol niya ang aking pagsasalita
"Si Demetrius Lysander Fertuitus Dracula na iyong panganay at si Kristoph Lydicas Zadimus Dracula na iyong bunso?" pagtutuloy neto at namangha ako dahil alam niya nga.
"Oo kaibigan, paano mo nalaman?" tanong ko
"Kilala mo ba to..." aniya at nagpalit bigla ng aniyo..
"FERNANDO?!" gulat na sigaw ko at nakita kong biglang sumarado ang malaking pintuan ng kanilang palasyo at ang mga kawal ay pinaghiwa-hiwalay kaming mag aama.
"Oo, sinundan kita dahil gusto kitang makapiling aking kaibigan ngunit hindi ko inakalang pati ang babaeng gusto ko noon pa ay nagustuhan mo rin at ikaw pa ang pinili niya." sagot neto.
"Pero---"
"Ikukulong kita, aalisin ko ang iyong kapangyarihan at papatayin ko ang iyong kambal." saad neto
"Pero, ako nalang ang iyong patayin at sila ay iyong pakawalan!" pagmamaka-awa ko pero..
"Hindi kita mapapatay dahil isa ka nang ganap na bampira at ang mga anak mo ay hindi pa masyadong mahirap paslangin."
Dahil sa sinabi niyang iyon ay nakakulong ako agad at nasa harap ko ang dalawa kong anak..
"Demetrius.. Kristoph.. Makinig kayo kay papa.. Kung alam ko lang na mangyayari to hindi na tayo pumunta rito.. Patawad anak.." sagot ko at nanghihina ako dahil hindi ako makahinga sa mga kadenang nakapalibot sa aking katawan at sa leeg ko.
"Dahil gusto ko ring magka-anak nang kambal ay pipili ako ng isa sainyo na magiging kapatid ng aking anak na babae.." saad ni Remus pero hindi ako interesado sakaniya
Tumingin ako kay Demetrius na siya namang may sinasabi pero dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko ito.
"Patayin man ako ngayon, ipaghihiganti kita papa.." rinig kong sabi niya na napangiti naman ako.
"Samantalang ang isa sainyo ay bigla bigla na lamang mabubuhay at mapupulot ng isang tao at papalakihin pero iiwan din na hindi magpapakilala." saad ni Remus.
Tumingin si Remus kay Demetrius at..
"Ikaw, dahil panganay ka ay ikaw ang magiging anak ko at itong bunso naman na si Kristoph ay mapupulot na lamang ng kung sino sino!" pagkasabi niya non ay agad niyang pinugutan ng ulo ang dalawa kong anak..
Na siya namang ikinalungkot ko..
Ngunit hindi ako nawawalan ng pag asa dahil alam kong walang kasamaan ang makakatalo sa kabutihan.
May nakita akong bampira na bata at dahil wala na si Remus ay tinawag ko ito..
"Psst.. Psst.." tawag ko dito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Wala po, napunta lang ako dito." sagot naman neto at may naisip ako dahil nasa bulsa ko ang kwintas ko ay..
"Kunin mo ito, sang-ayon ka bang maging paniki at pumunta sa mundo ng mga tao at maging mata ko? Bantayan mo lamang ang aking mga kambal.." saad ko rito at tumango naman ito.
Kinuha niya ang kwintas at isinuot ito, naging itong bampira at nakita ko naman na nakapikit ako at kitang kita ko kung saan ito patungo dahil siya ang magsisilbing mata ko sa mundo ng mga tao..
-----------------------------------------
Ilang taon rin itong nasa mundo ng mga tao at ilang taon na rin akong nakapikit.
Ilang taon ko na rin itong kinokontrol..
Napagtanto ko rin na nagka-anak na sina Amanda at Fernando o kilala bilang Remus na kambal, sina Elija Allaixis Dacula. Anunciacion na aking anak.. Na nag reincarnation.. At ang kambal neto na si Elisha Allaixa Dacula. Anunciacion na ang tunay na anak lamang ni Remus.
Napagtanto ko ring may pumulot at nagpalaki kay Kristoph at ipinangalanan nila iyong Brandon Leomo na walang middle initial.
Habang nasa kusina ang aking anak na si Demetrius o Elija ay sinilip ko ito at tumambay sa harap ng bintana pero hindi niya ako pinapansin at may dumating na kasambahay..
Ilang araw ko ring sinusubaybayan ang aking anak..
Napagtanto ko rin na galit ka sa iyong kaklase na si Brandon.. Kapatid mo iyon at pagkakataon mona iyon.. Nag krus ang landas niyo..
Nag-uusap kayo ni Elisha sa kwarto mo at nandito ako ngayon sa hardin niyo pinapanood ka at biglang nagpula ang mata mo... Ganoon talaga kapag galit tayo sa isang tao anak.. Namumula ang ating mata.
Habang naglilinis ka ng iyong kama bago matulog ay pinagmamasdan kita..
Habang tinitignan kita ay naaalala ko ang masaya nating ala ala...
Makukuha rin kita.. Unico hijo.. Te traigo pronto..(refer to chapter 5)
Dumating ang araw na nagugustuhan ni Brandon ang kakambal mo.. o Kambal kambalan mo kaya nagagalit ka..
Pinapanood kita na nakikipag laban habang nakikita ako ni Elisha..
"Ang galing talagang makipaglaban.. Manang mana saaken..
Ginagamit ang katalinuhan at kapangyarihan sa tamang paraan..
Recuerdo cuando Ilegues a los 21 encontraras." (refer to chapter 6)
Maraming araw pa ang nasaksikhan kita..
-----END OF FLASHBACK-----
ABIGOR'S POV
"Iyon lamang ang buod ng istorya ng buhay ko pero ngayon ay.. Pinatawad na namin ni Amanda ang isa't isa para sainyong lahat.." saad ko.
Nakita kong nagtaas ng kamay si Kristoph kaya naman..
"So sino iyong pumatay kay Manang Fatima at Manang Roxy?" tanong ni Kristoph o kilala niyo bilang Brandon.
Hindi kona nasagot pa ito dahil..
"MAHAL NA PRINSIPE ANG ITIM NA MUNDO SA BASEMENT AY NAKUHA NI REMUS!!" pagkasabing pagkasabi ng isa sa aming kawal ay agad agad kaming kumilos..
"Makakalabas tayo, pero masisinagan nga lang tayo ng araw pero alam kong ininom niyo na ang ininom ko noong bata pa kayo.. Pinainom kona din si Zagan at ikaw.. Kristoph at Demetrius.. Hindi niyona kailangan noon dahil naka-inom na ang inyong ama noon dati at naman niyo ito sakaniya." ani ni Ama at tumango naman kami.
_____END OF CHAPTER 26_____
![](https://img.wattpad.com/cover/177516779-288-k557745.jpg)
BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mystery / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...