"Opo ama, iyong gusto ay aking susundin." sabi ko at naghanda ng mga gamit patungo sa mundo ng mga tao.
Palakad lakad ako ng may mabangga akong magandang babae..
"Hello, miss.." bati ko
"Magandang umaga!" sabi niya saakin at napangiti naman ako doon.
"Ako nga pala si Abigor, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" pagpapakilala ko.
"Ako si Amanda.." sabi niya napakagandang pangalan hindi ba?
Nagkwentuhan kami habang naglalakad napagtanto kong wala siyang kasintahan at nag-aaral pa lamang siya.
Pinupuri ko siya at siya naman pinupuri ako pabalik at sabi niya ay napakaganda ng aking mga mata.
"Alam kong ang aking mata ay pulang-pula, ngunit mas maganda kung ikaw ay aking magiging sinta." pabiro ko dahil gusto ko lamang masilayan ang kaniyang tawa.
Habang nagkukwentuhan ay hindi niya namalayan na nandito na kami sa bahay niya.
"Maaari ba akong tumuloy dahil ako ay baguhan lamang sa siyudad na ito." pagpapaalam ko.
"Nako, maaaring-maaari dahil ako lamang ang mag-isa sa aking tahanan." saad neto at pinapasok niya kami.
Nag-uusap kami palagi at ako ang tagahatid-sundo niya sa trabaho at ako rin ang nagbabantay sa bahay niya kapag siya ay wala.
-----FLASHBACK PAUSE-----
ABIGOR'S POV
"Nangyari iyon sa loob ng ilang taon hanggang sa nanligaw ako sa kaniya at hindi niya ako sinasagot dahil nga kailangan ko ng trabaho upang buhayin siya.." sabi ko at itinuro si Amanda..
"Hanggang sa isang araw ay mayroong tagapayo na nagsalita sa radyo at..."
-----FLASHBACK CONTINUE-----
"Mayroong isang dayuhan ang nagpaggawa ng Mansion sa Francis Street sa Pampanga." rinig kong sabi ng taga radyo at tinignan ko naman ito mula sa labas dahil Francis Street ito.
Kitang kita ko ang Mansion na napakalaki at mayrong 3 palapag na mayroong mga kotse.
"Amanda aking iniibig, napakalaki ng Mansion na ipinatayo ng dayuhan." saad ko at kitang kita sa mata niya ang gulat.
"Ako ba ay iyong ipagpapalit kung sakali man na ligawan ka niya?" tanong ko
"Hindi aking sinta, ikaw lang sa hirap at ginahawa." saad neto at niyakap ko siya.
-----FLASHBACK PAUSE-----
ABIGOR'S POV
"Ang aming pag-iibigan ay nagtagal at sinagot niya ako.. Dahil doon ay nabiyayaan kami ng dalawang supling na napaka-gwapo.." tumingin ako kay Demetrius at Kristoph
"Ipinangalanan namin silang.. Demetrius Lysander Fertuitus Dracula at Kristoph Lydicas Zadimus Dracula.." sabi ko at tumango ang lahat..
-----FLASHBACK CONTINUE-----
Nang pitong taon na ang kambal namin nag handa kami ng napaka-engrande... Dumating lahat ng bisita lalo na ang dayuhan na napaka-yaman.
"Magandang umaga, Mr....?" tanong ko dahil hindi ko alam.
Kitang kita ko ang gulat sa mata niya pero binago niya ito ng ngiti.
"Mr. Anunciacion..Fernando Anunciacion." saad neto at inilahad ko ang kamay ko at nakipagkamayan kami sa isa't-isa.
Pansin ko na parang halos ka edad ko lamang ito.
Maraming handa kaya marami rin ang dumalo kaya naman nang mag aalas-diez na ay si Mr. Anunciacion nalamang ang natira na bisita.
"Ano nga pala ang pangalan ng iyong kambal?" tanong ni Mr. Anunciacion
"Demetrius at Kristoph po.." saad ng aking mahal na asawa
"Demetrius at Kristoph ano naman ang apelyido?" tanong niya
"Demetrius Lysander Fertuitus Dracula at Kristoph Lydicas Zadimus Dracula." pagsagot ko nang mahinahon sakaniya
Simula ng binanggit ko ang Dracula ay nagulat siya.
Kinabukasan matapos ang kaarawan ng aming anak ay pabago-bago na ang ekspresyon ng pagmamahalan namin ni Amanda..
Hanggang sa dumating ang araw na anniversary namin at tulad ng nakaugalian ay dapat magcecelebrate kami ngunit hindi..
Bumili na lamang ako ng bulaklak at tsokolate upang ibigay sakaniya pero nahirapan ako sa pagpili dahil gusto ko ay iyong masarap na tsokolate..
Habang naglalakad ako sa kanto ay nakita ko ang pagyayakapan nina Amanda at.. Fernando?
Paano niya nagawa saakin iyon..
Lumapit ako sakanila at..
"Kung ako ay iyong tatraydurin, ako na ang aalis para sa pag-iibigan niyong dalawa dahil ayokong maging sagabal." saad ko at dali dali akong pumasok at kinuha ang kambal na natagpuan kong nagbabasa sa salas.
"Papa, saan tayo pupunta?" tanong ni Demetrius
"Bibili niyo po kami ice cream?" tanong ni Kristoph
"Lalayas na tayo dito dahil may mahal nang iba ang nanay niyo." saad ko at dali dali silang kinuha.
Nang nasa labas na kami ay..
"Abigor hayaan mo akong magpaliwanag.." rinig kong pagmamakaawa ni Amanda habang nakayakap kay Fernando.
"Natatandaan mo pa noong nangako ka saakin na ako ang pipiliin mo sa hirap at ginhawa? Na hindi mo ako ipagpapalit sa kahit sino man? Asan na iyon Amanda? Asan na? Kung sanang kahapon mo ako niloko bago ang ating anibersaryo pero bakit ngayon pa?!" tanong ko at hindi ko na napigilan ang pag luha.
Tumingin ako kay Fernando at..
"At ikaw! Nakipag bertday ka lang at iyan na ang ginawa mo sa asawa ko! Asawa ko pala ang iyong nais bakit hindi ka lumipat sa lugar na ito bago pa ako mapadpad dito! Napakatraydor niyong dalawa!" saad ko at umalis na patungong gubat kung saan nandoon ang aming kaharian.
Nang makapasok na kami rito ay buhat buhat ko ang kambal at..
"Oh jusko aking bunsong kapatid! Pasensya na sa aking nagawa sa nagdaang taon. Inamin kona iyon kay Ama at ang tanging hiling ko lamang ay ang bumalik ka dahil nakokonsensya ako." salubong saamin ni Kuya Astrid.
Tumango na lamang ako bilang sagot.
"Sino naman iyang dalawang gwapong bata?" tanong ni kuya
"Ang aking kambal na anak.." saad ko at nagulat ito.
"AMA!!! SI BUNSO AY NARIRITO NA!! KUYA ZAGAN!!" bigla itong sumigaw.
Nakita ko ang pagrating nila at walang nagbago sa itsura ni ama dahil sa dugong iniinom neto.
"May dalawang bata... Ito ba ay kambal?" tanong ni Ama
Tumango nalang uli ako bilang pagsagot.
Hindi na bago kina Demetrius at Kristoph ang kanilang lolo dahil naku-kwento ko lagi ang mga ito bago matulog.
"May kambal pero.. Bakit walang ina?" tanong ni Ama.
"Pinagtaksilan nila ako, dahil may nakita siyang mas mayaman at makisig kaysa sa isang katulad ko kaya nararapat na lang na dito na lamang kami, patawad ama dahil ikaw ay aking nabigo sa aking pangako." paghihingi ko ng tawad.
_____END OF CHAPTER 25_____

BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mystery / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...