ELIJA'S POV
"Potcha!" sigaw ko at binato ang plato sa sahig at nagpa-iwan ako kina lolo Oliver para maiwan sa bahay at bantayan si Thalia.
"Demetrius.. bat ka nagbabasag ng plato..?" narinig ko siya mula sa likuran ko.
"Ginagawa mo dito? Diba dapat nandoon ka sa kwarto mo?" tanong ko dahil ang sabi ni Brandon ay dapat sa kwarto lang siya.
Oo nga pala, sina Brandon ay sumugod kina Remus upang bawiin ang itim na mundo.
"Ano kasi.. kanina ka pa nagbabasag.." sagot neto saakin.
Imbes na sumagot uli ay nagbasag ako ng plato. Naka anim na siguro akong plato.
"So? Naistorbo ka?" sarkastiko kong sagot at nagbasag ulit.
"Bakit ka ba nagbabasag? Ano bang problema mo? Lagi ka nlang ganyan!" bulyaw niya saakin at akmang papalapit na siya nang..
"Subukan mong lumapit makakatikim ka saakin." sagot ko at ngumisi nalang pero lumapit pa rin siya kaya tumayo ako at lumapit rin sakanya.
"Hindi mo ako masasaktan kasi kapatid mo na din a----" pinutol ko ang pagsasalita niya sa halik.
Damn bakit pa kasi ako nagpaka torpe.
Wala akong pake kung may makakita saamin.
Ilang segundo lang ay umiwas na ako.
"Sabi ko sa iyo, wag kang lalapit kasi makakatikim ka talaga saakin." saad ko at ngumiti na lang.
Kitang kita ang pagpula ng pisngi niya.
"Nako, pano ba yan mas magaling ba ako humalik kay Brandon?" tanong ko dahil alam kong naghalikan na sila... Hayst..
"Hala? Paano mo nalaman na hinalikan niya ako?" tanong neto.
"I told you, Wherever you are my eyes are on you." saad ko at kumindat at dali daling lumabas sa kusina.
Pumunta ako sa kwarto ko at humiga dahil ang sakit ng katawan ko.
Ang sakit din ng nararamdaman ko para sakanila, wala eh hindi kona pagpipilitan pa ang sarili ko sa taong ayaw ako.
Sino ba ako para piliin niya? Tinuring niya akong kapatid. Oo, iyon lang.
Kung meron man nakatadhana saakin, daliaan mo naman uhaw na ako sa pagmamahal ng binibigay ko kaya uhaw na rin ako sa pagmamahal na ibabalik saakin.
Kung sino ka man, tatratuhin kita bilang isang prinsesa ko at hindi laruan ko.
Gagawin ko lahat para sayo kamatayan man ang kapalit, pero hindi ako namamatay sorry.
-------------------------
Nakatulog pala ako kakaisip sa magiging kasintahan ko?
Makapunta nga sa kusina para uminom ng dugo hmm..
Nang lumabas ako ay napansin kong tahimik kaya nagandahan ako roon pero nang pumasok ako sa kusina ay nakita kong basag ang bintana.
"Thalia..." bigla kong nasabi at pumunta sa kwarto ni Thalia pero wala siya roon.
"THALIA!!!!!" sigaw ko.
Hindi kaya kinuha siya...?
Dali dali akong pumunta sa bilog na kalbong parte ng kagubatan.
Nakita ko sila Lolo at Ama na nandoon at ang iba pa.
"Oh.. Demetrius ikaw ay napunta rito." sabi ni lolo
BINABASA MO ANG
Highschool Mystery
Mystery / ThrillerSabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Elija ay magkasundo at hindi nag-aaway ngunit mayroong isang dahilan kung bakit minsan ay hindi sila ma...
