HPMCP 33: Training

3.1K 75 0
                                    

HPMCP 33: Training

Fire

"Tila balisa ka ata princess" napatingin naman ako sa babaeng kausap ko ngayon. "Hindi ako balisa, sadyang may iniisip lang ako." sabi ko nalang.

"Kung ganon, sana ang tumatakbo sa iyong isip ngayon ay ang darating na solstice. " magalang nyang tugon.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapag isip isip ko na malapit na pala ang solstice ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ako handa.

Lumingon ako sa kanya at nagsalita, "Ipahanda mo lahat ng mga kagamitan na gagamitin ko sa aking pagsasanay." utos ko na agad naman nyang sinunod.

Ilang buwan ko na palang naiwawaglit sa aking isipan ang tungkulin ko sa kahariang ito at ni hindi ko man lang napansin na papalapit na pala ang solstice.

Ang solstice ay isang sitwasyon kung saan naglilinya ang mundo namin at ang mundo ng mga tao, sa araw ring ito, ang araw ay sobrang layo sa kanyang equator.

Tama ang nabasa nyo, magkaiba ang mundo namin sa mortal na mundo, kung tutuusin, masaaabi mong nasa ibang domensyon kami naroroon.

Sa araw rin na iyon ay magbibihis mortal ang lahat ng dugong bughaw sa bawat kaharian. At sa araw ring ito, magaganap ang itinakdang laban ayon sa propesiya.

Kaya, tama nga siguro ang desisyon kong iwan si Ice. Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na naman ang pangyayari noon.

Napabuntong hininga nalang ako, alam ko, balang araw, malalaman nya rin ang totoo at sa oras na mangyari yun, don na magsisimula ang gulo.

Nagising ang diwa ko nang may kumatok sa aking silid. "Pasok" sabi ko. "Mahal na prinsesa, tapos na po ang paghahanda ng inyong kagamitan." sabi ng babaeng kaharap ko habang naka yuko.

Tumango lang ako at sinenyasan syang lumabas. Nang makalabas na sya, nagbihis ako ng damit panensayo at tinahak ang daan palabas ng aking silid.

Agad akong pumunta sa lugar kung saan hinahasa at ineensayo ang mga dugong bughaw na katulad ko. Pagpasok ko don, isang pana na may apoy agad ang bumungad sakin.

Iniwasan ko yun pero patuloy parin silang nagliliparan, ang iba walang apoy ngunit alam kong may kakaibang kemikal na hinalo don na oras na matamaan o kahit maamoy mo lang ay siguradong mawawalan ka agad ng malay.

Humugot ako ng hangin at pinigilang ang paghonga ko habang iniiwasan ang mga nagliliparang pana.

Hindi pa sila nakuntento at nagpalipad pa sila ng mga samutsaring armas tulad ng mga kunai at mga shikuren.

At kagaya ng mga pana, may nakahalong kemikal rin sa mga ito.Nang malagpasan ko ang mga nagliliparang patalim ay mga tao naman ang humarap sakin.

Mga taong may dalang katana. Napabuga ako ng hangin at walang pasabing tumalon sa ere upang maiwasan ang mga atale nila.

Mabilis akong kumilos upang masigurongbhindi ako matatamaan at sa isanh iglap, nasa akin na nag mga katana nila at nakatutok na ito sa kanila.

Napatigil naman sila kaya bimaba ko ang mga katana at tumalikod ngunit pagtalokod ko at isang punyal ang nakita ko, agad akong umiwas at pinulot ang nahulog na katana.

Agad ko itong itinutok sa leeg ng kumalaban sakin. Napangiti naman sya at pumalakpak. Binitwan ko na sya pati narin ang katana at nagbigay galang.

"Master" sabi ko at yumukod. "Magaling..magaling..magaling" sabi nya at tiningnan ako ng diretso sa mata, "Anong problema?" tanong nya.

Napantig naman ang tenga ko don kaya napaangat ako ng tingin, "P-po?" nagaalangan kong tanong. Ngumiti sya at inulit ang sinabi, "Anong problema?"

"W-Wala po Master" tanggi ko. Ngumiti naman sya at nagsalita, "Kung totoong walang problema, edi sana, kanina pa napugutan ng ulo ang mga yan, at kung mamalasin ako, aba, masasama pa ako sa mga taong napugutan mo ng ulo" pabiro ngunit puno ng sinseridad na tugon ni master.

"Sa tingin ko po, hindi pa ito ang tamang panahon para don" sabi ko. Tumango tango naman sya. "Kung yan ang tingin mo" sabi nya at umalis.

Napabuntong hininga nalang ulit ako. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa darating na solstice.

•••**•••**•••**•••**

Hello! Nga pala, binago ko ang genre ng story, from mystery/thriller to Teen Fiction. Hindi ko nga lang alam kung bakit ko binago pero yaan na. Haha

•••**•••**•••**•••**

VOTE

COMMENT

BE A FAN

Hot Princess meets Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon