HPMCP 3: The Unexpected
Fire
Grrrr!! Nakakainis talaga ang lalaking yun! Yung ginawa nya sakin kahapon! Sabihan daw ba naman ako ng panget? Hindi sa pagmamayabang ha pero.. As in ako?!
Si Fire Tiara Hazerfield na pinagkakaguluhan ng mga lalaki, tatawagin nyang pangit?! Arrrggg!
Naglakad lakad nalang ako, papauwi na sana ako kasi tapos na yung klase namin. Pero habang naglalakad, may naramdaman akong kakaiba.
Alam kong may sumusunod sakin pero di ko pinahalata na alam ko yun. Lingid sa kaalaman ng iba, malakas ang senses ko.
Dirediretso lang ako sa paglalakad. Nung nakarating na ako sa may kanto malapit sa bahay namin, iniba ko ang daan ko.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa isang gubat. Huminto ako ron at ibinaba ang bag ko.
Pumikit ako pinakiramdaman ang paligid. Nakaramdam ako na may tatama sa likod ko pero agad ko itong naiwasan.
Sumunod sunod ang mga atake pero iniwasan ko ang mga yun. Patuloy lang ako sa pagiwas pero hang umiiwas ako ay naglalakad ako papunta sa isang certain spot.
Nang makarating ako don ay agad akong tumalon para maka akyat sa isang puno at umupo sa sanga non.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nila ako napansin at nawala na ako sa paningin nila.
*smirk* And the game begins. I reached for my kunai from my legs and threw them on each side
Sapul naman agad yung dalawang taong bumabato sakin ng mga patalim. Psh, weaklings
Umalis agad ako sa lugar na yon at umuwi. Sigurado akong senyales na yon na nais na nya akong pabalikin. Na tapos na oras na binigay nya sakin.
Siguro nagtataka kayo kung ano at sino ako at bakit ganon nalang ang kakayahan ko.
Well, for now, its a secret but you'll find out soon...very soon.
•••**•••**•••**•••**
Someone's P.O.V.
"Napatay nya ang dalawa kong tauhan na inutusan ko." tugon sa akin ng babaeng kausap ko.
"Magaling, wala parin syang pinag bago. Wala parin sya kupas. Kausapin nyo sya, pabalikin nyo na sya sa kaharian. Tapos na ang oras ang hiningi nya."
"Masusunod po Prince Clyde." sabi nya bago tuluyang lumabas sa aking silid.
Dapat mo nang ihanda ang iyong sarili Tiara. Dahil sa pagbabalik mo, daan-daang pagsubok agad ang haharapin mo.
•••**•••**•••**•••**
Pumasok ako sa isang lihim na silid at doon ko naabutan ang apat na taong naka upo sa harap ng isang mahabang mesa.
Lumapit ako sa kanila. Agad naman silang tumayo at nagbigay galang sa akin."Princess'' bati nila.
Tumango ako bilang sagot. Umupo na ulit sila habang umupo naman ako sa harapan nila.
"Ano ang mahalagang bagay na dapat nating pag usapan?" seryosong tanong ko sa kanila.
"Princess, hindi na kami magpapaligoy ligoy pa. Kailangan mo nang bumalik sa kaharian. "
Napatingin ako sa kanya ng sinabi nya yon, "Alam ko, pero bakit ngayon na? Alam nyo na nais ko pang maranasan na mamuhay bilang isang ordinaryong tao." sabi ko sakanila.
"Ngunit alam mong hindi ka isang ordinaryong tao Princess. Nanalantay sa yo ang pagiging isang mandirigma at isa ka ring dugong bughaw." magalang ngunit naka ngising sagot ng isa pa.
Nakakainis! Sigurado akong pakana nya to. Ano na naman ba ang guato nyang mangyari.
Haayy. Napabuntong hininga na labg ako dahil alam ko na kahit anong di pagsang ayon ko, gagawa at gagawa sya ng paraan para pabalikin ako
"Tss. Ipaalam sa lahat ng kasapi ng kaharian na may gaganaping pagtitipon sa huling araw ng buwan...
babalik na ako." makahulugang tugon ko bago umalis sa luar na yon
Habang papasok ako sa aking silid, patuloy na binabagabag ang isip ko.. Ano ba talaga ang binabalak nya?
•••**•••**•••**•••**
Ice
"Ice, ito na ang mga pinapahanap mong impormasyon tungkol kay Ms. Fire. Basic information lang ng nahanap ko. Hindi ko mahagilap ang iba dahil napaka ilap nya."sabi ni Chev sakin sabay bigay ng isang putibg folder.
Binuksan ko yun. Totoo nga ang sinabi ni Chev, napakailap nya at napaka misteryoso pa. She prefers to be alone than to be with some one
Napansin ko rin na palagi syang mag isa tuwing breaks, lunch time maging uwian. She dont even talk to people inside the class.
Pero kahit ganon, marami parin ang interesadong makilala at maging kaibigan sya.
Pumasok ako sa kwarto ko dito sa tambayan namin. Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko ang picture naming dalawa.
Miss na miss ko na sya. Kung hindi lang dahil sa Prinsesang yun, hindi kami magkaka hiwalay. Sana kasama ko parin sya.
Nakakainis ka talaga kung sino ka mang Prinsesa ka! Ita Itaa mo sa bato! Maghihiganti ako sayo!
•••**•••**•••**•••**
•Hala hala! Ano yan Ice? Bakit ka maghihiganti?
•Sino nga ba ang Prinsesang tinutukoy ni Ice?
•Ano nga ba ang totoong katauhan ni Fire?
Alam ko wala masyadong moments si Ice at Fire pero babawi ako sa next chapter! Keep on reading guys. Dont forget o leave comments and votes.
•••**•••**•••**•••**
VOTE
COMMENT
BE A FAN
BINABASA MO ANG
Hot Princess meets Cold Prince
Teen FictionIsang babaeng nababalot ng apoy at isang lalaking nagtayaglay ng malamig na aura.Pano kung magtagpo ang landas nila? Paano kung sa di inaasahang pagkakataon, mahulog ang loob nila sa isat isa. Pero isang araw, malaman nila na magkaiba at magkasalung...