Baby Toffe :)

4.2K 46 6
                                    

Mika and Bullies Side

"Yayy anak ba yan ni Ara? Yung totoo hindi siya ang nanay niyan"Kim

"Tama Kim,kita mo yung ilong lang ang kay Ara." Cienne.

"Grabe ang dugo ni Thomas,kamukha niya talaga." Mika.

"Baby wag kang gagaya sa pagiging bully ni Mommy Ara mo hah kasi alam mo suko lahat kami dun dahil sa galing mang-asar. Wag ka ring tutulad sa Daddy mo kasi ang hangin nun at lapitin ng chix. Dapat goodboys kayo ng mga anak namin. Bawal magpaiyak ng babae tandaan mo yan" Alyssa.

"Grabe naman Alyssa kung siraan mo si bestfriend Thomas at Ara parang wala sila dito" Denden.

"Go lang Aly,tulog naman si Ara" Carol.

"Lubusin na natin dahil babalik na naman ang pagkasadista at bully niyan ngayon pa at makakagalaw na yan ng ayos"Mika.

"Baby..wag mong kalimutan ang sinabi ko okay?" Alyssa.

"Alyssa naman wag ganyan. Wag mo kaming siraan sa Baby namin" nagpaawa pa si Thomas.

"Thom kung nakakakita itong anak mo..im 100% sure na nandidiri yan" Cienne.

"Your right Cienne,kadiri Yuck"Mika.

"Ganyanin niyo ako kapag nagising si Ara may kakampi na ako" Thomas. "Baby don't believe what they are saying. Hindi totoo yun."

"Ai sinungaling si Thom oh..baby totoo ang sinabi ni Tita Alyssa" dagdag ni Kim.

Nagulat na lang kami ng biglang umiyak ang baby niya.

*Uwahhhh uwahhhh uwahhhhhh*

Binuhat siya ni Thomas at pinatahan pero tumitigil at umiiyak ulit.

"Anong gusto ng baby ko? Gusto mo kay Mommy? Tulog pa siya eh wag muna natin siyang gisingin" kinakausap ni Thomas ang baby niya.

"Thom gisingin natin si Ara,baka gutom na ang baby niyo" Alyssa.

"Kanina lang nagpahinga si Ara." sabi ni Thomas.

"Pero gutom na ang baby niyo. Maiintindihan naman siguro ni Ara yan." Mika.

"Okay" tipid na sagot ni Thomas. Umiyak pa lalo ang baby nila. Mukhang mahihirapan si Ara dito.

.

.

.

.

ARA'S DREAM

Nakakainis si Thomas sabing bagalan ang pagmamaneho ehh. Nakikipagkarera siya ngayon. Sinaway ko siya pero tuloy pa rin.

"HusBy baka bumangga tayo" galit na sigaw ko sa kanya.

"I need to bring you to the hospital"nagpapanic niyang sagot.

"Sa hospital tayo pupunta hindi sa heaven kaya pwede pakibagalan ang pagmamaneho Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" napasigaw ako at napapreno si Thomas ng wala sa oras.

May nag-cut ng way namin. Hindi agad nakapagdrive si Thomas. Lumampas sa kabilang way yung car na nagcut ng way namin. Nakita namin kung paano siya bumangga sa isang poste at pagsanggi ng iba pang car sa bandang likod nito. Nakita ko yung driver nun...

.

.

.

Naputol ang panaginip ko ng biglang may tumapik sa braso ko at narinig ko ang iyak ng baby. Unti-unting bumabalik ang diwa ko.

"WiBy gutom na yata si Baby natin. Pasensiya sa paggising ko sayo pero kailangan ka ni Baby" sabi ni Thomas na ramdam kong labag sa loob niyang gisingin ako. Lumingon ako sa paligid,present ang bullies. Napatingin ako sa baby namin. Umayos ako ng pagkakaupo at hiniram si Baby kay Thomas.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon