Drake The Villain

2.4K 32 3
                                    

Kawawang Torres. Masyado kasing malandi pati ang girlfriend ko na asawa ko na sana nilalandi.

Kailangan mo munang mahirapan Thomas. Hindi ko na kasabwat si Zoey dito. Bakit?

FLASHBACK

"Maam nagising na po ang pasyente."masayang balita ng doctor. Nainis ako sa news na yun may balak pa nga akong ituluyan si Joey. Tsk tsk mukhang babaliktad ang mangyayari.

Kinausap siya ni Zoey at pagkatapos niya akong ipakilala.

"Baby iurong mo ang demanda. Walang kasalanan ang driver na yun. It is my fault kasi ako yung nagcut ng way niya" pagtatapat ni Joey. Pinagsisihan kong hindi ko agad naalis yung machine na bumubuhay sa kanya dati.

Iniatras nga ni Zoey ang demanda pero hindi ko pinaalis si Thomas sa presinto. Kasabwat ko ang mga police. Para saan pa ang pera diba?

About sa Girlfriend, siya lang naman si Chandria Torres. Alam kong ampon siya. Nalaman ko lang sa isa kong kaibigan na dalawa pala kami sa puso niya. Nalaman ko lahat ng ginawa niya sa reunion. Engage na kami nun at inaayos na ang kasal. Hindi niya sinabi sa mga relatives niya ang about sa amin.

Wala kasi ako nun sa tabi niya kasi inaayos ko pa ang kasal namin.

Ganun na lang ang lungkot at galit na naramdaman ko. Ipinangako kong maghihirap si Thomas. Maghihirap ang lalakeng naging dahilan ng pagkawala ng babaeng mahal ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

"So this is Thomas Torres?" sabay lapit sa kanya. Nakapiring siya at may ilan ng pasa sa mukha.

"Mga walanghiya kayo,anong kailangan niyo sakin?" sigaw niya.

"Marami Thomas,kailangan mong magsisi sa lahat ng ginawa mo. Nagkamali ka yata ng kinalaban mo"sabi ko sa kanya.

"Wala akong kaaway at wala akong na-argabyado" pasigaw niya sakin.

"Yun ang akala mo" sinapak ko siya.

"Humanda ka kapag nakita at nakalaya ako dito" sigaw niya ulit.

"Tsss matapang ka pala pero tingnan lang natin kung saan ka dadalhin ng tapang. Nga pala walang kasama yung mag-ina mo sa bahay niyo diba? Kasi naman yang parents mo may balak ka pang bisitahin. Tsk tsk wrong decision."sabi ko sa kanya.

"Wag mong sasaktan ang pamilya ko lalo na si Ara at ang anak ko. Parang awa mo na. Ako na lang wag sila."nagmamakaawa na siya sakin.

"Ngayon palang sinasabi ko na sayo nasa akin ang alas Thomas." hinawakan ko ang buhok niya ng mahigpit.

"Wag ang pamilya ko. Maawa ka wag mo silang idamay"magkahalong pawis,dugo at luha ang dumadaloy sa mukha niya.

"Pasensiya ka na wala kasi sa vocabulary ko ang maawa"sabi ko at sinapak siyang muli.

*Kring kring*

"Nakapasok na kayo sa bahay nila. Sige hanapin niyo ang mag-ina. Wag kayong babalik na wala sila. Alam niyo naman kung saan yan dadalhin. Sige bye" tumingin ulit ako kay Thomas. "Paano ba yan Torres nasa loob na sila ng bahay niyo?"

"Wag maawa kayo!!!!Wag sila!!!" sigaw niya,tuluyan na akong lumabas.

.

.

.

.

.

.

"Dun kayo sa kaliwa,dun ka sa kanan. Kami sa taas. Mag-ingat kayo. Alam niyo na ang dapat gawin basta yung bata. Yung bata si Boss daw ang bahala" Kdnpr 1.

Naghanap sila sa buong bahay. Kasalukuyan nung natutulog si Ara ng maalimpungatan siya. May pumipihit ng doorknob. May bigla ring nabasag na kung ano sa baba. Nawala yung pumipihit ng knob kanina. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Binuksan ko ang monitor sa bahay namin at yun positive may mga tao sa bahay namin.

.

.

.

.Kidnapper Side

"Ang tanga mo sabing mag-ingat. Linisin mo yan. Magmadali ka wala dapat maiwan na fingerprints sa bahay na 'to" pinagalitan ang isa nilang kasama.

"Balik na tayo sa paghahanap. May isang room sa taas sa tingin ko yun ang kwarto ng mag-ina. Naka-lock kaya kailangan ng susi." sabi nung isa.

"Sige tara" yaya nung isa at matahimik na naglakad.

.

.

.

Ara's Side.

   Kailangan kong gumawa ng paraan. May naisip naman agad ako. Binuhat ko saglit si Toffe at nilapag sa sofa. Inayos ko yung kama namin. After that,binuhat ko ulit si Toffe at dinala sa secret room na kami lang ni Thomas ang nakakaalam. Nagtago kaming dalawa dun. Nagbukas ako ng laptop para i-check kung nasaan na ang mga bad boys na yun. Kung saan saan naka-set-up ang mga hidden cameras.

"Nakapasok na sila sa kwarto. Lord please sana hindi nila matunton kung nasaan kami. Please sana po maging safe kami ni Toffe" niyakap ko si Toffe habang pinagmamasdan ang mga bad boys sa bahay namin.

Bigla namang nagising si Toffe..

"Mommy" umiiyak siya.

"Wag kang umiyak Baby. Listen okay. May bad guys sa house natin. I don't know kung anong gusto nila pero para safe tayo dito ka lang. Dito lang tayo. Hindi ka pababayaan ni Mommy" niyakap ko siya.

"Da..daddy" sabi niya at niyakap ako.

"Isi-save tayo ni Daddy don't worry" niyakap ko lalo siya.

Kaba at takot ang nararamdaman ko. Lalo pa at pumasok silang lahat sa kwarto namin. Nakaheadset ako dahil nakatulog na ulit si Toffe habang yakap ko.

Nag-o-observe sila at may isang lumapit sa hidden camera.

"Nagtago ka pa eh makikita ka rin namin. Sige let's play hide and seek kaso talo ka pa rin sa laro. Lumabas ka mahuhuli namin kayo pero kapag hindi ka nagpakita Buhay ni Thomas ang kapalit"

.

.

.

Ulit ulit sa akin ang huli niyang sinabi. Nasa delikadong situation si Thomas ngayon. Napaiyak na ulit ako.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon