Telot

3K 51 7
                                    

"Ara kanina ka pa hinahanap ng anak natin"

Naputol ang masayang kwentuhan namin ng magsalita ang gwapo kong asawa. Umalis agad siya pagkatapos nun..

"Gusto mong ipakilala muna kita sa anak ko?"aya ko kay Bien at nag-agree naman siya.

Pumunta na kami dun sa may kubo. At lumapit sa anak ko,lumayo naman si Thomas.

"Tagal mo Mommy,mit kita agad"sabi sakin ng anak ko.

"Lambing lambing naman ng Baby ko. Nga pala si Kuya Bien"pag-iintroduce ko sa kanya.

"Hi po"sabi niya.

"Aba ang gwapong bata,mana ka sa Mama Ara mo"sabi naman ni Bien.

"Kay Daddy po,kilala mo po ti Daddy ko?"tanong ni Toffe.

"Ahh Oo,ikaw hindi pa kita kilala eh,ano nga pala pangalan mo?"tanong ni Bien.

"My name it Toffe Arthom,Toffe na lang po"iniabot naman ni Toffe yung kamay niya na inabot naman ni Bien.

"Gwapong bata talaga,maglaro tayo minsan. Pero sa ngayon mauna na si Kuya Bien"nagpaalam na si Bien. Hinatid ko muna siya at nakita ko ang ginawa ni Thomas kay Toffe.

Pinalapit niya lang naman at nilagyan ng alcohol at pinahid sa kamay ng anak ko. Ganun ba kadumi ang kamay ni Bien.

THOMAS SIDE

"Daddy kilala mo po yun?"tanong sakin ni Toffe habang nilalagyan ng alcohol ang kamay niya.

"Yes Baby"sagot ko.

"Bakit po di nyo siya kautap kanina. Are you mad?"Toffe.

"No Baby pagod lang si Daddy"sagot ko.

"Kay Mommy po?"Toffe.

Nakahalata yata ang batang ito sa ginawa ko kanina. Si Ara naman kasi kasama yung Bien na yun. Oo kilala ko siya pero di kami ganun kaclose kasi may gusto siya sa WiBy ko. Sobra niyang gusto si Ara,nag-ukit nga rin siya dati sa puno ng name nila.Nakita ko pa nga kaya ginawa ko ang lahat para mabura yun. Pinagseselosan ko siya Period..

"Daddy I'm waiting"Toffe.

"Let's talk about it later Toffe"ginulo ko yung buhok niya.

"Dad guto ko now na. Kita ko po kanina,lumayo ka tamin ni Mommy tapot yung noo mo nakaganito"ginaya pa niya yung itsura ko kanina. "Daddy telot ka ba?"tanong niya sakin. Oo Baby nagseselos ako dahil dun pero hindi ko pwedeng sabihin sayo. Niyakap ko na lang siya.

"Daddy wag ka na telot kaw naman lab ko"niyakap niya ako.

"Pwede ba akong makisali?"boses yun ni Ara pero dedma lang kami."Walang pansinan ganun,bahala kayo ni Daddy mo"nagwalk out siya. Natawa naman kami ni Toffe.

"Galit Mommy,lagot Daddy"tinakot pa ako ng anak ko.

"Hala kasama kaya ikaw,hindi mo rin pinansin si Mommy mo"balik kong sabi sa kanya.

"Di lagot tayo parehat"tumawa pa siya at lumabas ang cuteness niya. Mukhang magiging madali ang forgetting stage na gagawin namin.

Hindi na natuloy ang paglalaro nila Toffe kasama yung ibang bata dahil umulan. Kaya kami na lang ang naglaro. Hindi na rin kami pinansin ni Ara,nag-ayos na lang siya ng gamit namin sa kwarto.

"Daddy ti Mommy ayaw po tayo kautapin."Toffe.

"Later Baby we will both talk to her"sakto naman lumabas si Manang Lory.

"Tara na at kumain"niyaya niya kami. Nagpunta naman agad kami sa kusina. Nahuli si Ara ng ilang minuto at tumabi kay Toffe. Sinubuan niya ito at kumain na rin siya. Pagkatapos kumain dumiretso ulit siya sa kwarto namin.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon