Believe

2.7K 38 1
                                    

Sa hospital pa rin...

"WiBy magpahinga ka muna. Matulog ka muna. Ayaw kong magkasakit ka rin" sabi ko kay Ara coz wala pa siyang tulog. Binabantayan lang namin si Toffe.

"Ganun na ba ako kasama at kailangan may ganito pa. Ganun na ba ako kasamang Mommy ni Toffe para magkaganito siya." umiyak na naman si Ara.

"Ssshhh"niyakap ko siya from the back. "Hindi WiBy,mabuti kang Mommy at kahit gaano pa karaming Mommy ang iharap mo sa baby natin ikaw pa rin ang pipiliin niya."

"Pero Dad bakit ganun? Pwede naman ako na lang eh bakit siya pa?" Ara.

"Ssshhh WiBy its not your fault. Walang gustong mangyari ang lahat. Tahan ka na Please.. Safe na ang angel natin. Hindi na ito mauulit at hindi ko hahayaang maulit pa. Magsisimula ulit tayo."sabi ko. Kumalma na rin siya. "Wag ka ng magdrama diyan alam mo namang kahinaan ko ang pag-iyak mo. Kaya yan ng Baby Toffe natin. Believe lang tayo. We have a Big God WiBy" hinalikan ko siya sa top ng head niya at naghum.

.

.

After 15 minutes,tulog na rin siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa lap ko. Nasa Sofa kasi kami nakaupo kanina. Pinagmasdan ko lang si Ara.

Hindi nila deserve ang ganito kagulong buhay. Wala ito sa plano ko ko. Sa pangarap kong happy family. Ilalayo ko muna sila sa stress once na gumaling na ako at si Toffe.

Kiniss ko ulit si Ara sa noo.

"Babaguhin natin ang magulo nating buhay. Pipilitin kong makalimot sa mga nangyari."

.

.

.

.

.

Naghintay at nagbantay lang ako kay Toffe. Wala pa rin siyang malay.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Next Morning...

ARA'S POV

     Nagising ako ng nakakumot at maayos ang pagkakahiga. Napansin ko kaagad si Thomas sa tabi ba naman ni Toffe nakahiga. Ang cute talaga ng dalawa kong baby. Lumapit muna ako sa kanila at parehas na hinalikan. Nagising naman bigla si Thomas at ngumiti.

"Morning Mommy" he greeted me with a smile.

"Morning *smile* Good mood ka yata?" tanong ko.

"Wala namang reason para maging sad. Safe na ang anak natin kaya no need to worry" bumangon na siya at hinalikan si Toffe at ako.

"Baby Toffe gising na ikaw,ang haba na ng tulog mo. Hala ka sasakit ang ulo mo niyan. Wake up na,maglalaro na tayong tatlo nila Daddy. Bibili tayo ng maraming marami na toys at kakain tayo sa lahat ng gusto mong resto." sabi ko.

"Mommy marinig ka niyan,baka maniwala yan."panira ni Thomas.

"Wag ka ngang ano dyan..Nagmo-moment kami ng anak ko eh" sabi ko kay Thomas.

"Anak mo lang? Baka nakakalimutan mong walang Toffe kung wala ako."pagmamayabang naman niya.

"At wala din siya kung walang magdadala"humarap ako sa kanya at nagcross arm.

"Oh di quits lang. Walang Toffe kung wala tayo. At hindi magkaka-baby sister or brother si Toffe kung wala tayo" nakangising sabi ni Thomas.

"Di ko gusto yang tumatakbo sa utak mo Thomas. Bata pa ang anak natin para sundan" inis kong sabi sa kanya.

"Bakit? Hindi naman kailangang malaki na siya bago sundan diba?" Thomas.

"Ang manyak mo Torres"sigaw ko. Tinakpan naman niya ang bibig ko.

"WiBy naman binibiro lang kita. Mamaya maniwala ang mga nakarinig sayo at kung anong isipin sakin" sabi ni Thomas.

"Ikaw naman yung may kasalanan ehh. Nakakapag-isip ka pa ng ganyan sa ganitong sitwasyon" sabi ko sa kanya.

"Pinagagaan ko lang ang loob mo at ang atmosphere" niyakap niya ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Mommy?Daddy?

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon