"Baby pumunta ka na dito. Manganganak na yata ako." sabi ni Zoey.
"Just wait for a minute Baby,on the way na ako sa bahay. Tiis muna malapit na ako" binaba ko na ang telepono.
Pinaharurot ko ang sasakyan. Kailangan kong maabutan ang asawa ko. Malapit na siyang manganak kaya dapat nasa tabi niya ako. Kung bakit kasi nag-overtime ako.
Napansin ko lang parang nakikipagkarera sakin ang katabi kong sasakyan. Kulay gray ang sasakyan niya. Pinabilis ko lalo ang pagpapatakbo.
Wala sa isip ko ang karera, ang tanging nasa isip ko ay si Zoey. Nang biglang..
*kring kring*
"Oh hello?" sagot ko.
"Joey bumalik ka sa office now na. Kailangan ni Boss ang report mo" sabi ng katrabaho ko.
"Pakisabi emergency. Manganganak na ang asawa ko kailangan ko siyang maabutan. Sige Bye" panic kong sabi sa kanya.
Nakatutok pa rin ako sa daan. Kailangan ko ng shortcut. Tama! Shortcut para mabilis na makapunta sa bahay.
Naiinis na ako sa katabi kong sasakyan. Kailangan kong lumiko and with that ki-nut ko ang daan niya.
Napa-preno siya ng bigla. Kamuntik na siya nun pero umandar ulit siya. Nakatingin ako sa side mirror ng biglang.........
.
.
.
.
.
*Boooooggggggggssssssssshhhhhhhh*
.
.
.
.
.
.
.
ZOEY'S POV
Kanina pa ako dito sa ospital. Nakapanganak na ako pero walang Joey na dumating. Nasaan ba ang asawa ko? Kinontact ko siya pero walang sumasagot. Nagwo-worry na ako.
"Anak magpahinga ka na. Baka pinabalik sa office niya. Wag kang mag-alala babalik yun at pupunta dito" sabi ni Mama sakin.
"Pero Ma may feeling ako na may nangyari sa kanya." Sabi ko.
Hindi pa rin ako nakatulog ng matagal. May mali talaga.
"Excuse me Ma'am, diba po Fuentes ang surname niyo?" nagnod ako. "How are you related to Mr. Joey Fuentes?"
"Doc, asawa ko siya. May nangyari po ba sa kanya?" lumuluha kong tanong sa kanya.
"Sad to say Ma'am pero nasa operating room siya. Naaksidente po siya, car accident. May tendency pong ma-comatose siya" malungkot na sabi ni Doc.
Napahagulhol ako ng sobra sa sinabi ng doktor. Hindi siya dumating dahil sa isang aksidente.
Pinayagan ako ng doctor na silipin siya sa room niya after operation. Marami siyang sugat at ang pinakamasakit ay under coma na siya.
Hindi niya pa nakikita ang baby namin nagkaganito agad siya. Napakuyom ang kamay ko. Kailangan ko ng justice.
"Pagsisisihan ng taong dahilan ng nangyari sayo ang ginawa niya. Hindi ako titigil hanggat hindi siya napaparusahan." pinangako ko yun sa asawa ko.
Lumabas din ako after kasi kailangan ako ng baby ko. Nagpunta ako sa nursery at from the glass window,makikita mo ang anak namin ni Joey. Napapaluha ako kasi hindi siya makikita ng asawa ko. Sana magising agad siya.
"Tears of joy ba?" sabi nung babaeng pamilyar ang mukha sakin. Nakita ko na siya dati. Oo, dun sa market dati.
"Parang oo na hindi" sagot ko.
"Anlabo"sabi niya.
"Oo masaya ako kasi healthy at safe siya pero hindi niya makikita daddy niya" lumuluha kong sabi sa kanya.
"Huh,Bakit? Hiwalay na ba kayo?" sagot niya.
"No, na-involve siya sa car accident kahapon. He's in coma" sabi ko.
"Sorry" niyakap niya ako. "Hindi na sana ako nag-open"
"Okay lang kailangan ko rin ng kausap. Nga pala I'm Zoey, and you are?"
"Ara" nakangiti niyang sabi sakin.
"Nice meeting you Ara. Ikaw yung naka-usap ko sa market diba?"nagnod siya. "By the way,alin baby mo dyan?"
"Yun nasa right side,3rd to the last" tinuro niya sakin ang isang baby boy. "Ikaw?"
"Yang nasa una" sabi ko.
"Ang cute nila noh?" sabi niya habang pinagmamasdan ang mga baby.
"Oo kaso nga lang masyado pang bata ang anak ko para sa isang problema. Nasa delikadong sitwasyon ang daddy niya. Isang maling galaw maaari siyang mawalan ng ama" lumuha ako.
"Don't worry maayos din ang lahat and I assure you mapaparusahan at makukulong ang gumawa nito sa kanya" sabi ni Ara.
"Hindi lang kulungan ang haharapin ng gumawa sa daddy niya ng ganito. Sa oras na mawalan siya ng daddy sisiguraduhin kong mawawalan din ang pamilya niya. Kung kailangan kong pumatay gagawin ko" may panggigigil kong sabi sa kanya.
"Zoey, alam mong hindi ang pagpatay ang solusyon sa problem mo. Let God do his Job" sabi ni Ara.
"Pero Ara,bakit kailangang gawin sa asawa ko ang ganung bagay? Hindi mo kasi naiintindihan eh" umiiyak na ako.
"Shhhhh tahan na okay. Hindi yun ang reason para mawalan ng pag-asa. Remember may baby ka. Gawin mo siyang inspirasyon para harapin ang problem mo." makahulugang advice sakin ni Ara.
Napakalma naman niya ako dahil sa sinabi niya. Nagkwentuhan muna kami kaya kahit papaano nakalimutan ko ang problema ko.
Napatuloy lang yun ng...
"WiBy pahinga ka na ulit" may lumapit sa kanyang chinitong lalake at sa tingin ko asawa niya.
"Ahh wait lang HusBy. By the way she's Zoey.Remember yung incident sa market. Siya yun" pagpapakilala ni Ara sakin.
"Ahh Hi I'm Thomas. Ara's cutest husband" siniko siya ni Ara,napangiti ako at inabot ang kamay niya.
"Nice meeting you" sabi ko sabay ngiti.
"Ahmm Zoey sorry pero kailangan ng magpahinga ulit ng WiBy ko. Ie-excuse ko sana siya." sabi ni Thomas.
"Sige okay lang" umalis na sila at bumalik na ulit ako sa room ko para magpahinga. Kailangan kong magpahinga para lumakas at humanap ng hustisya para sa asawa ko.
.
.
.
.
.
So ano sa tingin niyo ang connection ng ThomAra kila Zoey at Joey?
Thank sa mga nagcomment,sa reads at votes. Na-appreciate ko lahat yun.