Days passed,ang daming nagbago lalo na sa anak namin ni Thomas. Sobrang hyper na ulit siya at lahat na yata ng bata dito sa lugar namin friend niya,wala eh mana samin friendly. Si Thomas? Umuwi ng Manila at hindi na bumalik..
:(
Joke lang. Naging busy na rin dito sa plantation. Pinag-aaralan lahat about farming at buhay probinsyano. Just imagine hindi siya nagrereklamo.
And ako naman. Busy rin dito sa bahay namin and sa pag-aalaga sa anak ko at kay Thomas. Tumutulong din akong magmanage ng plantation and gumawa ng project para sa lugar namin dito.
"Mommy pwede po ako punta maya kay Kuya Tobe?"tanong ng anak ko.
"Eh baby kailangan ni Mommy makipag-meeting kina Manang kasi malapit na yung fiesta nila at aasikasuhin pa namin yung mga projects dito"explain ko kay Toffe.
"Hatid mo lang ako Mommy. I want to play with them"pamimilit niya.
"Walang magbabantay sayo"sabi ko.
"Ti Daddy na lang po"sagot niya.
"Busy din si Daddy mo eh"sagot ko.
"Puro na lang buty *nagcross arm at pout* Wala na kayong time para kay Bibi"ang drama niya.
"Ako na lang magbabantay diyan Ate Ara"si Leslie pala.
"Sure ka,malikot at makulit yan"sagot ko.
"Mabait yan diba Toffe?"sabi niya.
"Opo"nag-apir pa sila.
"Sige payag na si Mommy basta be good mamaya"sabi ko kay Toffe.
"Promit Mommy. Thank you po"niyakap pa niya ako.
"Ang drama mo kasi eh..lika na ligo ka muna para fresh ka kapag nagpunta kila Tobe" Prinepare ko muna si Toffe at sobrang saya niya kasi pinayagan ko siya. Inayos ko rin yung bag na ipapadala ko sa kanya na may lamang extra clothes, towel, toys and snacks(Gummy Bears).
Ihahatid ko na lang siya kila Tobe at sakto nandun na rin si Leslie at yung mga kalaro ni Toffe.
"Hi"sigaw ni Toffe at nagtatakbo palapit sa kanila. Hindi naman siya excited.
"Toffe tara laro tayo"Tobe.
"Tige,Mommy lalaro na ko?" lumapit ulit siya sakin.
"Be good here. Babalik na si Mommy sa bahay si Ate Leslie na yung magbabantay sayo. Wag mang-away and wag masyadong malikot" bilin ko sa kanya.
"Opo Mommy, bait lang Bibi"Hinug niya ako at hinalikan bago nagpunta sa mga kalaro niya.
"Leslie pakibantayan na lang hah. Kapag may problema puntahan mo lang ako sa bahay. Bye Toffe"Paalam ko sa kanya.
"Bye Mommy Lablab"sigaw niya.
Bumalik na ako sa bahay. Sana naman hindi makulit yun kasi worried pa rin ako dun. Hindi ko nga ipahiram kay Kim at Denden ang anak ko tapos ngayon iniwan ko sa mga kalaro niya.
Thomas POV
Umuwi ako sa bahay at si Manang Lory lang ang nandun. Nasaan naman kaya ang dalawa kong baby?
"Kanina ka pa?"pamilyar yung boses kaya lumingon ako.
"Saan ka galing? Si Toffe nasaan?"tanong ko.
"Tinanong kita tapos tatanungin mo rin ako. Napakagandang sagot"sarcastic na sabi ni Ara.
"Oo kanina pa ako. So?"Ako.
"Galing ako kila Tobe,gustong makipaglaro ng anak mo. Ayaw ko sanang payagan pero nagpilit eh. Nagvolunteer naman si Leslie na bantayan siya kaya pumayag ako" paliwanag ni Ara.
BINABASA MO ANG
Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)
FanfictionBased on my imagination :)