Choices 3(Save One,Die One)

2.5K 30 5
                                    

Chandria's Side

    Ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi sana magkakaganito kung ginawa ko ang tama. Sana maniwala pa si Drake sakin. Ayaw kong may masaktan dahil baka pati ako patayin ng konsensya ko.

"Tumigil muna kayo dito"sabi nung isang lalake. Naiwan kami nila Ara at si Toffe.

Isa pa itong batang ito,nadadamay dahil sa ginawa ni Drake. Paano ko ba ito maaayos.

Bigla na lang bumukas ang ilaw ng silid. Nakita namin si Thomas,nakatali ang kamay at puro sugat. May nakatungo lang siya.

"Thomas/Daddy" magkasabay na sabi ni Ara at ni Toffe. Naalimpungatan si Thomas at tumingin sa amin.

"Ara umalis na kayo. Ilayo mo si Toffe dito"sigaw niya.

"Opps teka lang,wala ng atrasan." isang pamilyar na boses ang narinig ko. Si Drake nga,palapit sa kinalalagyan ni Thomas.

"Hi Dear Chandria!"nakangisi niyang bati sakin.

"Drake Please tama na. Itigil mo na ito. Makukulong ka lang kapag nahuli ka ng pulis" sabi ko.

"Nonsense naman yun sakin. Lalo pa nung nawala ka naging miserable na"nanlilisik ang mata niya sakin.

"Pakawalan mo na si Thomas. Dinala namin ang 2 million kaya palayain mo na siya."sabi ni Ara.

"Sige madali naman akong kausap sa isang condition" sabi niya.

Hayan na naman ang kondisyon niya.

"Sige ano yun?" tanong ni Ara.

"Yung anak mo ang magdadala sa akin" ngumiti pa siya. Nagulat kami ni Ara. Hindi ko rin mabasa kung ano ang tumatakbo sa utal niya.

"Ara wag!! wag kang maniwala sa kanya."sigaw ni Thomas. Sinuntok siya ni Drake kaya napasigaw kami ni Ara.

"Daddy" umiiyak na si Toffe. Naku,mato-trauma mo 'toh.

"Ano Ara ibibigay mo ang pera o papatayin ko si Thomas sa harap mo?" nakakatakot na si Drake parang wala na siyang kaluluwa sa ginagawa niya.

"Pero.."naluluha na si Ara.

"Wala ng pero-pero. Bibilang ako ng Tatlo..Isa..Dalawa.."

"Waiiiiiiiiiittttttttt" sigaw ko. "Papayag kami sa isang kondisyon" sabi ko.

"Sige pagbibigyan kita" sabi sakin ni Drake.

"Kailangan kasama ako ni Toffe sa pagdadala ng pera sayo"sabi ko. Nag-isip muna siya.

"Chand!!! wag mong ipahamak ang anak ko" galit na sigaw sakin ni Thomas.

"Sige Papayagan kita. Ibigay mo ang pera sakin ngayon na"sabi niya. Humarap ako kay Ara at kinuha yung bag pero hindi niya bitawan si Toffe.

"Alam ko ang ginagawa ko Ara. I will protect him" Nagtiwala siya sakin at niyakap at hinalikan niya si Toffe. Dahan-dahan kaming naglakad ni Toffe.

"Chandria ibalik mo ang anak ko. Ilayo mo siya kay Drake. Chand!! " nagwawalang sabi ni Thomas.

Iniabot ko na ang bag kay Drake pero bigla na akong hinila at kinuha si Toffe.

"Toffe" magkasabay na sigaw nila Ara at Thom. Lalapit na sana si Ara pero tinutukan siya ng baril ni Drake.

"Lumapit ka ng ikaw naman ang mamatay. Napawalang utak niyo naman." tumawa pa siya. "Ngayon sino ang panalo sa atin?"

"Drake maawa ka wag si Toffe,wag mo siyang idamay" umiyak ako sa harap niya. Drake wag siya.

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo. Niloko mo na ako Chandria. Kaya alam kong magagawa mo ulit yun. Kalagan niyo si Torres" Utos nito sa mga kasabwat niya. Sumunod ang mga ito.

"Mommy!! Daddy!!" umiiyak na si Toffe habang hawak ni Drake sa kanang kamay.

"Tumigil ka sa pag-iyak mo,kundi" hahampasin sana niya ng baril si Toffe pero..

"Waaaggggggg Drake wag mong saktan ang anak ko. Para mo ng awa wag ang bata. Wala siyang kasalanan sayo. "nagmamakaawa si Thomas.

"I beg you Drake wag ang anak ko"napaluhod si Ara habang umiiyak.

"Yan ganyan matuto kayong humingi ng tawad at lumuhod sa harap ko. Masyado kasi kayong mayayabang. Gusto niyo lahat nasa inyo. Pati negosyo ko kontra kayo. Pati sa puso ng mahal ko."Lalapit sana si Thomas pero nagpaputok si Drake sa harap nito.

"Lumapit ka at mauuna itong anak mo. Now Ara,mamili ka si Thomas o si Toffe. Bibigyan kita ng limang minuto. Sino ang ililigtas mo? Mahirap magdesisyon diba? Well ganyan lang naman kahirap ang naranasan ko ng kalabanin niyo ang negosyo ko. Ganyan kahirap ng niloko niyo akong lahat." sabi ni Drake.

"Hindi ka niloko ni Chandria. Masyado mo lang pinalaki ang maliit na problema. Tinalikuran ka ni Zoey kaya akala ng lahat tapos na. Walang kasalanan si Thomas sa aksidente ni Joey. Ikaw ang nangloko Drake. Pinaikot mo siya. Hindi naman namin kakalabanin ang negosyo mo kung wala kang mababangga. Ikaw ang nauna kaya wag mong isisi kay Chand. Lalong lalo na kami." sigaw ni Ara.

Itinutok niya ang baril kay Ara.

"Akala mo ba ganun lang kadali ang maiwan Ara. Hindi madali yun lalo pa at mahal na mahal mo ang taong yun. Wala na akong pamilya kaya minahal ko si Chand at Oo ginamit ko si Zoey.  Pero wag mong sabihing wala kang kasalanan dahil hindi naman makalalapit si Chand kay Thom kung pinigilan mo. Mahirap maiwan Ara. Napakahirap."pabalik na sigaw nito.

"Hindi mahirap yun kung tatanggapin mo." sigaw ulit ni Ara.

"Mahirap yun gusto mo ba iparamdam ko sayo." Itinutok niya ang baril kay Thomas at tinulak si Toffe papunta sa daddy niya.

"Daddy" yumakap agad si Toffe. Takot na takot na siya.

"You choose Ara. Ipaparamdam ko sayo ang hirap na mawalan" lumuluha si Drake.

Nang dahil sa Love nagkaganito siya. Kung sabagay marami ang bumabagsak sa love at isa na siya dun. Mahal ko pa rin naman siya eh.

"Drake wag mong gawin yan" pinilit kong agawin yung baril. Nakalapit si Ara kila Thomas.Masyadong malakas si Drake kaya naitulak niya ako dahilan para matumba ako.

"Wag kang makialam dito Chand."sigaw niya sakin. Humarap siya kila Ara.

"Gusto niyo bang sabay sabay na pumunta ng langit?"Drake.

"Ara,WiBy ilayo mo na si Toffe dito. Ako na lang. Handa akong gawin lahat para sa inyo." nanghihina na si Thomas.

"Ennie Minnie My Nemo,sino ba ang unang babarilin ko. Ito ba o ito. Ito" tumapat kay Toffe.

"Wag po" sabi ni Toffe.

"Talaga bang talaga,oo,peksman,batman" kay Toffe pa rin tumapat. "Wawa ka naman Baby ikaw yata ang una."

Nang biglang may narinig na police mobile...

"Shiiitt may nagsumbong pa yata." Nagtakbuhan agad ang mga kasabwat ni Drake.

"Wala ka ng kakampi ngayon Drake."sabi ni Ara.

"Pero may baril pa rin ako" Tumakbo ako ng kakalabitin na ni Drake yung baril...

*Booooogggggsssshhhh*

************************************

Sino ang namatay? May mamamatay nga ba?

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon