Thomas Plan

2.1K 38 1
                                    

   Nagsearch ako about sa lahat ng nangyari sa hospital. Pinagconnect ko lahat ng pangyayari. At ito ang natagpuan ko...

Flashback..

"Kung dalawa yung baby boy,nasan yung isa?" kinakausap ko yung sarili ko habang wala pa si Ara.

"Kung puntahan ko kaya lahat ng address na ito"

Yun ang naisip ko kaya naman palihim kong pinupuntahan yung bawat address at inalam ko lahat. Hindi ko ipinaalam kay Ara lahat kahit nakakahalata siya minsan.

"Tao po? Tao po?"kinakatok ko yung gate ng isa sa mga pupuntahan ko.

"Sino po sila?"tanong nung babae.

"Ahh magtatanong po sana ako kung dito po nakatira si Mrs.Ria"tanong ko.

"Ako nga,pasok ka muna. Ano bang maitutulong ko sa inyo?"Ria.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy. May anak po ba kayong 2 years old na?"tanong ko.

"Ahh meron, Rhian halika nga muna dito"may lumabas na batang babae which is nagpagulo sa hawak kong record.

Nakalagay sa record na siya na ang huling dapat kong puntahan so dapat lalake ang anak niya.

"Naguguluhan po ako,kayo po ang huli kong pupuntahan coz I'm looking for a baby boy. Pero babae po ang anak niyo?" nabigla yata ang babae kaya sa halip na sumagot ay pinapasok niya ang anak sa loob ng bahay.

"Hindi mo nalaman ang nangyari sa hospital?"gulong gulo na ako so may nangyari noon.

"Kasabay namin nanganak ang isa sa anak ng sikat na businessman si Mr. Gomez. Namatay siya after delivery ayon sa balita"pasimula nito.

"Yung anak niya nasaan?"tanong ko.

"2 baby boys ang nandun ng time na yun. Nagkaroon ng commotion dahil nawala ang isa. Ako nakita ko kung sino ang kumuha"sabi ni Ria

"Sino?"tanong ko ulit.

"At bakit ko naman sasabihin sayo? Baka mamaya tauhan ka ng matandang businessman na yun."hala pinaghinalaan pa ako.

"Hindi po nagpunta ako dito dahil gustong kunin ni Mr.Gomez ang anak namin coz apo niya daw yun. Now please tell me. Hindi kaya ng asawa kong mawalan ng anak"nagmakaawa pa ako.

"Nung gabing yun dumating si Mr.Gomez. Nabuntis lang pala ang anak niya at gusto niyang ipapatay ang bata. Nagulat na lang ako ng may isang lalake na biglang pumasok sa nursery. Wala pang pangalan ang dalawang baby boy dun kaya nahirapan siya pero nung lumabas siya may bitbit siya sanggol. Hinabol ko siya at doon nalaman ko na siya ang ama ng bata. Ilalayo daw niya ito dahil ipapatay siya ng lolo nito. Mabuti na lamang ay naibigay agad ang isa pang baby sa magulang nito dahil kundi baka yun ang pinaghinalaan na apo ng negosyante"mahabang paliwanag nito.

That means na tama yung record ng hospital na boy ang apo ni Mr.Gomez pero itinakas dahil ipapatay ito. Si Toffe pwedeng siya ang apo dahil walang pangalan yung cart kasi hinulaan lang ng lalake yung baby niya. Kailangan ko ng hanapin ang lalakeng yun hanggat hindi pa lumalabas ang result ng DNA.

"May contact po ba kayo dun sa lalake?"ako.

"Bumalik siya dito dati para magpasalamat at heto ang number niya. Nagtatago sila ngayon at safe naman daw sila. Bakit nga pala interasado ka sa kanya? Nagpalit ba ang anak niyo?"tanong niya.

"Wag naman po sana pero parang yun ang tumatakbo sa utak ko. Nagpa-DNA na po kami para malaman. Ah sige po mauna na ako. Salamat po sa tulong"nagpaalam na ako pero nagpahabol pa siya.

"Mag-ingat ka kay Mr.Gomez hindi mo alam ang tumatakbo sa isip niya"paalala niya sakin.

Hinanap ko yung lalake at nalaman kong nasa Palawan na sila. Pinadalhan ko pa sila ng pera para pabalikin sa Manila at pumayag naman sila dahil hina-hunt pa rin sila ng matandang yun.

Naunahan nga lang kami ng DNA dahil nilabas agad ito ng hospital at nag-positive pa. Naguluhan ako siguro anak ko ang hawak ni Rio ngayon kaya gusto ko silang makita.

Ang balak ko hahayaan ko munag nasa kanya si Toffe pansamantala habang wala pa si Rio at ang anak niya nang sa ganun hindi na gumawa ng action si Mr.Gomez at kami muna ang mag-iinvestigate at kung anak ko si Toffe makukuha namin siya pero kung hindi makukuha pa rin namin ang anak namin kay Rio.

"Thomas paano naman si Rio? Hindi mo naisip ang kalagayan niya"Tama naman si Mika.

"Mahalaga pa ba yun?"wala na akong pakialam sa kanila.

"Oo mahalaga yun dahil siya naman ang pagbabalingan ng galit ng matandang yun"sabi ni Cienne.

"Saka ko na siya iisipin. Yun muna ang plano ko hanggat wala pa sila Rio at hindi na yun ipapatay ni Mr.Gomez dahil based on my research may sakit siya kaya hinahanap niya yung tagapagmana"sagot ko.

"Cool Bro,bigay mo na si Toffe baka ikayaman niyo yan"biro ni Van na agad naman nabatukan ni Cienne.

"Ikaw kaya ang ibigay ko dun. Sa tingin mo ba papayag si Ara ng ganun lang"nagroll eyes pa siya kay Van.

"Ang mali mo Thom hindi mo pinaalam kay Ara kaya ganun"Sabi ni Alyssa.

"Yun na nga ehh"bigla naman pumasok si Kim at Denden na galing kila Ara. "Bakit ganyan itsura niyo"

"Si*hingal* si A-ra"hingal na hingal si Kim.

"Si Ara tinakas na si Toffe"nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Denden.

"Whhhhhhaaaaaaattttttttttt"sabay sabay kami.

"No hindi toh pwede"natataranta na si Mika.

"Iniwan pa nga niya ang sulat na ito"iniabot nila ang sulat sakin.

"Hindi kita maintindihan Thomas. Alam mong hindi ko kaya pero bakit willing kang ibigay ang anak natin sa kanya. Im sorry pero hindi ko siya ibibigay.

Ipilit mo man ang gusto mo pero alam ko sa sarili ko na anak ko si Toffe. Kung ayaw mo pa ring pumayag...

.

.

.

..

..

MAGHIWALAY NA TAYO"

Napaluha ako sa last na nabasa ko.

"asan na sila?"tanong ko.

"Wala na sila. Sumakay sila sa car niyo kanina"sabi ni Kim.

*BeepBeep*

May nagtext sakin. Unknown number.

"Wag niyong itatakas si Toffe sa akin. Hindi niyo alam ang kaya kong gawin. Don't use your car para itakas siya dahil baka ikamatay niyo pa. bwahahaha".

Shhiiiittttt

"We need to follow Ara"

Ano bang ginawa ng matandang yun? Tinawagan namin siya.

"Anong ginawa mo sa sasakyan ko?"pasigaw ko.

"Chill Thomas. Nagsigurado lang na hindi kayo tatakas. Wala siyang break kaya wag mong gamitin"

Pinutol agad niya ang tawag. Delikado ang lagay nila Ara ngayon.

*Beep Beep*

"Nasa airport na kami"

Sino bang uunahin ko? Kasalanan ko.

"Guys Sunduin niyo si Rio ngayon sa airport then yung iba hanapin natin sila Ara. Walang break ang car namin ngayon,maaaksidente sila"nagulat din sila at agad nagtakbuhan.

We need to save Ara and Toffe.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon