The Sign

1.6K 26 0
                                    

Ano nga ba? Ano nga ba yung sign na hiningi ko kay Lord? Ano nga yun na siyang makapagsasabi na ready na ako? Heto yun.....

Flashback x2x2x2x2x2 lol :-)

Back to Paris..nasa Eiffel Tower kami nun last day namin. Nagkamoment kami ni Thom dun.

"Sweet nung couple dun,look at them"sabay tinuro ko sa kanya.

"Mas sweet kaya ako dyan" sabi niya sakin.

"Oh di ikaw na" napatigil kami then pinagmasdan yung view. Nang magsalita siya.

"Alam mo Baby,dati pinangako ko na dadalhin ko dito yung taong mahal ko. Yung makakasama ko forever at ikaw yun" then tumingin siya sakin. Kilig to the bones pa nga ako ehh.

"Wag ka munang kiligin pwede,kahit alam ko hindi ako naging perfect boyfriend mo dahil wala namang perfect diba pero I promise sa harap ng tower na ito na gagawin ko lahat para maging mabuting asawa at daddy sa magiging anak natin." teary eyed niyang sabi.

"Wala na akong hihilingin kundi ikaw lang pero meron pala na sana maging happy at safe yung magiging family natin. Alam mo Ara, sobrang swerte ko sayo (sinasabi niya yan habang umiiyak) Thank you sa pagtitiis sa mga drama ko,pang-aasar, pangungulit,pagtatampo at kung ano-ano pa. Baby mahal na mahal kita. Sana walang magbago dahil ako love na love kita. Sobra"

"HusBy ang drama mo na,look oh dami ng nakatingin satin"sabi ko sa kanya pero kilig na kilig na ako.

"WiBy hayaan mo sila. Baby promise hindi ka magsisisi sakin. I love you so much. Sorry kasi alam ko this past few weeks naging problemado tayo dahil sa Baby Issue na yan pero handa akong maghintay sa sign na yan" Niyakap niya ako at after nun. Hinalikan niya ako.Hiyawan yung mga tao.

Kiss in the front of Eiffel Tower yan lang gusto ko pero iniyakan pa ako ng Chinitong Demigod na yun which is unusual because umiiyak lang yan sa harap ko kung may problema kami. So yun hindi ko lang talaga masabi sa kanya na ready na ako kasi gusto ko sya yung mismong makaalam at makaramdam.

At isa pang dahilan kung bakit ayaw ko pang magkababy is dahil sa sinabi ng doctor sakin.

Flashback......

Doc:So ikaw yung nag-iisang anak na babae ni Mrs. Galang?

Ara:Opo ako nga..

Doc:So whats our agenda?

Ara:Ahhmm Doc? Kasi may gumugulo sa isip ko. About sa pregnancy issue sa side ng family namin.

Doc:Ohh I know kung ano yan. About sa hirap ang mga babae sa side niyo na magdala ng baby at kadalasan pa ay nawawala ang baby nila dahil sa mahina ang kapit.

Ara:Po?(nashocked ako dun)

Doc:But may medicine naman dun. Wag kang mag-alala.

Ara:Pero Doc may posibilidad bang pati ako ay ganun din?

Doc: Tatapatin kita pero Yes...

Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ko yun sinabi kay Thomas kasi natakot ako na baka mawala agad siya sakin dahil may possibility na hindi ko siya mabigyan ng buong pamilya :(

But I trust God kaya susubukan ko.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon