Issue

1.8K 28 1
                                    

Weeks passed, hindi pa rin kami kinakausap o tinetext man lang ng pamilya namin. Wala eh dissapointed sila eh. BTW nandito ako sa restaurant namin ngayon,tumutulong mag-audit ng mga nagastos sa pera. Si Thomas Torres nasa resort nagpapatayo kasi kami ng extra villa and cottages so siya muna ang nag-asikaso.

Kath: Ahh Maam Ara lunch po muna tayo.

"Ahh sige mauna ka na tapusin ko lang tutal last na" sabi ko.

"Okay po mauna na ako" sabi ni Kath.

**Pagkalabas niya saktong nagtext si Thomas."

From: HusBy Thomas
   Maglunch ka na. Wag masyadong maging workaholic. Sunduin kita later. I love you mwahhh

**Nagreply muna ako..
To: Husby Thomas
  Ikaw din,i'll wait you,I love you too mwaaahhhhh

*Naglunch na ako and after that back to work.*

Thomas Side

   Nandito ako sa resort ngayon,nag-aasikaso. 1month na itong pinapagawa eh hanggang ngayon hindi pa natatapos. Paano matatapos eh sitting pretty ang ilang workers kanina nung dumating ako. Tapos na ang lunch break,back to work na ulit ang ilang workers pero umiinit talaga ang ulo ko sa 7 kong workers.

"Hindi pa ba kayo magtatrabaho?" maayos kong tanong sa kanila.

"Mamaya na po mainit pa ehh" padabog na reklamo nung isa.

"Aba eh may sweldo kayo dito tapos ayaw niyong magtrabaho. Unfair naman yata yun" sabi ko.

"Eh di ikaw magtrabaho palibhasa kasi mayaman kaya hindi niyo nararamdaman ang hirap magtrabaho" pasigaw nung isa na parang menor de edad

"Aba kinakausap ko kayo ng maayos. Kung ayaw niyong magtrabaho fine maghahanap ako ng iba. At ikaw bakit parang menor de edad ka pa? Bawal yan diba?" sabi ko na medyo mataas ang boses.

"Kailangan niya ng trabaho para sa pamilya niya kaya po tinanggap namin" saad nung isa.

"Oh yun naman pala trabaho ang hanap hindi pahinga kaya back to work" sabi ko.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin? Yan ang mahirap sa inyo ako ang mali eh ako na nga ang nagbibigay ng trabaho sa inyo" sabi ko dun sa worker.

"Hindi mo kasi alam ang hirap na may pamilya" sigaw niya sakin.

"Alam ko dahil may pamilya din ako" hinarap ko siya.

"Pamilya? Pamilya bang matatawag yun eh sa tagal niyo sa bakasyon walang nangyari. Wala ka kasing anak kaya hindi mo alam ang hirap. Siguro tama nga yung mga balita na hindi ka pwedeng magkaanak kasi ba---"

Hindi niya natuloy ang sinabi niya kasi kwinelyohan ko siya.

"Kasi Ano? hah?" galit ako habang hawak siya. Inawat kami ng ibang workers. Binitawan ko na rin yung menor de edad kong worker.

"Totoo siguro na baog ka kaya hanggang ngayon wala kang anak" sigaw niya.

"Bawiin mo yung sinabi mo. Bawiin mo." sigaw ko habang pinipigilan ako nung mga workers ko. " Lumayas ka ngayon hindi ko kailangan ang worker na katulad mo" nung nasabi ko yun bigla niya akong sinapak.

Gaganti sana ako nung naabutan ko pero nung susuntukin ko na ay bigla kong naalala na menor de edad pa. Kaya sa halip na sa mukha niya tumama eh sa lupa ko sinuntok. Tumayo  na ako.

"Go back to work, and Eric find another worker yung papalit sa batang toh.Bawal ang menor de edad dito." sabi ko at umalis na.

Ginamot ko ang sarili ko pero naisip ko si Ara. Lagot ako neto. Pero nasa kamay at mukha ko ang ebidensya. Kaya sumakay na ako sa car para sunduin si Ara. Ihahanda ko na ang tenga ko.

After 30minutes of travelling,naglalakad na ako papasok sa resto. Nakita ko yung guard at sinenyasan ko ng quiet ganun din ang iba pang workers dun. Pagpasok ko sa office ni Ara may kausap siya. Napatingin siya sakin pero wala siyang reaction. Kasi nakasideview ako. Lumabas na yung kausap niya at nilock ko yung pinto. Nang nakita niya....

"Nakipag-away ka ba? Akala ko ba nasa resort ka? Bakit may pasa ka sa mukha pati sa kamay may sugat ka? Kailan ka pa natutong makipagbasag-ulo. Sabihin mo lang kung boxing na ang gusto mo para maisali kita para bukod sa nakasuntok ka kumita ka pa. Oh bakit hindi ka nagsasalita?" sermon niya sakin.

"Wala ka ng sasabihin? Ligpitin mo na yang mga kalat mo sa bahay na ako mag-eexplain. Nakakahiya sa mga workers natin dito." maayos kong sabi sa kanya.

"Nahiya ka pa eh siguro naman nakita nila yan bago ka pumasok dito" kinuha yung bag niya "Mag-explain ka gusto ko yung detailed at totoo dahil kung hindi dadagdagan ko pa yan" pananakot niya sakin.

Napansin ko naiwan niya yung phobe niya. Bago ako umalis kinausap ako nung guard.

"Sir mukhang galit yata haha" sabi niya.

"Narinig niyo ba yung sermon niya?" natatawang sabi ko.

"Oo sir nagulat nga mga customer pero sabi namin nagpa-practice lang kayo para sa play "sabay tawa.

"Hahaha sige po una na kami,mag-e-explain pa po eh" sabi ko sabay alis.

Habang nasa byahe kami hindi siya nagsasalita. Nakakunot yung noo niya at hindi tumitingin sakin. Pagdating namin sa bahay. Nauna siyang pumasok naupo muna ako sa may sala. Pagbalik niya may dala siyang first aid kit. Kahit naman Sermon Queen yan may care pa rin siya sakin.Kaya mahal na mahal ko si Ara Galang-Torres eh.

"Wag kang malikot" sabi niya habang ginagamot ako. "Ginusto mo yan eh"

Hinawakan ko naman yung kamay niya at ibinaba yung cotton na hawak niya.

"Hindi ko ginusto. Sa tingin mo gagawin ko to? Para saan para masermunan at magkasugat? May nakasagutan ako sa resort kanina. Menor de edad" malumanay kong sabi.

"Pinatulan mo? Alam mo namang mas matanda ka dun" sermon niya sakin.

"Syempre hindi kasi magagalit ka at alam ko yun kaya nga may sugat ako sa kamay kasi sa lupa ko sinuntok." sabi ko ulit.

"At bakit ka naman niya sinuntok? Aber?"sabi niya ng nakataas ang kilay.

Ibinaba ko muna yung kilay niya.

"Below the belt ang banat Baby eh,sabi niya Baog daw ako kasi wala tayong anak. Eh sa harap ba naman ng maraming tao sabihin na puro lalake pa syempre nagalit ako. Pero siya yung unang sumuntok." sinabi ko yun sa kanya ng nakatingin sa kanya.

"Awww sorry,nasermonan agad kita. Hindi ka naman ganun diba?" niyakap niya ako. "Sorry" humarap siya sakin at hinalikan ako sa labi.

"Hindi na yan sasakit diba?"

"Hindi na, may Kissperin na eh *laughs* Pero Baby pano if totoo yun? Maghahanap ka ba ng bago?" seryoso kong tanong sa kanya.

"*sigh* Syempre hindi para san pang pinakasalan kita diba at ikaw lang yung mahal at mamahalin ko" sabi niya." Ui nagblush siya hahaha ang bakla mo hahaha"

"Kinilig ako sa banat mo,pero promise ko sayo bibigyan kita ng isang dosenang anak para basketball team ay 15 na lang para isang volleyball team" sabi ko.

"Ang dami baka hindi ko kayanin buti kung ikaw ang magdadala at maghihirap umire"sabi niya sakin."Pero kakayanin para sayo"

"Yuck corny ng banat mo, pero joke lang yun. Hihintayin ko muna yung sign na sinasabi mo" I kissed her forehead.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Next chapter na nga :)

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon