Trauma

2.7K 41 5
                                    

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh"nakarinig kami ng sigaw ni Ara mula sa taas. Nagtatakbo kaming nagpunta sa room namin at nakita si Toffe na umiiyak. Kinarga ko siya at pinatahan.

Ganito ang naging set-up namin after niyang magamot sa hospital. Hindi namin maiwan kasi bigla na lang iiyak at takot na rin na makipag-usap sa ibang tao na hindi niya kilala. Lagi siyang kabado at takot sa dilim lalo na kapag naiiwan namin siya sandali.

Natrauma siya sa nangyari. Pinainom muna siya ni Ara ng tubig at pinakalma. Namayat na nga siya eh at hindi na ganun kakulit. Nakakapanibago.

"HusBy,saan kaya natin siya pwedeng dalhin yung malayo sa stress. Nasasaktan kasi ako kapag ganyan siya" worried na sabi ni Ara.

"Sa plantation na lang siguro for the mean time lang habang inaayos ko pa yung papeles ng resto at resort. Dun fresh air at malayo sa stress. Saka na lang tayo mag-out of the country kapag pwede ng iwan yung negosyo"suggest ko.

"Sige basta gusto ko as soon as possible mailayo na natin siya sa stress" sabi ni Ara.

"Oo,Asap"niyakap ko muna siya. "Baby do you want to go out? Bili tayo ng toys mo." Umiling lang siya. Hindi na rin pala siya ganun kadaldal.

"Kain na lang tayo Baby,pinagbake ka ni Mommy ng fav. cake mo" sabi ni Ara. Nagnod na lang siya and on cue nagsipasukan ang bullies na parang kanila yung bahay.

"Hi Fav. Baby"sabi ni Kim at hinalikan si Toffe. Ganun din ang ginawa ng iba. Wala silang dalang mga anak may bonding daw kasama ang daddy nila.

"Gusto mo Baby laro din tayo?" Alyssa. Umiling lang si Toffe at kumain.

"May surprise pala si Fav. Tita mo sayo"sabi ni Denden.

"Ano po?"matamlay na sabi ni Toffe.

"Heto ohhh"nilabas yung mga gummy bears.

"Wow gummy bert!!!" lumapit naman si Toffe at hinalikan at niyakap si Kim. Binuhat siya ni Kim. "Lablab Tita,talamat" nakangiti na siya.

"Para sa fav. Baby ni Tita Kim,bibilhin ko lahat ng gummy bears para sayo."Kim

"Parang ikaw ang magulang Kim ahh"Mika.

"Inggetera"Kim.

"Baka ikaw."Cienne

"Kayo kaya,palibhasa si Toffe lang ang laging may toys sakin. Yang mga junakis niyo kasi ang bad sakin."Kim.

"Eh pano ikaw ba naman unang makita nung pagkasilang,matatakot talaga yun"Alyssa.

"Ang bad mo Baldo,kainis ka. Pero sorry sila nagkamali sila ng i-hate diba Baby? Apir ka kay Tita"umapir naman si Toffe.

"Asus si Kim,mag-ampon ka na lang."Ara.

"Ara pwede bang ito na lang"sabay turo kay Toffe.

"Eto gusto mo?" tinaas naman ni Ara yung fist niya.

"Bad Mommy,tabi Daddy bad yan"nagsalita si Toffe.

"Bad nga yan Ara"Kim.

Nagmeryenda na lang muna kami. Nagbonding din kasama yung anak ko na kahit papaano eh nakipaglaro at nagsalita na rin. Umuwi na rin sila after dahil nakauwi na daw yung husband nila. Paglabas nila sakto namang pasok ni Mamita at Chandria na lumalaki na ang tiyan.

"Mukhang hindi yata tayo mauubusan ng bisita ngayon WiBy"sabi ko.

"Bakit bawal na ba kaming pumunta dito?"Chand.

"Wala akong sinabi,nga pala what's our agenda?" Ako ulit.

"Wala naman dumalaw lang kami sa apo ko. Kamusta na pala ang baby ko?"nilambing naman niya si Toffe na nakaupo sa lap ni Ara.

"Ok po"tipid niyang sagot.

"Gusto mo play din tayo? Bili tayo ng toys mo sa mall?"Mamita.

"Ayaw po"Toffe.

"Pasensiya na Mamita,ayaw na po kasi niyang lumalabas eh"sabi ni Ara.

Nagkwentuhan muna kami ng biglang tumayo si Toffe at naglakad papunta kay Chand.

"No po yan?"sabay turo sa tiyan ni Chand.

"Baby ang nasa loob niyan Baby."nakangiting sabi ni Chand.

"Why? Yo eat yow Bibi"curious na tanong ni Toffe.

"Hindi Baby. Hindi ganun yun. Paglaki mo malalaman mo rin kung bakit pero ngayon sinasabi ni Mommy sayo na hindi niya kinain at Tita Chand is right may baby siya"explain ni Ara.

"Gusto mo hawakan?"tanong ni Chand.

"Pwede po?"Toffe.

"Akin na right hand mo"inaabot naman ni Toffe at nilagay naman ni Chand sa tiyan niya. "Soon baby gagalaw yan pero ngayon hindi pa."

Naenjoy naman ni Toffe yung ginagawa niya. Pinapakiramdaman niya yung tiyan ni Chand at minsan nilalapit pa niya yung right ear niya. Napapangiti na lang kami sa ginagawa niya.

Nang umuwi na sila,balik na kami sa dating routine.Magligpit ng kalat at magluto habang kasama si Toffe. Remember ayaw niyang malayo kami sa kanya.

Pagkatapos kumain na kami at nagshower na bago matulog.

"Mommy bakit ikaw di malaki yung tummy"tanong ni Toffe.

"Kasi Baby wala namang ibang baby si Mommy ikaw lang"kiniliti si Toffe.

"Tama na Mommy,top it mommy"tigilan din ni Ara.

"Mukhang masaya kayo ahh"singit ko.

"Daddy"niyakap ako ng mahigpit ni Toffe.

"Tulog na tayo Baby,may pupuntahan pa tayo bukas."sabi ko at binuhat si Toffe para patulugin. Magdadalawang taon na siya pero pinapatulog pa namin.

"Tuloy na agad tayo bukas?"tanong ni Ara.

"Yes,si Mommy na daw bahala magprocess ng papeles. Matulog na rin tayo"I kissed Ara and we sleep while hugging Toffe.

_________________________________________

Sorry Lame

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon