DNA

2K 37 2
                                    

*Thomas POV
    DNA na lang ang pag-asa namin para mapatunayan na mali sila.

    Ayaw kong ibigay si Toffe pero this past few days nagsimula na ang gulo.

    Gusto niyang bilhin at pabagsakin lahat ng meron kami. Even si Toffe nakilala niya accidentally...

FLASHBACK...
   Hinahanap namin si Toffe dito sa grocery store. Humiwalay kasi siya kanina at hindi namin napansin. Nakita namin siya with a guy na medyo may edad na.

"Daddy look oh"pinakita niya samin yung madaming gummy bears. "Bigay ni Lolo Gab"

"Lolo Gab?" sinabi ba ng matandang ito na apo niya ang anak ko.

"Tabi po kati niya Lolo Gab tawag ko ta kanya"nakangiti pang sabi ni Toffe.

"Ibalik mo yan Baby sa kanya"sabi ni Ara.

"Mommy bigay nya po takin toh"sabi pa niya.

Umangal pa siya pero sa huli binalik din niya at nagtampo samin. Umiyak pa nga hanggang sa pag-uwi hindi kami kinausap. Hindi rin naman namin pwedeng sabihin agad sa kanya.

END OF FLASHBACK..

Nabo-bother na  rin kami dahil sa text na nare-receive namin which is puro threats.


"Dad punta na tayo sa hospital"inaya na ako ni Ara.

"Toffe iwan ka muna namin ni Mommy dito sa bahay. Kasama mo naman sila Lola,mga Tita's mo at Tito's mo. Makipagplay ka na lang sa kanila"kinausap ko muna si Toffe.

Nalaman na rin kasi nila ang nangyari from unknown sources.

"Okay"matamlay na sagot ng anak ko. Nagtatampo pa rin siya after nunh incident sa grocery then lagi namin siya iniiwan sa family at friends namin dahil lagi kaming umaalis para ayusin lahat ng nangyayari. Hindi na nga natuloy ang out of the country namin dahil sa problema na naman.

"Be good here Baby, wag kang magtampo sa amin ni Mommy. Soon malalaman mo rin."Hinalikan muna namim siya at nagpaalam na.

Habang nasa sasakyan,pansin kong hindi komportable si Ara.

"Don't Worry everything will be fine" hinawakan ko yung kamay niya kahit nagdadrive ako.

"Sana maayos ang result"sabi pa niya.

Nakarating kami ulit sa hospital at nandun na agad si Mr. Gab Gomez.

"Tsk tsk nagkamali yata kayo ng kinalaban." Gusto man namin siyang patulan pero respeto pa rin ang nangibabaw samin pero once na magbelow the belt ang banat ng isang 'to hindi kami magkakamaling patulan siya.

"Makakasiguro ba kaming kapag negative ang result ay titigilan niyo na kami" Nagcross arm pa siya.

"Oo naman pero kung positive yan,bukas na bukas din ay kukunin ko ang apo ko sa inyo" may authority na sabi nito.

"Wag po kayong mag-alala wala kayong makukuha samin"sabi ni Ara.

"Wag kang over confident Miss dahil hindi mo alam ang pwede kong gawin"pagkasabi niya nun ay pumasok na kami siya sa room at sumunod na kami para alamin yung result.

Mabigat ang atmosphere sa loob dahil sobrang tahimik at walang kumikibo.

"Here's the result"kukunin ko na sana kaso naunahan ako ni Mr. Gab.

"Ako na ang magbubukas"sabi niya.

Dahan-dahan niyang binuksan at parang bumabagal din ang takbo ng oras. Nadidinig ko rin ang sariling tibok ng puso ko dahil sa kaba. Humihigpit ang hawak ng kamay ni Ara sa akin.

.


Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon