"This is so boring."
Natawa ako nang marinig nanaman ang paulit na ulit na komento ni Raisse. Nanonood kasi kami ng Korean drama nang mahigit limang oras na ngayon at hindi ko na mabilang kung ilang ulit na nitong sinabi ang linyang iyon. Mas hilig kasi nitong manood ng mga movies na patayan ang content.
"Shhh! Shut your mouth! I'm naannoy na sayo! Kanina ka pa! If you don't want to watch then sleep!" ani Dana. Lumayo pa ito ng kaunti para siguro mabawas bawasan ang ingay na naririnig mula kay Raisse.
"Pwede ring bilangin mo kung ilan na ang mga kuto mo." Yelle suggested
"Or watch porn" walang hiyang suhestiyon ni Kate.
Naiiling ko ang ulo ko dahil sa mga sinabi nila. Ako lang ata ang matino sa aming lima.
Hindi na sumagot sa mga kagagohan nila si Raisse dahil ganito ang ugali nito. Hindi ito palasalita pero kapag may ayaw itong bagay ay agad naman nitong pinapaalam samin.
"Hoy hoy, dahan-dahan naman!"
Napatigin ako kay Yelle nang marinig ko siyang sumigaw. Akala ko lang kung ano na, yun pala ay kumuha ng sandamakmak na popcorn si Kate at inisang subo lang niya.
Tumawa si Kate pero agad rin namang nanahimik nang bigla nalang nagbago ang expression ng mukha.
"Naduduwal ako." ani Kate. Ang isang kamay niya ngayon ay nakatakip sa bibig at ang isa naman ay nakahawak sa tiyan.
"Naduduwal ka?"asar ni Yelle
Tinignan siya ng masama ni Kate at itinaas pa ang gitnang daliri bago tumakbo papuntang bathroom. Nagtawanan sina Yelle at Dana samantalang nakasara na ang mga mata at wala ng pakialam samin si Raisse. Ganyan nga, mas mabuting matulog ito kaysa walang pagod na ulit ulitin ang this is so boring nitong linya.
Biglang nagvibrate ang phone ko at nakita ko sa Caller ID ang pangalan ni Ythan. Bumuntong hininga muna ako bago sagutin ito at tumayo na muna ako at umalis sa kwarto.
Nararamdaman kong wala itong matinong kailangan o di kaya naman ay tungkol nanaman sa pamilya namin ang dahilan ng pagtawag niya.
"Yes, brother?" sagot ko
[Hey! How are you?]
"Tumawag ka lang ba para kamustahin ako? Busy ako Ythan wag kang tawag ng tawag." Inis na sabi ko dahil palaging siyang ganito. Bigla bigla nalang tatawag nang wala naman talagang magandang dahilan.
[You're so mean!]
"Why did you call?"
[There'll be a business party this coming Saturday, and I want you to come.]
"Business parties are not my style. Do not expect me to be there." Hindi ko talaga hilig ang pagpunta sa mga events na business ang usapan. Puro kayamanan lang naman kasi ang palaging topic doon. Sarili lang naman nila ang mga iniisip nila. Gumagawa sila ng mga proyekto na sarili lang nila ang makakakuha ng mga benepisyo para makakuha ng limpak-limpak na mga salapi, hindi iniisip ang pwedeng maging masamang maidulot nito sa mga pamilyang hindi gaya nila ang estado ng buhay.
[Your friends will be there.]
"So what?"
[I want you to be there. Bye.]
Napabuntong hininga ulit ako. Matagal kong tinitigan ang screen ng phone ko. Ayokong pumunta pero si Ythan 'yun. He'll be disappointed if hindi ako magpunta and I don't want that to happen, siya lang kasi ang meron ako, pero natatakot ako. Natatakot akong makita sina Mom and Dad doon. Everytime kasi na nakikita nila ako palagi kong naririnig ang mga ayaw kong marinig, that they're both not satisfied sa mga ginagawa ko, they're both disappointed sakin, they're both not proud of me.
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
General FictionNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...