Chapter 3

1.3K 41 5
                                    

CHAPTER 3



"NIKKIE, baby..."

Ramdam ko ang pagdampi ng mainit na hininga ni Mon sa aking batok nang banggitin nya ang pangalan ko habang nakayakap sa aking likuran. Nicholo ang totoong pangalan ko, pero Nikkie ang gusto niyang itawag sa akin.

"Mon," ani ko "kailangan ko na'ng umuwi. Hahanapin na ko ni mommy..." Lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Mon.

Nakilala ko si Mon sa isang bar sa Fort Bonifacio. Madali siyang mapansin dahil matangkad siya, at maputi, at singkit. Filipino-Chinese siya, kaya ang totoong pangalan niya ay Mon Long-wei. Sabi niya ang ibig sabihin ng pangalan niya ay "Great Dragon"; at bagamat totoo namang iyon talaga ang meaning noon, iba ang tinutukoy niyang great dragon --- siyempre, alam niyo na iyon.

Dahil nasa Pilipinas si Mon, gumagamit siya ng western first name na Jeremy. Kaya sa mga kaibigan niya, mas sanay siyang tawagin sa pangalan na iyon. Pero siyempre, hindi ako gagaya. Mon ang tawag ko sa kanya. Gantihan lang kasi yan. Kung ayaw niya akong tawagin sa totoo kong first name, hindi ko naman siya tatawagin sa first name niya. Ending, para sa kanya ako si Nikkie, at para sa akin, siya si Mon.

Kinalas ko si Mon sa pagkakayakap sa akin at dumirecho na'ko sa shower room. Maya-maya pa ay lumabas na ako na nakatapis ng tuwalya. Mabilis akong nagbihis at humalik kay Mon para magpaalam.

"Happy third monthsary, Nikkie!" Ani Mon sabay ganti rin ng halik.

"Happy third monthsary..." Sagot ko.

"Ihahatid kita sa inyo, ok?"

"OK..."

~~~

"Guys, hurry up!"

Si daddy yon. Minamadali kami dahil mali-late na kami sa church. Aktibo ang family ko sa gawain. Simula pa noong bata ako ay ito na ang kinamulatan kong way of life namin --- may family prayer time gabi-gabi, tapos sama-samang aattend ng church every Sunday.

Dahil nga sa ganito ang sistema sa bahay, bawal si ate Sandra na magsama ng lalake sa kwarto niya. Kaya nga noong bata pa ako, laging hanggang living room lang si kuya Kiyo pag dumadalaw siya sa amin. Ang akala naman nila mommy at daddy is porque hindi nagkukulong sa kwarto si ate Sandra at kuya Kiyo ay hindi na sila makakagawa ng himala. One time kaya nahuli ko sila: nakahiga sa sofa si ate Sandra at nakasubsob si kuya Kiyo sa pepe niya. Inutusan kasi  nila ako noon na pumunta muna sa convenient store, yun pala sisimple na sila. Siyempre ako nanuod na lang sa bintana. Saka lang ako pumasok ng bahay noong tapos na sila.

Sayang nga eh, kasi iyon lang yung time na nahuli ko sila tapos hindi ko pa nakita yung etits ni kuya Kiyo. Bata pa ako crush ko na iyon eh. Minsan nga naiisip ko na sana ako na lang si ate Sandra. Anyway, maliit pa lang ako ay alam ko na ang sikreto nila ate Sandra at kuya Kiyo. Pero sila, hindi nila alam ang sikreto ko: bakla ako. Bata pa lang ako, alam ko na'ng bakla ako. Pero ni minsan hindi ko ipinaramdam sa pamilya ko ang tungkol dito dahil alam kong hindi sila matutuwa.

Pagdating namin sa church ay sinalubong kaagad ako ng matatalik kong mga kaibigan na sina Matthew at Jessie. Si Matthew ay kaibigan ko na bata pa lang. Guwapo rin siya, and I have to admit na crush ko siya. Kaya lang, hindi ko nga pwedeng ipakita sa kanila kung ano talaga ako. Kaya ayon, nung sabihin ni Matthew na crush niya si Jessie, sinabi ko sa kaniya na crush ko rin si Jessie. Nagkasundo kami na dahil pareho kaming may gusto kay Jessie, hindi kami magkakasamaan ng loob kung sino man sa amin ang mapili niya.

Nakakulong sa kahon ang buhay ko noong mga time na iyon, to the point na bored na bored na ako. Kaya naman nang dumating si Mon sa buhay ko three months ago ay hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Samakatuwid ay naging magkasintahan nga kami, pero sikretong magkasintahan. Wala kasing dapat makaalam ng ginagawa ko. Mabuti na nga lang at nauunawaan ni Mon ang sitwasyon ko kaya hindi rin siya makulit. Ayos na rin sa kaniya iyong ganoong set-up.

Smooth ang relationship namin. Kahit na palihim kaming nagkikita, alam namin na mahal namin ang isa't-isa. Pero minsa, hinihiling ni Mon na sana raw ay mag-come out na rin ako para maging malaya na kami sa aming pagmamahalan. Hindi ko magagawa iyon, kaya ang sabi ko kay Mon ay makuntento na lang muna siya sa setup namin.

Kaya lang alam naman natin na walang lihim ang hindi nabubunyag. Isang araw ay naiwan ko ang cellphone ko sa mesa at biglang tumawag si Mon. Sa kamalas-malasan ko naman ay si mommy ang nakasagot at hindi niya kinaya ang mga narinig niya:

"Hello, Nikkie baby!" Ani Mon nang i-accept ni mommy ang call. Hindi na tuloy niya nagawang makasagot sa pagkabigla. Isipin mo naman kasi, lalake ang nasa kabilang linya pero tinatawag nyang Nikkie baby ang may-ari ng cellphone. At hindi pa nakuntento si Mon ay dinagdagan pa niya ang sinabi niya: "I miss you so much! Daan ka naman sa condo ko after school, I'm dying to kiss you na kasi!"

Iyon lang at nabitiwan na ni mommy ang telepono at nagsimula na siyang atakihin. Kinailangan namin siyang isugod sa ospital immediately. Kaya lang mukhang medyo nahuli pa rin kami. Mommy fell into a coma, and feeling ko ay kasalanan ko ang lahat. By this time, alam na nila daddy at ate Sandra ang lihim ko. As expected, giyera-patani talaga kami.

Because of this incident, nag-decide ako na magpapakatino na basta maka-survive lang si mommy at magkamalay na. Ang mali ko lang, hindi ko naisip na sasagutin agad ang prayer ko ng ganun kabilis. After just one day, nagising na si mommy. So God has done His part, now I have to do mine.

Tinawagan ko si Mon to settle things between us. Hindi siya pumayag na mag break kami over the phone so he decided to see me. Bumalik kami sa bar kung saan kami unang nagkakilala at doon ko ipinaliwanag sa kaniya ang lahat ng dahilan ko kung bakit kailangan ko nang itigil ang ginagawa namin.

"But you're so unfair!" Sumbat sa akin ni Mon. "So decided ka na, pero paano naman ako? Wala akong choice kung hindi pumayag lang sa gusto mo? Ganon ba iyon, ha?"

"Mon," ani ko. "we're better off as friends na lang. Kahit kasi anong gawin natin, hindi natin pwedeng ipilit ang love story natin. We have to face it --- we're star-crossed lovers."

"Bullshit!" Bulyaw ni Mon. "Star-crossed lovers won't mean that we can't be lovers anymore. It's just an expression, we don't have to live it!"

"I'm sorry, Mon. Let's be friends, ok?"

Ipinrisinta ko ang kamay ko upang kamayan si Mon pero hindi niya iyon kinuha. Masakit sa akin ang ginagawa ko, pero as much as I love Mon, I love my family more. I can't be selfish. That day, pakiramdam ko ay namatayan ako. There's this feeling na biglang nagkaroon ng malaking puwang sa pagkatao ko; na all of a sudden, I became incomplete. Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal. Tumalikod ako kay Mon at doon lang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigil.

One week after ng insidenteng iyon, naghahakot na kami ng gamit dahil lilipat na kami. Si Mon kasi, punta ng punta sa bahay namin para makipagbalikan ako sa kaniya. Galit na galit ang daddy ko dahil baka lumala ang kondisyon ni mommy sa ginagawa niya. So instead of telling him to stop from visiting me, dad decided na it's better kung lilipat na lang kami.

Umupa kami ng bahay sa subdivision na malapit sa church namin. Ang gusto ni daddy ay hindi na kami mahanap ni Mon, and at the same time ay tumutok ako sa church. That way, malalayo ang atensyon ko sa pagibig namin ni Mon, at mababaling ito sa gawain.

Effective naman ang ginawa ni daddy. Dahil nga hindi na alam ni Mon kung saan ako hahanapin ay hindi na niya kami ginulo. Nagsimula na rin akong itama ang buhay ko. Para makabawi ay lalo pa akong nagpursige sa mga trabaho sa church.

Isang araw ay may dumating kaming bisita: dito rin sila nakatira sa subdivision na nilipatan namin. Siya si tita Hazel at may kasama siyang binatilyo na may katangkaran din at singkit. Bigla ko tuloy naalala si Mon. Pero ang binatilyong ito ay ang kinakapatid kong si YuKi. Medyo suplado siya, palibhasa'y nagbibinata na. Pero noong mga bata pa kami, ok naman siya.

Ang pagdalaw na iyon sa amin ni tita Hazel ang naging dahilan kung bakit umaattend na rin siya ng gawain. Once in a while, sumasama si tito Gavin at Will, pero ni minsan ay hindi ko nakita si YuKi na sumama. At tuwing hinahanap namin si YuKi kay tita Hazel, isa lang ang palagi niyang isasagot: "Ewan ko ba sa batang iyon! Napakatigas ng ulo!"

Pero nagulat ako, one day, nang makita kong bumaba si YuKi sa bus na sinasakyan ng mga campers namin sa Baguio. Himala, napapayag ni tita Hazel na mag-join si YuKi sa Youth Camp namin. Ang batang pasaway ay sumama! Dali-dali ko siyang sinalubong upang batiin. Tapos noon ay sinamahan ko na siya sa cabin namin para makapagpahinga. Hindi ko makakalimutan ang expression ng mukha niya noong gabing matuklasan niya kung ano ang naging dati ko'ng buhay.

"Relax," ani ko kay YuKi na hindi pa rin makasagot sa pagkabigla dahil inamin ko sa kaniya na dati akong bakla. "walang mangyayari sa'yo. Just have fun, OK?"

So it happened nga na after some time, YuKi and I also became friends. Recently ko lang nalaman na homophobic pala siya. Ayaw niyang aminin pero sa tingin ko talaga, yung mild heart attack niya ay dahil nagpanic siya noong magkulong kami sa isang kwarto sa church.

Well, I've decided to make things right this time. So kay YuKi, I'm confident na wala nang mangyayaring hindi dapat mangyari. Kahit pa pinalabas niya kay Mon na siya ang bago kong boyfriend, I will see to it na matitigil na rin ang palabas na iyon sa lalong madaling panahon.

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon