Chapter 10

1.2K 43 14
                                    

CHAPTER 10


SA SANDALING PANAHON na naging magkaibigan kami ni Kuya Nicholo ay napakarami na ang nangyari, at malaking porsiyento ng mga pangyayaring iyon ay natuon sa pagtuklas ko sa maraming bagay na bago sa akin.

Once in a while, nag-iisip din ako kung ano ba itong ginagawa ko. Minsan nasasabi ko rin na may mali sa buhay ko. Kasi naman, nagpupunta ako sa church dahil sa maling dahilan -- dati, para kay Ate Jessie pero ngayon ay para na kay Kuya Nicholo. Ang malupit pa doon, sa halip na ako ang mayaya na maging mabait ay hinatak ko ang isang nanahimik na puso para guluhin.

Wala din ba akong ipinag-iba kay Mon? Tulad niya, ginugulo ko rin ba ang puso't isipan ni Kuya Nicholo? Kung hindi ako dumating sa buhay ni Kuya Nicholo, siguro ay normal pa rin ang takbo ng buhay niya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? Pwede ko ba'ng sisihin si mommy dahil lagi niya akong sinasabihan na sumama sa church? O sa Youth Camp kung saan una kong nakilala ang tunay na Kuya Nicholo?

Pwede ko rin ba'ng sisihin si Kuya Nicholo sa lahat ng kabaitang ipinakita niya sa akin? Kasalanan niya ba kung na-appreciate ko ang mga pag-aasikaso niya sa akin? Nitong mga huli, naging mas open ako sa kaniya, kaysa kina mommy at daddy. Pwede ko ba sabihin na kung hindi sana siya naging good listener ay hindi sana ako hahanga sa kaniya?

Sa totoo lang, wala naman akong pwedeng sisihin sa lahat ng ito kung hindi ang sarili ko. Wala namang ibang intensiyon si Kuya Nicholo sa lahat ng kabutihan niya sa akin; at lalong hindi ako pinapapunta ni mommy sa church para magkagusto sa kaniya. Ako ang nakadama ng lahat ng ito.

Ako ang dahilan kung bakit pinili ni Kuya Nicholo na talikuran ang mga paniniwala niya. Ako ang dahilan kung bakit bumalik si Kuya Nicholo sa dating buhay na tinalikuran na niya. Higit sa lahat, ako ang dahilan kung bakit kasama ko siya ngayon dito sa Tagaytay kahit na araw ng Linggo, na dapat ay nasa church kami.

Nakatanaw siya sa Bulkang Taal na makikita mula sa kaniyang kinatatayuan. Lumapit ako dala ang hot cups of coffee at iniabot ang isa sa kaniya. Sinapo ng dalawa niyang kamay ang baso para kahit papaano ay malabanan ang lamig ng hangin sa lugar na ito. Para huwag siyang ginawin ay inakbayan ko siya.

"Kuya Nicholo," panimula ko. "salamat ha..."

"Salamat saan?" Napatingin siya sa akin.

"Dahil pumayag ka na mamasyal tayo ngayon kahit na kagabi lang kita niyaya."

Bahagyang kumunot ang kilay ni Kuya Nicholo. "Hmp. Akala ko naman kung bakit..."

"Ikaw naman." Hinigpitan ko ang pagkaka-akbay ko sa kaniya para mas mapalapit siya sa akin. "Siyempre, salamat dahil sa wakas ay sinagot mo na ako."

Saglit na hindi sumagot si Kuya Nicholo at seryoso na naman ang mukha niya. "I fought hard, YuKi. I fought hard not to make the same mistake again..."

"Is it really a mistake to be in love?" Inalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Kuya Nicholo. "Iyan din ang sinabi mo kay Mon. Sabi mo, it was a mistake. Tapos ngayon, this love between us, you're calling it a mistake again..."

"I'm sorry, YuKi. I didn't mean it to sound like that. Ang sinasabi ko, I'm committing this mistake of disobeying my parents again."

"Nasa tamang edad ka na, Kuya Nicholo. Pwede ka nang pumili ng buhay na gusto mo."

"Bata ka pa nga talaga, YuKi. Hindi mo ba naisip na pwede akong kasuhan ng child abuse dahil below 18 ka pa lang? Gusto mo ba talagang piliin ko ang ganitong buhay?"

Ako naman ang biglang natahimik. Hindi ko naman kasi talaga naisip iyon. Ayoko na may masamang mangyari kay Kuya Nicholo.

"Uhm... then let's keep this a secret..."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon