Chapter 19

625 34 5
                                    

CHAPTER 19


"HOMOPHOBES are statistically more likely to be gay."

What?! Come on, Yuuto, hindi nakakatuwa 'tong isang quote na nakadikit sa memoir mo. Are you saying that I, YuKi the cutie, am gay, simply because I am homophobic? I'm sure nailagay mo lang to sa memoir mo after ninong Kiyo rejected your offer of love!

Ninong Kiyo, don't worry: I totally understand why you ran away from Yuuto. Damn, kahit naman ako tatakbo pag first time may baklang nag confess sakin ng nararamdaman niya.

I remember my first close and one-on-one encounter with kuya Nicholo. Sobrang nag-panic ako noon that I fainted and was brought to the hospital. Siguro kung hindi nakatakbo si ninong, malamang ay hinimatay na rin siya, hoho!

So, moving on, let's see: Chapter 9. "MOMMY?" Halata ang gulat sa aking boses. "Hindi ba't may tatlong araw ka pa sa Japan? Hindi tuloy kita nasundo."

Hmn. This is my original other lola. Ang mommy ni Yuuto na bigla na lang dumating from Japan. Ang galing nyang tumayming ha. Dumating talaga siya when Yuuto was so devastated.

But this really happens: may mga tao na darating sa buhay natin during our darkest times. Ito yung mga tao na ramdam kapag hindi maayos ang kalalagayan mo. Hindi nila maipaliwanag sa simula kung bakit sila dumating para samahan ka, and everything will just make sense sa oras na malaman nila na you need help pala.

Sayang lang at hindi ganito ang nangyari sa akin. I was abandoned by that one person na inaasahan kong daramay sa akin sa mga oras na tulad nito. Kuya Nicholo got himself engaged with Jessie. Puta, ang gulo! Akala ko ba'y ako ang naghahabol kay Jessie? Pero bakit, all of a sudden, engaged na ang kyutipay ko sa kaniya? TT_TT

Sabagay, hindi naman si kyutipay ang unang nang-iwan sa akin. Nauna na si Yuuto. Pero ano ba namang pakialam ko sa tao'ng hindi ko naman nakita? Hanggang ngayon, si Yuuto ay isa lamang mapait na bahagi ng buhay ko.

"Cuz?"

Boses iyon ni Correy. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin para puntahan ako dito.

"Hey cuz!" Sagot ko habang patuloy na binabasa ang memoir ni Yuuto.

"Lingunin mo naman ako, YuKi."

"Ano na namang pauso ya..."

Natigilan ako. Si Correy at si Kuya Nicholo ay magkasama. Paano nalaman ng kyutipay ko kung saan ako hahanapin?

"Iwan ko muna kayo." Ani Correy.

"YuKi..." Maluha-luha si Kuya Nicholo nang banggitin niya ang pangalan ko. "Come back home..."

"For what, Kuya Nicholo?" Sagot ko. "Wala naman akong kailangang balikan."

"Your mom and dad are so worried about you."

"Wow! That's new. Of course they're worried! You'd think hindi ko aware?"

"Right... I'm sorry, YuKi. Umuwi na tayo. Nag-aalala na ko sa'yo..."

"Don't be. I'm fine here."

"YuKi, please?"

"I said I'm fine here. Hindi ko kayo kailangan. Umuwi ka na, Kuya Nicholo!"

Dinukot ni Kuya Nicholo ang kwintas na nakatago sa t-shirt nya at ipinakita sa akin ang bigay kong singsing na nakasabit dito.

"Wala na ba'ng halaga sa'yo to, YuKi?"

"Ikaw ang sumira sa sumpaan natin. Bakit ako ang tinatanong mo kung wala nang halaga sa akin yan?"

"Dahil mahalaga pa rin sa akin ang sumpaan natin, YuKi. Mahal kita. Lagi-lagi, mahal kita."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon