Prologue

2.3K 52 12
                                    

PROLOGUE

TINANAW KO mula sa bintanang salamin ng sinasakyang bus ang mga bahay sa ibaba ng bundok, at sa di kalayuan naman ay ang ilan pang mga bundok, at marami pang mga kabahayan. Kasalukuyang binabaybay ng aming sasakyan ang matarik na kalsada ng Marcos Highway, at ilang sandali na lang ay nasa Baguio City na kami.

Damn it! I can't believe I'm spending the first week of summer sa isang kulungan! Si mommy kasi, biglang nakaisip ng very bright idea na ipadala ako sa isang summer youth camp dito sa Baguio. Ano'ng gagawin ko dito? Ambabait ng mga tao dito -- hindi ako bagay sa ganitong lugar!

"YuKi," sambit ng isang babae sa kabilang upuan at nilingon ko naman ito. "smile!"

 [shutter]

Shit! Na picture-an na naman ako. Buwiset! Ilang beses ba nila akong gustong kuhaan ng litrato? Kung hindi lang kayo mga anak ng friends ni mommy, kanina pa durog iyang mga camera ninyo. Haist! I'm stuck in this bunch of weird people, and there's nothing that I can do. Hindi ako makatakas.

Ilang saglit pa ay natapos na rin ang humigit-kumulang na walong oras kong kalbaryo sa bus na ito, dahil sa wakas ay narating na rin namin ang camp site. Isa-isa na kaming bumaba sa bus at nagtungo sa bukana ng site.

"Isa itong lumang rows of cabin at may isang main auditorium kung saan gaganapin ang karamihan ng magiging activities natin for the next 5 days!" Ang paliwanag ng isa sa mga camp organisers. "Hindi ba't exciting?"

Exciting my ass! Sino'ng matinong lalake ang gugustuhing makulong sa ganitong klaseng lugar? Dapat ay kasama ko na ang barkada ko ngayon. Sana ay nagba-basketball na kami madaling araw pa lang, o di kaya'y nakalublob na sa malamig na tubig ng pool o beach. Pero hindi! Nandito ako sa isang youth camp para samahan 'tong mga weirdos na to na magtatalon at magtaas ng kamay habang kumakanta ng praise the lord ang banda nila.

 [cellphone vibrates]

"Putang-ina, pre!" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag sa akin. "Naka-alala rin kayo."

"Haha. Are you having a blast, man?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Fuck you, pre! I'm going to blast this place!"

"Relax, pare. Youth Camp lang iyan. Hindi ka mamamatay diyan."

"But I am!" Napansin ko'ng may papalapit sa akin. "I'll talk to you, later, man."

Mabilis kong itinago ang cellphone ko at hinarap ang papalapit sa akin.

"YuKi, mabuti naman at nakasama ka."

Hindi ako sumagot. Ang lalakeng nasa harapan ko ngayon ay si Kuya Nicholo. Nakakababatang kapatid siya ni ninang Sandra, pero mas matanda siya sa akin. Active siya sa religious group na nag-organise ng youth camp na ito. Ang totoo, active ang buong pamilya nila sa church.

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon