Chapter 12

981 40 7
                                    

CHAPTER 12




NAGISING AKO dahil sa bigat ng braso na nakapatong sa aking dibdib. Maingat ko itong inalis at dahan-dahan akong bumangon sa kama.


"YuKi," malalim pa ang tinig ng nagsalita dahil sa magkahalong antok at hang-over, "uuwi ka na, pre?"


"Oo, Macoy." Tumayo ako at hinanap ang aking sapatos. Binalingan ko si Macoy na nakahiga pa rin sa kama at naka-brief lang. "Salamat, pre!"


"No problem, brother!" Nakangiting sagot ni Macoy, may halong pang-aasar iyon dahil ginagamit ko ang "brother" para sa mga ka-church namin. "Nandito lang kami lagi ni JJ kapag kailangan mo kami." Sinipat niya si JJ sa tabi niya, hubot-hubad at tulog na tulog pa rin.


"Alis na ko, pre!" Pagpapaalam ko at lumabas na nga ako ng silid ng magkapatid.


xxxxxxxxx



THE SOURCE of all sufferrings is desire. Nabasa ko sa libro yun about Buddhism. Sabi ni Buddha, kaya marami ang naghihirap ay dahil sa mga paghahangad nila.



Parang gusto ko nang maniwala doon. Kung bakit naman kasi kung kailan ako nag promise na magiging matapat kay kuya Nicholo ay saka naman nagpaparamdam ulit si Jessie. Kaya right now, I'm sufferring emotionally.



Pero sa totoo lang, walang ginawang masama si Jessie. Kinakausap nya lang ako recently dahil may hinahanda kami'ng sorpresa. Dahil doon ay naging madalas ang pagkikita namin. At the more na nakakasama ko siya, the more din naman na nahuhulog ulit ako sa kaniya.



One time habang magkasama kami, mga days before the youth concert, kinamusta ko ang lovelife nya. Nagulat ako dahil ini expect ko na may mababanggit siya tungkol sa kanila ni kuya Matthew pero wala.



Sabi niya magkaibigan lang talaga sila. Kung si Kuya Nicholo nga lang daw sana ang nagpatuloy manligaw ay baka sinagot nya pa. Lihim akong napangiti. Bahagya dahil nalaman ko na may kaunting pagtingin sya sa kyutipay ko, pangalawa ay dahil available pa rin siya hanggang ngayon.



Muli ay in-open up ko ang idea na gusto ko siya. Ayaw nya na ngang maniwala kasi all of a sudden daw ay hindi na ako nagpakita ng interes sa kaniya. Baka daw ginu-good time ko lang siya dahil madalas kaming magkasama.



Pero noong nasa kotse kami, after ng youth concert, tinanong nya sa text kung bakit daw siya ang gusto ko samantalang mas matanda siya sa akin. Sagot ko kasi kailangan ko siya. Para sakin normal na sagot na ng mga lalaki yun pag nanliligaw sila kaya alam kong hindi magugustuhan ni Jessie ang sagot na iyon.



"OK." Sagot ni Jessie sa text. "Sama ka bahay mamaya."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon