Epilogue

911 31 30
                                    

EPILOGUE


MARAMI na kaming moments together ng Kyutipay ko pero sa lahat ng iyon ay may isang pinakamalapit sa puso ko.

Ako si YuKi, eighteen years old. Lalake na nagmamahal sa aking kapwa lalake.

Excited akong lumabas ng arrival area ng London airport at sa wakas ay nakita ko na ulit ang aking Kyutipay. Nakatayo siya sa di kalayuan, nakasuot ng simpleng shirt na may nakadoble na sweater. Spring na ngayon dito sa London, early April, medyo malamig pa rin pero tolerable na.

Isang mahigpit na yakap at mainit na halik ang pasalubong ko sa aking Kyutipay. Habang tinutulungan niya ako sa aking mga bagahe ay tumingin-tingin ako sa paligid.

"May hinahanap ka, mahal ko?"

"Sabi niya sasalubungin niya rin ako eh..."

"Sinong siya?" Gulat na tanong ni kuya Nicholo, parang nagsiselos pa.

Nginitian ko siya, "Gusto kong sabay natin siyang makita in person."

"Ah siya?"

"Haha, yeah. Siya." Sagot ko. Sa wakas nakuha din ni Kyutipay kung sino ang tinutukoy ko.

"No, I mean, siya." Sabay tulis ng nguso at itinuro ang nakatayo sa likuran ko.


♪♪Preventing all the feelings inside me to gather and fade away

I will delete my past, and make room for the new words I say

There's no way I can tell the notes I sing to take off and say goodbye

The songs within my heart, I'll let them break free, and launch them up into the bright sky♪♪


Parang ayaw ko pang maniwala. Baka kasi joke lang iyon eh. Pero nang may sumutsot sa likod ko ay mabilis akong pumihit at nakatayo nga roon ang taong sabik na sabik ko na ring makita.


♪♪The voice I hear so clear and bright and pure, it makes me remember you

I felt it flowing through, my fingers, hair and fade in the blue

It made my body move and dance and jump to follow the rhythms way

The beats within my heart, I'll let them break free, and launch them up into the bright sky♪♪


"Yuuto!" Sambit ko at hindi ko na napigilan ang maluha. Nakatayo lang ako sa puwesto ko. Gusto ko siyang yakapin pero tila napako ako ng tagpong iyon at ang gusto ko lang gawin ay pagmasdan ang kaniyang maamong mukha.

"Magkamukha talaga tayo..." Sagot niya.

"Parang hindi tumatanda ang mukha mo..." Ani ko.

"Huwag mo akong patandain, anak. Thirty-five pa lang ako, haha."

"Pero mas guwapo ako sa'yo, Yuuto, hahaha!"

"I rest my case, haha!" Sagot niya na nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Pagkatapos ay ibinuka pa niya ang kaniyang mga braso bilang paanyaya ng isang yakap.

"Welcome hug?"


♪♪There are so many things I want to tell you

There are so many things I can't share with you

I hope that all my thoughts will link and make a line

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon