Chapter 17

648 34 9
                                    

CHAPTER 17


KUNG MAY ISANG tao na pwede ko'ng lapitan para ikuwento sa akin ang katotohanan tungkol sa pag-iwan sa akin ng ama ko'ng si Yuuto, iyon ay walang iba kung hindi si Ninong Kiyoteru. Nasabi kasi ni mommy na si Yuuto at Ninong Kiyoteru ay mag-bestfriend.

"YuKi," tinawag ako ni Correy na kasalukuyang nagmamaneho ng bago niyang kotse, nakaupo ako sa tabi niya. "are you sure OK ka na para magbiya-biyahe?"

"Oo naman," sagot ko. "Bat mo naman natanong iyan?"

"Ilang oras pa lang kasi ang tulog mo simula nang dumating ka sa condo ko kanina, tapos ngayon bibiyahe na naman tayo."

"Pasensiya na, pinsan. Hindi ko kasi mahanap sa internet yung tao'ng gusto kong makausap kaya kailangan kong sadyain ang bahay nila."

"O siya, kung yan ang magpapatahimik sa kaluluwa mo, haha. Sige na, matulog ka lang diyan. Gisingin na lang kita pag nasa Baguio na tayo."

Sinunod ko ang utos ni Correy at ipinikit ko ang aking mga mata. Sa tingin ko ay kailangan ko rin ng lakas kapag nagharap kami ng ninong ko. Marami kasi akong gustong itanong sa kaniya.

Nalaman ko kay mommy pag-uwi galing sa Youth Camp noon na sa Baguio na nakatira si Ninong Kiyoteru. Sabi ni mommy, sa Blue Ridge Mountains siya nakatira. Pero hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataong makabalik sa Baguio. Ngayon na lang ulit ako babalik dito dahil may importante akong misyon. Isinasama ko na rin si Correy kasi hindi ko naman alam dun. At least pag may sasakyan hindi na masiyadong mahirap maghanap.

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras pero naramdaman ko nang bigla kaming huminto. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay nakita ko si Ninong Kiyoteru na nakatayo sa di-kalayuan. Bagamat nakatalikod siya sa akin ay alam kong siya iyon. May kinakausap siya pero mabilis pa rin akong bumaba ng sasakyan at naglakad palapit sa kaniya.

"Ninong!" Tinawag ko siya ng malakas, "Ninong Kiyoteru!"

Ni hindi man lang ako nilingon ni ninong kaya hindi ko man lang nakita ang mukha niya, bagkus ay patuloy lang siyang nakipag-usap sa kaharap niya. Gayun pa man ay ngumiti ako at pagkatapos ay naglakad pa ng mas mabilis para makalapit agad sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala," narinig kong sinabi ni ninong nang sa wakas ay makatayo ako sa likuran nya. "babantayan ko si YuKi para sa'yo, Yuuto..."

"...Yuuto..."

"...Yuuto..."

Bigla akong nagmulat ng aking mga mata. Shit! Panaginip lang pala! Sa kakaisip ko tuloy ay napapanaginipan ko na si ninong, at ang malupit pa noon ay nasama pa sa panaginip ko pati si Yuuto.

"Malapit na tayo sa Baguio." Sambit ni Correy. "Medyo ma-traffic lang sa daan na 'to."

Hindi na ako natulog ulit hanggang sa makarating kami sa Benguet kung saan makikita ang Blue Ridge Mountains, ang subdivision na tinitirhan ni Ninong Kiyoteru.

Hindi ko alam exactly kung saan ang bahay ni ninong pero pwede naman magtanong sa guard ng village. Kaya namam nang marating na namin sa wakas ang subdivision ay inutusan ko si Correy na huminto sa isang tabi upang makababa muna ako saglit.

"Bossing!" Ani ko nang makalapit ako sa guard na nakabantay sa entrada ng village. "Hinahanap ko po yung bahay ni Mr. Kiyoteru Kaneshiro."

"Bakit po, sir? Ano po'ng sadya nila?" Tanong ng guard.

"Personal po. Saan po ba sila nakatira?"

"Brad," sinipat ng guard ang kasama niya na nasa loob ng guardhouse, "Kaneshiro daw."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon