Chapter 13

822 38 10
                                    

CHAPTER 13





ONE MONTH matapos ang Youth Concert ay one month na ring kahinahinala ang kilos nina YuKi at Jessie. Simula noong gabing inihatid ni YuKi si Jessie sa kanila ay naging madalas ang pagkikita nila. Samantalang si YuKi ay parang nawawalan na ng panahon sa akin.



Napakabilis ng araw. Hindi ko agad namalayan na may isang buwan na kami ni YuKi na walang quality time together. Namimiss ko na ang mga pagtambay namin sa park, ang mga pagdalaw nya sa bahay at ang mga texts nya tuwing umaga pagkagising, at sa gabi bago siya matulog.



Minsan natutukso na akong magtanong kay YuKi kung ano na ba ang status namin. Kaya lang natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya. Mahal ko si YuKi at ayaw kong mawala sya sa akin. May mga gabing hindi ako nakakatulog kakaisip lang kung anong mangyayari sa amin sa hinaharap. Iyon bang ini-imagine ko na nasa tamang edad na nga siya, tapos gaya ng pangako niya ay magpo-propose siya sakin, tapos magsasama kami sa iisang bubong na parang mag-asawa.



Iniisip ko kung paano ko siya aasikasuhin, kung paano ibibigay ang lahat ng kailangan niya sa abot ng aking makakaya. Iniisip ko kung paano ko siya sasalubungin pag uwi nya na nakahanda na ang mainit na hapunan. Iniisip ko ang lahat ng posibleng gawin ng mag-asawa.



"Nicholo, hey!"



Naparam ang pagmumunimuni ko dahil sa tinig ng tumawag sa akin.



"Ivan," ani ko habang kinukuha ang iniaabot niyang fries "hindi mo naman ako kailangang samahan. Ayos lang ako dito. Isa pa baka may lakad ka."



"Nope, I'm fine. Mas gusto kong makasama ka kesa gumala mag-isa. Buti nga at nakita kita dito sa mall!"



"Ikaw naman..."



"What?" Natatawang tanong ni Ivan, "Masama ba na samahan kita?"



"Hindi, siyempre."



"Yun naman pala eh. So, saan tayo after kumain?"



"Gusto kong bumili ng sapatos."



"Sasamahan kita."




xxxxxxxxxx

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon