Chapter 11

1.2K 40 2
                                    

CHAPTER 11

December 16, about fifteen years ago,

TAGU-TAGUAN maliwanag ang buwan,

masarap maglaro sa dilim-diliman...

"Nicholo!"

Tinig iyon ni ate Sandra. Kaya naman kahit na ayaw ko pang magpakita sa mga kalaro ko ay kailangan ko nang lumabas sa pinagtataguan ko.

"Nicholo, uuwi na tayo." Pagpapatuloy ni ate Sandra nang lumabas ako mula sa mga lumang gulong na nasa talyer na pag-aari nina tita Hazel. "My god ang dungis mo! Say goodbye na to YuKi, pero wag ka na masiyadong lumapit. Nakakahiya."

Nilapitan ko noon din ang baby na karga-karga ni tita Hazel na siya ring nagdiriwang ng kaniyang ikalawang kaarawan -- si YuKi McConnel, para batiin siya minsan pa at magpa-alam.

"Babye, baby," malambing kong sambit. "uuwi na si kuya Nicholo. Happy birthday ulit. Sana magkasiya sa'yo yung gift ko! I love you, baby!"

Hinalikan ko sa noo si baby YuKi at dali-dali na akong tumakbo papunta kay ate Sandra na naghihintay na sa kotse.

"Ano ka ba naman, Nicholo?" Sambit ni ate Sandra pagsakay ko sa kotse. "Nag-kiss ka pa talaga kay YuKi eh ang dungis-dungis mo!"

"Hindi naman nagalit si tita Hazel..."

"...Kahit na."

"Bakit nga pala wala si kuya Kiyo?" Tanong ko. "Di ba dati sinabi nya na hindi siya mawawala si birthday ni YuKi dahil magka-birthday sila?"

"Oh, well," sagot ni ate Sandra na nagbuntung-hininga pa. "mas gusto niya mag birthday sa Japan."

"Eh bat di ka niya sinama?"

"Keep quiet, Nicholo. I need to concentrate sa pagda-drive ko!"

"Di ba love ka ni kuya Kiyo? Dapat di ka niya iniwan. Ako, love kita ate. Love ko si mommy, love ko si daddy. Hindi ko kayo iiwan."

"Talaga, Nicholo?" Nakangiti na si ate Sandra nang muli siyang magsalita. "Sino pa love mo?"

"Hmmmnnn..." may ilang saglit pa akong nag-isip. "si YuKi!"

"Haha," ngayon nga ay natawa na si ate Sandra. "puwes, wag mo siyang iiwan."

Nagpatuloy sa pagmamaneho si ate Sandra hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nang makababa ako ay dali-dali na akong dumerecho sa loob para mag-kiss kina mommy at daddy. Kasunod ko naman si ate Sandra na tuluy-tuloy lang hanggang sa makarating na siya sa kwarto niya. Ako naman ay dumerecho din sa kwarto ko para magbihis nang bigla kong maalala na kunin kay ate Sandra yung picture namin ni YuKi na kuha sa photobooth sa party niya.

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon