Chapter 18

572 33 6
                                    

CHAPTER 18


MINSAN ay tinanong ko si YuKi kung ano ang paborito niyang ayos sa tuwing nilalaro niya ang kaniyang pagkalalake. Ang sagot niya, nakahiga sa kama niya at nakababa lang ang boxers hanggang tuhod. May nakahanda na rin siyang tissue sa tabi niya para pamunas pag tapos na siyang magpaputok. Nung tanungin ko naman siya kung anong iniisip niya sa tuwing ginagawa niya iyon, ang sagot niya ay iniisip niya yung mga ginagawa namin.

Simula nang may unang nangyari sa amin, pareho na naming hinanap ang bawat isa. Ako ang unang karanasan ni YuKi sa sex at sinisi ko ang sarili ko dahil ako ang dumungis sa kaniya. Kaya naman pinilit ko siyang layuan kahit na gustong-gusto ko na lagi siyang kasama. Pero kahit na anong pagpupumilit ko na lumayo ay hindi ko rin siya natiis. In the end, YuKi and I became lovers.

Malambing si YuKi at mapagmahal. Minsan ay lumayo ang loob niya sa akin nang muling bumalik ang nararamdaman niya para kay Jessie, pero lumipas din naman iyon at bumalik siya sa akin. Lagi kong naaalala ang pagpapalipas namin ng oras sa paborito naming bench sa park. Napakarami ng happy memories ko with YuKi sa lugar na ito.

"Nicholo, ready?"

Tumayo ako sa bench namin ni YuKi at nagsimula na akong maglakad palapit kay ate Sandra na nakatayo sa tabi ng kotse niya.

"Ate, salamat talaga ha." Marahan kong sambit nang makalapit ako sa kaniya.

"Well, it's YuKi anyway." Sagot ni ate Sandra na nakangiti. "But I'm not sure about you, Nix. 'Really hope something good will come out of this."

"I'm positive about this, ate..."

"Alright, then, let's hit the road. Malayu-layo din ang Olongapo."

Nalaman ni ate Sandra mula kay kuya Kiyo kung nasaan si YuKi nagi-stay at doon kami papunta ngayon. For some reason, mas ginusto ni kuya Kiyo na si ate muna ang kumausap kay YuKi para kumbinsihin ito na umuwi na. Sunod nilang sasabihan sina tita Hazel.

"Ang hirap talagang hulihin ng isip ng Kiyo na yan," sambit ni ate Sandra habang nagmamaneho. "Isipin mo, pinuntahan na siya ni YuKi, hindi pa sinipot ang bata."

"Mas mabuti na rin yon," sagot ko, "at least tayo ang nagkaroon ng chance na makausap si YuKi."

Siyempre, ako ang totoong masaya sa ginawa ni kuya Kiyo dahil makakausap ko na si YuKi. Ayaw muna ipaalam ni kuya Kiyo kay tita Hazel at tito Gavin kung nasaan si YuKi. Baka kasi hindi siya makinig sa kanila. Kuya Kiyo thought na its better na ibang tao muna ang kakausap kay YuKi, so I volunteered na ako ang kakausap sa kaniya since kaibigan niya ako. Medyo worried lang si ate Sandra dahil ang pagkaka-kwento sa kaniya ni Jessie ay naglayas si YuKi dahil sa sama ng loob niya sa pagiging engaged namin.

"But I'm sure YuKi will talk to me..." sambit ko.

"What was that, Nix?" Nagtatakang tanong ni ate Sandra.

"Wala, wala..." Napakamot na lang ako. I was thinking out loud and I didn't notice it. "Tulog lang ako, te."

"Go, Nix..."

~~~~~~

"KYUTIPAY," niyakap ako ni YuKi na nakatayo sa likod ko habang nakaupo ako sa paboritong bench namin. "kanina ka pa?" Sabay halik sa aking batok.

"Kakarating ko lang din." Sagot ko at isinabit ko ang aking mga kamay sa kaniyang mga bisig. "Anong meron?" Tanong ko bilang paghingi ng paliwanag. All of a sudden kasi ay gusto niya akong makita.

Umupo si YuKi sa tabi ko at hinawakan niya ang aking kamay saka nagsalita, "Na-miss lang kita."

"Na-miss ka dyan, parang hindi naman. Mukhang masaya ka nga pag magkasama kayo ni Jessie eh."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon