Chapter 16

718 34 4
                                    

CHAPTER 16



♪♪ So soft and sweet

You're lying next to me

Our eyes meet

You're all I see

My tears will flow

With sorrow that you'll never know

The pain of letting go

Your gaze meets mine

Our fingers entwine

as I tell you I love you for one final time

Last night, Good Night

Last night, Good Night

Holding back tears, I take your hand

I'll hold it tight, until the end

Good night my love ♪♪


"TITA HAZEL," malungkot ang tinig ng naluluhang si Enchong, nakatayo naman sa likod niya ang iba pa, "totoo po ba na... na..."

Saglit na binalot ng katahimikan ang pasilyo. Walang gustong magsalita. Walang may kayang magbanggit ng katotohanan. Nang hanggang sa wakas ay may bumasag na ng katahimikan:

"Patay na po ba talaga si YuKi?!" Hindi na nakapagpigil si Enrique na buhos na ang luha. "Iniwan na po ba kami ng kaibigan namin?"

Hindi makapagsalita ang mommy ni YuKi na hindi umaalis sa pintuan ng morgue, katabi ni Tito Gavin, tila umaasa na lalabas pa ang anak na animo'y walang nangyari. Pero matama man naming isipin ay wala na'ng YuKi na lalabas mula sa malamig na morgue, kahit na maghintay pa kaming lahat doon habang buhay.

"Tita Hazel," wika ko na kahit nagpipigil na umiyak ay tuluyan na ring bumigay nang simulan ko na'ng magsalita, "we're really sorry about your loss. YuKi is an amazing person. He will be missed... A lot..."

"Thank you, Ivan," sagot sa akin ni Tita Hazel, "sana huwag mabura sa alaala ninyo ang anak ko..."

"He will always be a special memory." Sagot ko.

"It's all my fault," paningit ni Tito Gavin, "I got too hard on him."

Hindi sumagot si Tita Hazel, kahit kami man ay tahimik din. Somehow, we all believed that it was indeed Tito Gavin's fault. Kung nakapagpigil kasi siguro siya at hindi niya sinabihan si YuKi na bakla ang tunay nitong ama, sana ay hindi inatake sa puso ang kaibigan namin. Sa sobrang bigat ng balitang nakarating kay YuKi ay hindi niya ito kinaya.

Heto tuloy kami ngayon ng buong barkada na biglang napasugod. Maya-maya pa ay dumating din sina Jessie, Nicholo, Matthew, si Pastor John at ang iba pang mga kasama ni YuKi sa church nila. Ni hindi sila halos nagsalita pero ang mga mahihigpit nilang yakap kay Tita Hazel ay higit pa upang ipahiwatig ang kanilang lubos na pakikiramay dito.

"Tita Hazel," binasag muli ni Enrique ang katahimikan, "I think you need to take some rest. Maupo ho muna kayo, may ilang oras pa bago matapos ang preparasyon sa bangkay ni YuKi..."

"Thanks, Gil..."

"Enrique po. Si Gil po yung nasa tabi ko."

"I'm sorry, Enrique... Thanks, but I'll be fine..."

"WAIT! WAIT!"

"Ano na namang problema, ha, YuKi?"

"Ivan, pare, para kasing panira ng momentum yung nalito si mommy between Enrique and Gil!"

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon