Chapter 6

1.3K 50 20
                                    

CHAPTER 6

ISANG LINGGO na akong trending sa school dahil sa picture namin ni Kuya Nicholo. Awa ng diyos, wala naman akong nabalitaan na nasa social media na siya. Kaya lang, hindi pa rin namin alam kung sino ang nagpakalat ng larawan.

Friday na naman: pagkatapos ng klase ay maaga akong nagpaalam kina Enchong, Gil, at Enrique dahil dadalo ako sa Youth Fellowship. Excited ako dahil makikita ko na ulit si Jessie. Isa pa, magkakaroon ako ng chance na makausap ng personal si Kuya Nicholo. Marami kasi akong gustong itanong sa kaniya.

Lamang ay wala si Kuya Nicholo sa church. Ang sabi ni Kuya Matthew, nag-text daw na hindi siya makaka attend ngayon dahil may trangkaso siya. Kaya naman ang ending, sa halip na ihatid ko si Jessie sa bahay nila after ng Fellowship ay ako ang inihatid nila ni Kuya Matthew sa bahay nila Kuya Nicholo.

"Uhm, Jessie," panimula ko nang huminto kami sa tapat ng bahay nila Kuya Nicholo, "hindi ba kayo sasama sa loob?"

Ngumiti si Jessie at umiling. "May pupuntahan kasi kami ni Matthew. At isa pa, nakadalaw na kami kay Nicholo kanina. Baka naman maumay siya sa amin." Pagbibiro niya.

Shit! Magdi-date ba sila ni Kuya Matthew? Pambihira naman! Paano ba to? Dadalaw ba ako kay Kuya Nicholo o eepal ako para masira ang date ni Jessie kay Kuya Matthew?

"YuKi? Ikaw ba iyan?"

Bigla kong nilingon ang tumawag sa akin mula sa bahay nila Kuya Nicholo.

"Good evening po, ninang Sandra! A-ako nga po ito."

"O, eh bakit hindi ka pa tumuloy? Bibisitahin mo ba ang Kuya Nicholo mo? Sila Jessie ba iyang kasama mo?"

"Hi Sis. Sandra!" Pagbati ni Jessie. "Hinatid lang po namin si YuKi. Aalis na rin po kami."

Napakamot ako sa ulo at sinimplehan ng tingin sina Jessie at Kuya Matthew. Saved by the bell lang kayo ngayon. Next time, sisiguraduhin kong ako'y magiging isang MH (author: hindi po Macho Hearts) -- Malaking Hadlang!

Wala na akong nagawa. Dumerecho na ako sa loob habang kumakaway si Jessie sa akin. Sinamahan ako ni ninang Sandra sa silid ni Kuya Nicholo. Inabutan ko siyang nakahiga pero gising. Napangiti siya nang makita ako. Iniwan na kami ni ninang Sandra.

Isinara ko ang pintuan ng silid at naupo sa kama, sa tabi ni Kuya Nicholo. Siya naman ay nagsikap na makaupo pero sinabihan ko siya na huwag nang magpakapagod at mahiga na lang.

"Tinatablan din pala ng sakit ang kalabaw!" Pagbibiro ko kay Kuya Nicholo. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Eto, masakit ang mga kasu-kasuan."

"Signs of decay na yan! Haha!"

"Grabe ka naman! Hindi ba pwedeng signs of ageing muna? Haha!"

"Pero seriously, you need to get well, Kuya Nicholo."

"Alam ko po iyon, doktor YuKi!"

"No, I mean, you need to feel better as soon as possible dahil marami akong itatanong sa'yo."

"Parang awa mo na, YuKi, spare me the trouble."

Sa halip na sumagot ay pansamantala kong iniwan si Kuya Nicholo at pinuntahan ko si Ninang Sandra dahil may kailangan ako. Mabuti na lamang at meron siya ng hinahanap ko. Mabilis akong bumalik sa silid ni Kuya Nicholo nang makuha ko ang bagay na kailangan ko.

"Hubad." Utos ko kay Kuya Nicholo.

"Excuse me?" Nagtatakang tugon niya.

"Hubad." Ipinakita ko sa kaniya ang isang bote ng efficascent oil na hiningi ko kay ninang Sandra. "Therapy lang ang katapat niyang trangkaso mo."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon