Chapter 7

1.1K 37 3
                                    

CHAPTER 7

"NICHOLO, bangon na."

Hinablot ko ang aking kumot at pumihit para talikuran si daddy.

Hindi ko kaya'ng magbangon at maghanda para sa church service ngayong araw ng Lingo. Napakalaki ng kasalanan ko. Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako sa nangyari sa amin ni YuKi. Kung hindi sana ako naging mahina, hindi sana ako nagkakaganito ngayon, at sana'y nai-preserve ni YuKi ang virginity niya.

Kahapon, matapos na may mangyari sa amin, inamin sa akin ni YuKi na ako ang first time niya. Kahit na nagkaroon na siya ng girlfriends noon ay wala namang nangyayari sa kanila. May ilang saglit pa kami'ng nag-usap at kung hindi pa kumatok si mommy para yayain na sa amin na mag lunch si YuKi ay hindi pa ito babangon para magdamit.

Matapos ang tanghalian ay umuwi na si YuKi at sinamahan ko siya hangang sa labas ng bahay namin.

"YuKi," panimula ko. "galit ka ba?"

"Galit saan?" Tanong niya.

"Sa akin. Sa nangyari sa atin."

"Hindi."

Sinabi niya iyon ng wala man lang expression sa mukha niya. Hindi ko tuloy masabi kung totoo ba iyon o hindi.

"Pupunta ka naman sa church bukas, di ba?" Tanong ko.

Tumango-tango si YuKi. Wala na siyang ibang sinabi. Ni hindi nga nagsabi ng "goodbye". Basta na lang naglakad palayo sa kinatatayuan namin.

"NICHOLO, BANGON NA!"

Sa bulyaw na iyon ni daddy nagwakas ang pag-iisip ko. At bagama't napipiltan ay bumangon na ako, dinampot ang aking bath towel at lumabas ng kwarto, derecho sa banyo para maligo.

~~~

"Good morning po!"

Full smile si YuKi sa pagbati sa amin nang dumating kami sa church. Himala, maaga siya ngayon at naunahan pa kami. Subalit kung paano namang perking-perky si YuKi, ako naman ay ilang na ilang nang magkita kami today.

"Kuya Nicholo," tinawag ako ng isa sa taga-church. "kayo po ang tatawagin namin para sa panimulang panalangin."

Nagitla ako. Bakit naman ako pa? "Ah, Bro. RR, si kuya Matthew mo na lang muna, ok lang ba?"

Madali namang sumunod si RR sa pakiusap ko. Naupo ako ng tahimik sa puwesto ko at hinintay na magsimula ang service. Walang anu-ano'y umupo rin si YuKi sa tabi ko.

"Kuya Nicholo," ani YuKi "masama na naman ba ang pakiramdam mo? Parang tahimik ka kasi."

"Ah,YuKi," sagot ko "samahan mo ako sa labas. Tutal ay may labinlimang minuto pa naman bago mag-start."

Dumerecho kami sa parking area na nasa gilid ng building. Nang matiyak ko na walang makakarinig sa pag-uusapan namin ay nagsalita na ako:

"YuKi, patawarin mo sana ako sa nangyari kahapon..."

May ilang segundong blanko ang mukha ni YuKi hanggang sa wakas ay ngumiti ito.

"Iyon ba?" Aniya, "Wala naman iyon. Ako ang may gusto noon!"

"Pwede ba tayo'ng mag pray together para humingi ng tawad sa Diyos?"

Umiling ng marahan si YuKi. "Kuya Nicholo, hindi ko kaya. Sa totoo lang, sa iyo lang ako naging komportable. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero naiintindihan ko na si Mon --- may kakaiba sa pagkatao mo na hindi mahirap mahalin."

"No, please..." Pagmamakaawa ko. "Let's not make things more complicated than it already is."

"Kuya Nicholo, I think I like you."

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon