Chapter 5

1.1K 40 7
                                    

CHAPTER 5

ITO ANG ARAW na naka-schedule kaming mga grade 11 para manuod ng stage play sa AFP Theatre. Sabi sa ticket, "Kanser" ang title ng palabas, pero nang magsimula na ito, Noli Me Tangere pala.

Mabuti na lang at maganda ang play, kasi kahit si Ate Jessie ay na-enjoy ito. At dahil ang araw na ito ay itinalaga para sa amin, wala kaming pasok. In other words, extended holiday kami!

Natapos ang play at around 3PM. Humiwalay muna sina Enchong, Gil, at Enrique para mag mall. Niyaya ko naman muna si ate Jessie para makapag meryenda, at hindi naman siya tumanggi. Pumunta kami sa isang pizza parlour (ito lang kasi kaya ng budget ko, hehehe), at humanap muna kami ng table bago ako pumila sa counter para maka order.

"Uhm, YuKi," marahang wika ni ate Jessie nang kumakain na kami. "salamat sa treats ha?"

"Naku wala iyon!" Sagot ko habang nakangiti. Nadagdagan kasi ang pogi points ko. "Ako nga ang dapat magpasalamat kasi sumama ka. Nakatipid pa tayo sa pamasahe dahil hinatid tayo ni pastor John. Hindi naman pala siya ganoon ka strict."

Napangiti si ate Jessie. "Strict siya, pero may tiwala din siya sa akin. Isa pa, iyong puntahan mo ako sa bahay last Tuesday para ipagpaalam kay daddy is one of the deciding factors kaya hindi siya tumangi na mag date tayo."

Date?

Date ang tawag ni ate Jessie sa ginagawa namin? Pasimple akong kinilig doon. Akala ko kasi ay ako lang ang nag-iisip noon. So kung saka-sakali pala na ipagpaalam ni kuya Nicholo or kuya Matthew si ate Jessie ay may chance din na maka-date nila ang babaeng gusto ko?

Hmmnn... This looks like a job for Super YuKi! Kailangan kong kumilos dahil kung hindi ay baka makuha pa sakin si ate Jessie. Kailangang malaman na ni ate Jessie ang nararamdaman ko:

Nag-clear ako ng throat, "A-ate Jessie," lumagok muna ako ng iced-tea bago magpatuloy sa sasabihin ko. "Ate Jessie, I like you. Will you be my girlfriend?"

Natawa si ate Jessie. Akala ba niya nagbibiro lang ako?

"YuKi," ani ate Jessie, "very straight-forward ka talaga no? Mabilis ka mag-express ng nararamdaman mo."

"Hindi kasi ako pwede magkimkim ng nararamdaman ko..."

"Ok..." nangingiti pa rin si ate Jessie, "Let's see: mas matanda ako sa'yo at anak ako ng pastor. With my age and my upbringing, iba ang demands ko, kumpara sa mga babae na kasing edad mo. You think you can keep up with it?"

Wow!!! Kung sa school, "Yes" agad ang isasagot sa akin ng babaeng tatanungin ko ng ganon, si ate Jessie ay ibang-iba! Mas lalo akong humanga sa kaniya, and at the same time ay na-challenge.

"Ate," natigilan ako. Kung liligawan ko siya, hindi ko na siya pwedeng tawagin ng ganon. "Uhm, pwede ba kitang tawaging Jessie?"

"I won't mind, kuya YuKi."

"No way!" bulalas ko. "I thought you're giving me a fighting chance? Wag mo naman akong tawaging kuya..."

Tinawanan ako ni ate Jessie, I mean, ni Jessie. OK, nakuha ko na: joke lang ang pagtawag niya sa kin ng kuya. This will be the start of good things to come.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Napangiti si ate Jessie dahil narinig niya na ang ringtone ko ay iyong opening themesong ng Inuyasha, iyong "Change the World."

Mabilis kong sinagot ang tawag:

"YuKi," si Ivan lang pala ang tumatawag. "we need to talk."

"We already are, man!" Sagot ko. Istorbo ba naman kasi.

"Galit ka ba?"

"Panira ka kasi ng momentum! Ano ba'ng sasabihin mo?"

"YuKi, is there something bothering you? Or something that we need to know?"

"What?!" Hindi ko alam kung pano sasagutin ang tanong ni Ivan. Ano bang nagawa ko sa school? Wala naman akong maisip.

"Yuki," may ilang segundo bago magpatuloy si Ivan. "are you..." Huminto siya ulit. Parang hindi niya alam kung pano sasabihin ang gusto niyang sabihin. "YuKi, I'll meet you after class!"

"No, Ivan! Tell it to me now!"

"OK, nasaan ka?"

Nasira ang date ko dahil sa phonecall na iyon. Pinasya ni Jessie na mauna nang umuwi after ng meryenda namin. Kailangan niya rin daw kasi umabot sa Youth Fellowship dahil Friday ngayon. Sana raw makapunta ako.

Pero hindi lang iyon, mas nasira ang araw ko sa ibinalita ni Ivan nang magkita kami. Matagal bago niya ito sinabi sa akin. Sinigurado muna niya na hindi ako mago-over react.

"I can explain this!" Ani ko habang nakatitig sa picture na nasa cellphone ni Ivan.

"I'm interested to hear it."

Ang larawan sa cellphone ay ang kuha namin ni kuya Nicholo noong nasa MOA kami kahapon --- at magka-holding hands kami! Ang sabi ni Ivan ay mabilis daw itong kumalat sa school at hindi naman matukoy kung kanino ito nagsimula. Ipinaliwanag ko kay Ivan ang eksenang iyon, naikuwento ko na rin tuloy si kuya Nicholo sa kaniya.

"You have to brace yourself, man." Ani Ivan habang tinatapik ako sa balikat. "Next Monday is going to be a tough one. But we'll be there for you..."

~~~~~~

SA CAFETERIA ko ipinaliwanag kina Gil, Enrique, at Enchong ang mga nangyayari. Obviously, walang nag-warn sa kanila para sa mangyayari ngayong Lunes.

"Potena!" Bulalas ni Enchong. "Sa oras na malaman ko ang mastermind nito, babalatan ko siya ng buhay tapos bubudburan ko siya ng asin!"

"Tapos, pagulungin sa buhangin! " Sabi naman ni Gil.

"Tapos, tadtarin ng pino!" Sabat ni Enrique.

"Grabe naman kayo!" Ani ko sa tatlo.

"Bakit? Hindi ba grabe din ang ginawa niya sa'yo?" Halos mamula sa inis si Enrique.

"Guys, confident naman ako so wala akong dapat ipag-alala. Saka tinuro ni pastor John sa church kahapon na dapat marunong tayong magpatawad."

May dumaang grupo ng kababaihan at nakatingin sila sa akin habang nagbubulungan, sabay tingin sa mga cellphones nila.

"OM!" Sabi ng isa, "It's him nga!"

Mabilis silang binalingan ni Enchong.

"Hoy, umalis na kayo bago ko kayo gawan ng scandal dito!"

Natakot ata ang mga babae kaya mabilis din silang umalis. Pero, sample pa lang iyon ng mga pagdadaanan ko.

Paglabas namin sa cafeteria, pinagtitinginan ako ng iba pang estudyante at gaya ng iba, nagbubulungan sila. Gusto sugurin nila Enrique ang mga iyon pero inawat ko sila.

"Chill, guys." Sambit ko. "Lilipas din ito. Besides, I'm an instant celebrity! You should be proud of me!"

Gusto kong ipakita sa mga tropa ko na ayos lang ako. Pero sa totoo lang, gusto ko nang maglaho. Ang hirap pala ng ganito. From campus king of hearts, bigla akong naging markadong closet queen. And dating homophobic, ngayon ay homophile na.

Kaya lang naisip ko, may mas malalim na dahilan kung bakit nangyayari ito. At sa halip na panghinaan ako ng loob, naramdaman ko na may obligasyon akong turuan ang mga school mates ko kung paano irespeto ang mga taong nabibilang sa third sex.

Kuya Nicholo, biglang nagbago ang takbo ng buhay ko simula nang maging malapit tayo. Tulungan mo akong mas maintindihan pa ang mundo na dati ay ginalawan mo.

Tinapik ko sina Enchong, Gil, at Enrique. Hudyat upang magpatuloy kami sa paglalakad patungo sa aming classroom. Hindi ko alam kung kailan mababaon sa limot ang eskandalong ito, pero nagpasiya na ako: I will get out of this victorious!

xxxxxxxxxxxxxxxxxx

A/N: As if kulang pa ang mga changes sa buhay ni YuKi, on our next chapter he will experience yet another turn-of-event in his life!

Votes or comments na rin po : )

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon