Chapter 14

928 34 1
                                    

CHAPTER 14






PWEDE'NG MAGPATULOG?



Bakit naman kasi kung kailang patulog ka na ay saka may tatawag sayo? Unknown number pa. OK lang ba kung hindi ko na sagutin to? Kaya lang baka kasi emergency.



"Hello." Medyo bugnot kong sagot.



"Nicholo, hi!" Ani ng tinig sa kabilang linya. "Can you come down for bit? Nandito ako sa mini garden nyo."



"IVAN?!" Napabalikwas ako sa kama. "Dis oras ng gabi, anong ginagawa mo sa'min?"



"I'll tell you, baba ka dito."



"Hintayin mo ko."



Whew! Anlakas mag trip ng batang to. Naghanap ako ng pajama sa drawer, isinuot ito at nagtungo sa mini garden. Nakakahiya naman kasing harapin ko si Ivan na naka boxers and T-shirt lang. Sa living room ako dumaan papunta sa garden, pero hindi na ako nagbukas ng ilaw. At naroon nga siya sa garden, nakaupo sa wooden swing. Dali-dali siyang tumayo nang makita niya ako.



"What's up, Ivan?" Tanong ko nang makalapit sa kaniya.



"In a few minutes birthday mo na." Aniya.



"Yeah..."



"I want to be the first person to greet you on your very special day..."



For some reason, ang tamis ng ngiti ko nang marinig ko ang sinabing iyon ni Ivan. Ang sweet naman ng batang ito.



"Salamat." Sagot ko.



Dinukot ni Ivan ang cellphone sa bulsa ng polo niya at tila may hinahanap siyang file. Nang masumpungan niya ang hinahanap niya ay isinuksok niyang muli ang cellphone sa kaniyang bulsa. Ilang saglit pa ay may tumunog na musika. Sapat lang ang lakas nito para kami lang ang makakarinig.



"Can I be your first dance?" Nakangiting tanong ni Ivan habang nakalahad ang kaniyang mga kamay at nag-aanyaya ng sayaw.



Well, he came all the way here for this. "My pleasure." Sagot ko at kinuha ang kaniyang kamay, at nagsimula na kaming sumayaw sa saliw ng musika.

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon