Chapter 4

1.3K 39 3
                                    

CHAPTER 4

CITY HOLIDAY ngayon kaya walang pasok. Isa ito sa mga araw na parang gusto ko lang tumambay sa pool ng clubhouse para mag relax sa malamig na tubig. Maaga akong gumising at pagkatapos ng breakfast ay dumerecho na ako sa aking pupuntahan.

"Nicholo," si mommy iyon, tinawag ako. "make sure you're back for lunch."

"I will, mom!"

Three days na ang nakakalipas simula nang makita ko'ng muli si Mon at dito pa sa subdivision namin. Guest kasi siya ng isa mga residente dito noong gabing iyon. Mabuti naman at guest lang, dahil baka magwala na si daddy kapag dito rin nakatira si Mon. Samantala, matapos ko'ng makapagpalit ng panlangoy ay lumublob na ako sa pool.

Kagabi, pagkatapos ng Prayer Meeting ay sabay kami umuwi ni YuKi at sa daan ko ikinuwento ang tungkol sa amin ni Mon. Nakakatawa ang mga reaksiyon niya; halatang wala talaga siyang masiyadong alam sa mundong ginagalawan ng mga tulad ko. Doon ko medyo naintindihan ang pinangagalingan ng phobia niya: takot siya sa mga bagay na hindi niya alam.

Gaya ng kahit sino sa atin, we're afraid of what we don't know. Takot tayo sa ahas dahil ang alam lang natin ay makamandag sila. Ang hindi natin alam ay mahiyain sila at pipiliting umiwas sa iba pang nilalang. Pero tayo, sa ka-ignorantehan natin ay papatayin natin ang ahas sa oras na makakita tayo nito. Kung bibigyan kita ng saradong kahon na may nag-iisang butas at sasabihin ko sa iyo na ipasok mo ang kamay mo sa loob nito, susunod ka ba agad? Hindi ba't mag-aalangan ka dahil hindi mo alam kung ano ang meron dito? At kung ipipilit ko sa iyo ang kahon, hindi ba't baka maisip mo'ng tumakbo o tabigin palayo ang kahon?

Ang tawag sa ginagawa natin ay rejection. Instinct ito. Likas ito sa bawat tao. Kapag sinabi ng isip mo na masama sa iyo ang isang bagay, iri-reject mo ito. Napaisip tuloy ako: narealise ko ba na makakasama sa akin si Mon kaya ni-reject ko siya, o ako ang totoong may fear of rejection kaya I acted out of will na iwan siya to defend my self from possible rejections from others?

"Kuya Nicholoooo!"

Naparam ang aking pagmumuni-muni at nilingon ko ang tumawag sa akin -- si YuKi. Nasabi ko kasi kagabi na pupunta ako dito sa clubhouse ngayon, at kahit na nagsabi siya na sasamahan niya ako ay hindi na rin ako umasa. Pero ngayon, hindi ko maiwasan ang mapangiti ng matamis habang pinagmamasdan siya sa paglalakad palapit sa akin.

"Kuya Nicholo," ani YuKi, halos magsara ang mga singkit niyang mata "ba't di mo ko tinext? Sabi ko sasama ako eh!"

"I'm sorry," sagot ko. "akala ko kasi nagbibiro ka lang."

Hindi na sumagot si YuKi. Bagkus ay hinubad niya ang T-shirt niya at lumundag na agad sa pool. Malaki na talaga ang ipinagbago niya simula noong una niyang malaman kung ano ako. Mas komportable na siya sakin ngayon.

May ilang oras pa kaming lumangoy-langoy at maya-maya pa'y nagyaya si YuKi na mag-snack muna kami. Ipinagbaon siya ni tita Hazel ng clubhouse sandwich at meron din daw para sa akin.

"Natutuwa si mommy sa iyo," sabi sa akin ni Yuki habang puno ng tinapay ang bibig. "kaya enjoyin mo yang clubhouse. Kung hindi ka raw naging matiyaga sa akin, for sure ay pasaway pa rin daw ako." Sabay lagok ng fruit juice.

"Nga pala, Kuya Nicholo," pagpapatuloy ni YuKi. "you have any plans after this?"

"Well, I need to be home for lunch."

"BADUY!!!" pang-aasar ni YuKi. "Sumama ka na lang sa kin sa MOA. Bibili ako ng maayos na polo para suutin ko tomorrow. Nakahirit ako ng pera kay mommy."

"Ano'ng meron bukas?" Tanong ko.

"Manunuod kami ng stage play sa AFP theatre, kuya."

"At required kayong mag-dress up?"

Macho Hearts Book 4: Generation HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon