Chapter 1

480 6 6
                                    

Chapter 1

[It wasn't a love at first sight. It's just accidentally happened on first day of school. ]

Isang akong transferred student dito sa isa sa pinakamalaki at pribadong paaralan sa Lucena City, Province of Quezon. Walang kilala, walang kasama tanging kapatid ko lamang, pero Fourth year college na siya, graduating na. Samantalang ako, Grade 11 pa lamang. Minabuti ng mga magulang ko na dito na lang ako papasukin para raw makuha ko ang gusto kong Track at sigurado sila na mas maganda ang mga facilities ng School na'to and in fact I am with my sister. May husband na kasi ang sister ko at may bahay sila dito sa Lucena. Ang mga magulang ko ay malayo sa amin. Ang Mama ko ay isang teacher sa lugar namin sa probinsya, samantalang ang papa ko naman ay isang business man, may sarili siyang trabaho at 'yon ay ang pagpapalago ng aming isang tindahan.

Dalawa lang kaming magkapatid, at 'yong kapatid ko? Kabaliktaran ko, kung siya 'yong babaeng 'di makabasag pinggan ako 'yong babaeng basag lahat ng pinggan. They know me as a strong and independent woman, risk taker, pero may kinakatakutan din naman.

"Hailyn?" Nawala ako sa pag-mumuni muni ko. Napatingin ako sa ate ko na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin. First day ngayon at nakasakay na kami patungo sa school.

"Kanina lang excited kang pumasok, kinakabahan ka ba?" Bigla akong napaiwas nang tingin sa Ate ko, ayokong malaman n'ya na kinakabahan ako, ayokong makita niya sa mga mata ko na natatakot ako.

"Hindi Ate Sha ah, ako? Kabahan? Hell No! You know me naman 'di ba?" bigla s'yang natawa sa reaksyon ko.

"Kaya nga ako nagtatanong di ba? Because I know you as a strong woman, daig mo pa kaya ako." At nagtawanan na lang kami ng Ate ko.

Mahal na mahal ko ang ate ko, at kung sinong manakit sa kan'ya doble pa sa sakit ang mararanasan n'ya.

Mayamaya ay tumigil na ang kotse namin este kotse pala nina Ate, sa tapat ng isang malaking eskwelahan kung saan kami mag-aaral ng aking kapatid.

"Sobrang laki naman pala talaga nito Ate Sha, magkita kaya tayo dito?" Tanong ko habang nililibot ang mata sa paligid.

Sa paglilibot ng aking mata ay nakita ko ang mga babaeng nagkakalipumpunan, kung 'di ako nagkakamali magkakaibigan sila at kitang kita mo sa mga mukha nila ang saya habang magka-kausap sila na alam na alam mong na-miss ang isa't isa.

Sa kabila naman ay kalalakihan at mukhang masasaya rin sila. Pero napatigil ako sa paglilibot ng mga mata ko nang makita ko ang mga mata ng isang lalake na nakatingin lang sa akin. Brown eyes.

"Honey, tatawagan na lang kita kapag susunduin mo na kami, 'di ko parin po kase alam kung anong oras labas namin ngayon." Humalik muna ang Ate ko sa Husband niya. "Hailyn? Tara na? Ihahatid na kita." Narinig kong sabi ni Ate kaya naman umiwas ako nang tingin doon sa lalaki at sumunod na sa kapatid ko.

"HAILYN? OMG! HAILYN LAUREEN? IS THAT YOU?" Sigaw ng isang babae at sa palagay ko kilala ko na 'to. Sa boses pa lang kilalang kilala ko na. Alam ko rin kasi na dito siya nag-aaral simula Elementary at High School. Hanggang ngayong, Senior High School.
Hindi ko siya nilingon hinayaan ko lang siya, iisipin ko na lang 'di ko siya narinig.

"HAILYN LAUREEN RAMOS? HEY YOU BITCH!—

"DON'T YOU EVER CALL ME BITCH! YOU BITCH!" Pagkaharap na pagkaharap ko sa kaniya biglang nanlaki ang mga mata niya at saka siya sumugod sa'kin at binanatan niya ako ng isang napakahigpit na yakap.

"Oh, my God! Andito ka. Alam mo nakakainis ka sabi mo hindi ka dito papasok." Sabay hampas sa akin ng walang hiyang babaeng ito.

"Aray ha? Masakit! Ito na nga oh dito na papasok. Ayaw mo ba?" Nagkatawanan na lang kami ni Patricia, she's a true friend of mine. Nakilala ko siya when I was a kid, she was my playmate before. Lagi kami sa bahay noon naglalaro ng kung ano-ano.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now