Chapter 14
...
"Laureen." Napalingon-lingon ako sa paligid ko nang marinig ko ang boses na 'yon.
"Laureen." Muli ay narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ako pwedeng magkamali, boses 'yon ni Laurence at siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Laureen.
"Laurence? Asan ka?" Naluluhang sabi ko habang patuloy na naglalakad at nililingon-lingon ang paligid ko.
"Laureen." Napalingon ulit ako sa unahan ko at nakita ko na ando'n nga si Laurence nakatayo habang nakangiti sa akin. "I missed you, my Princess." Tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Dahan-dahan ko siyang nilapitan pero napatigil ako nang bigla siyang lumuha at umatras. "D'yan ka lang."
Napaluha na naman ako habang napakunot noo sa kaniya. "Bakit?"
"Sorry." Napatingin naman ako sa kanan niya nang makita ko si ... Faye?
"Faye? Bakit?" Tanong ko sa kaniya pero umiiyak lang siya.
"I'm sorry, Hailyn." Patuloy lang siyang umiiyak at saka tinalikuran na nila akong dalawa, hinabol ko pa sila pero parang biglang nagsarado ang daan at kahit na anong anino nilang dalawa ay wala na akong natanaw pa.
"Laureen." Napatigil ako at napalingon sa likod ko pero wala do'n si Laurence.
"I love you."
...
Napabalikwas ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang kumirot eto at muli kong naalala ang panaginip ko. Ano 'yon? Bakit napanaginipan ko silang dalawa? May pinahihiwatig ba ang panaginip ko? O ano? Shit.
"Hailyn?" Napalingon ako sa pintuan nang makita ko si Ate na may dalang prutas.
Dalawang araw na rin ang nakalipas simula no'ng pag-uusap namin ni Zeus at sa dalawang araw na 'yon ay hindi ako nakakapasok dahil hindi ako tinantanan ng lagnat ko. Kahit naman noon may lagnat ako ay pumapasok pa rin ako pero ngayon ay hindi kinakaya ng katawan ko ang bigat. Pero unti-unti naman ay gumagaan na rin ang pakiramdam ko, at baka sana ay makapasok na ako bukas.
"Ano 'yan?" Tanong ko kay Ate habang may dala siyang isang parang maliit na basket.
"Prutas, may bisita ka." Paglingon ko ulit sa pintuan ay nakita ko na andoon si Zeus na nakatayo.
"Iwan ko muna kayo." Kunot noo kong tiningnan si Ate pero nginitian niya lang naman ako. "Usap muna kayo dyan, usap lang ah?" Nakita ko namang natawa si Zeus sa sinabi ni Ate. Unti unti syang lumapit sa'kin habang nakangiti at nginitian ko sya pabalik.
"Anong...ginagawa mo dito Zeus?" Medyo nauutal kong tanong sa kaniya at saka nilapag niya ang prutas sa gilid ko kung saan ando'n ang Table ko, may isang bangko sa gilid ng kama ko kaya do'n siya umupo.
"Masama bang bisitahin ang may sakit?" Sagot niya naman at napairap naman ako sa sinabi niya.
"Magaling na ako." Malamig kong sabi sa kanya at napatingin naman siya sa akin. Tumayo siya at naglibot-libot sa loob ng kwarto ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang tinitingnan niya ang mga picture na nakasabit sa wall at binubuklat-buklat niya naman ang mga libro ko na nakalagay sa isang maliit na book shelf.
"Ganyan ba ang magaling? Putlang putla tapos nanghihina?" Medyo natatawa nyang sabi at saka lumingon sa akin. Umupo ulit siya sa upuan.
"Well, medyo maayos na ang pakiramdam ko , kompara noong isang araw." Sabi ko sa kanya habang kumuha ng saging.
"Kelan ka papasok?" Tanong naman niya habang tumatayo at kukuha din ata ng saging. Aba.
"Hoy! Akin yan ah!" Sigaw ko sa kanya at para naman siyang napaso kaya medyo iniatras ang kamay niya.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Novela JuvenilI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...